“Sigurado ka na ba sa desisyon mo na ‘yon? Hindi ko masisiguro sa ‘yo na magkakaroon ka talaga ng maayos na pananatili rito sa mundo namin. Lalo na at gusto mong lumabas. Hindi sa lahat ng oras ay magagawa kitang mabantayan. Well, I can guide you here for a few days. But that is not permanent. May mga bagay din ako na kailangang gawin,” paliwanag sa akin ni Brickell. “Ano-ano ba ang mga gagawin mo? Importante ba ang mga ‘yon?” tanong ko. Gustong-gusto ko talagang libutin ang mundo nila. Kahit na hindi ako sigurado kung malilibot ko ba talaga ang buong mundo ng mga bampira. Hindi ko alam kung gaano ba ‘to kalaki. Kasing laki rin ba ng mundp na naiisip ko na katulad ng ginagalawan ng mga tao? O kakaiba talaga ang istilo ng mundong ito? “I have some businesses to do. You may not be awar

