“Woah, what are you doing here?” Nagpapasalamat ako kay Zaros ngayon dahil tamang oras siya dumating dito sa palasyo. Kaya naman ay hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong sa akin ni Devillina. Naalala ko na hindi niya nga pala alam na tao ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman nakikita na nagiging asul nga ang mga mata ko. Ayoko pa ring paniwalain ang sarili ko na may kakaiba sa akin simula noong nagkaroon ng marka ng pangil sa katawan ko. Pero base sa sinabi rin ni Devillina at sa reaksyon niya na nakita niyang nagbago ang kulay ng mga mata ko, dumagdag na naman ‘yon sa isipin ko. Lalo na ngayon na nagalit pa ako sa kaniya tapos bigla na lang nagbago raw ang mga mata ko. Kaya napatanong na lang siya sa akin kung anong klaseng nilalang ba ako. Miski ako ay hindi na r

