“This is the Great Hall of Palacio de Vampira. Narito ang main room ko, ang pinakamalaking kwarto na narito sa palasyo. Sa kabila naman ay kung saan ka natulog.” Namangha ako sa ganda ng kwarto ni Mr. Brickell. Sobrang laki no’n at para bang katumbas na ng isang palapag ng bahay niya ang kwarto na ‘yon. Ang bahay niya sa mundo ng mga tao ang tinutukoy ko. Hindi ko akalain na may kwarto pala na ganito kalaki. Kung sabagay, palasyo nga e. Wala namang palasyo na maliit lang. “Ikaw lang mag-isa sa kwartong ‘to, Mr. Brickell? Hindi ka ba nabo-bored dito? Ang laki nito ay parang kasing laki na ng espayo ng buong apartment building na tinitirahan ko noon,” namamangha na sambit ko sa kaniya. “You can just call me Brickell.” Hindi ko inaasahan na hahayaan niya akong tawagin siya sa pangalan

