[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] “Reign!” sigaw ko. Nang isasaksak na sana ni Zaros ang sandata sa kaniya, ay bigla na lang siyang nawalan ng malay. Nang mawalan siya ng malay, kasunod no’n ay tuluyang nawala si Reign! Tulad ng mga bampira na namamatay ay naglalaho sila na parang bula sa hangin. Gano’n din ang nangyari kay Reign. Napaluhod ako nang makita ko ‘yon. Ngunit hindi naging abo si Reign, katulad ng mga bampira na namamatay. Takang-taka ako kung nasaan na siya napunta. Miski si Zaros na hawak si Reign ay biglang nagtataka kung ano na ang nangyari kay Reign. “A-Anong nangyari? Nasaan na ang babae na ‘yon?” tanong pa ni Zaros. Nilingon naman niya ako. “Is she… dead?” dagdag pa niya sa akin. “AAAHHH!” Pasigaw ako na sumugod sa kaniya. Wala na akong pakialam pa kay Ama. Papatayin k

