Nang makabalik kami ni Jaira sa palasyo ay bumungad sa amin si Brickell. “I heard what happened. How are you? Do you want me to kicked Devillina?” sambit niya agad sa akin. Akala ko pa naman ang una niyang sasabihin ay tungkol sa limang bampirang estudyante na namatay. “Huwag na, ayos lang naman ako. I can handle her. Besides, kung sakali man na saktan niya ako ay naroon naman si Jaira,” sagot ko lamang. Tsaka naiintindihan ko naman kung bakit siya galit sa akin. Dahil may gusto siya kay Brickell tapos ako pa ang mapapangasawa ni Brickell. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na hindi naman ‘yon totoo para mapanatag ang loob niya ay ginawa ko na sana. Tsaka kahit naman sabihin ko ‘yon ay mukhang hindi naman interesado sa kaniya si Brickell. “Sure?“ paninigurado pa sa akin ni Brickell.

