Ito na ang nakatakdang araw ng kasal namin ni Brickell. Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mismong harap niya mamaya. Baka mahimatay ako sa sobrang nerbyos. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit hindi ko maramdaman na masaya ako. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari mamaya sa kasal namin ni Brickell. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Kakaiba ang aura ng araw na ‘to. “Ayos ka lang ba, Reign?” tanong sa akin ni Mama. Nakabihis na ako ngayon. Ang suot ko ay isang puting dress lamang. Simple lang ang itsura ko ngayon. Tapos nakapaa lang ako at walang suot na kahit na anong sapin sa paa. Ganito raw dapat ang itsura ko. Ang mahaba kong buhok naman ay nakalugay lang. “Kinakabahan lang po ako, Mama,” sagot

