[REIGN VICTORIA’S P.O.V.] Ngayon na lang ulit ako nakarating dito… Naninibago ako sa nasa paligid ko ngayon. Kakaiba ang simoy ng hangin at kakaiba rin ang mga gusali na nasa paligid ko. Pati na rin ang mga nakakasalubong ko na normal lang na naglalakad. Ngayon na lang ulit ako nakabalik sa mundo ng mga tao, sa dati kong mundo. Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay muli na akong nakabalik dito. Sobrang tagal kong hinintay na makabalik ako rito para mamuhay ng matino at normal muli, pero ngayon lang nangyari. Pero hindi ko maramdaman ang tuwa sa sarili ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung nararapat pa ba ako rito matapos ang lahat ng mga nangyari. Hindi ko na matatawag na normal na tao ang isang katulad ko. Naging halimaw ako. Wala nang ibang tawag pa sa nangyari sa akin. Ang pagbabag

