First time niyang makaamoy ng dugo na katulad ng sa akin? “Baka naman iba-iba talaga ang amoy ng dugo ng mga tao?” tanong ko muli sa kaniya. “No. I know the smell of the blood of a normal human. Pare-parehas lang naman ang amoy ng mga tao sa aming mga bampira. Kaya nang maamoy ko ang sa ‘yo ay nagtaka rin ako kung bakit kakaiba ang sa ‘yo. Miski si Zaros ay nagtaka. May isa paraan din para maitago ang amoy ng dugo mo. Hindi katulad sa isang normal na tao na hindi na maitatago pa ang amoy. Sinubukan ko lang ang pabango na ‘yon sa ‘yo noong tulog ka. Hindi na kita maamoy pagtapos no’n. Miski ang babae na nag-assist sa ‘yo kanina ay hindi alam na isa kang tao,” paliwanag pa niya sa akin. “Huh? Gano’n ba? Kung natatago naman pala ang amoy ko bilang isang tao, bakit hindi pa tayo magpunta n

