Bigla na lang nawala sa paningin ko kung sino man ang nakita ko. Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang hawak sa akin ni Jaira. Nilingon ko naman siya. “Hindi mo na kailangan pang makita ‘yon. Bumalik na tayo sa loob ng room,” sambit niya. Medyo wala pa ako sa sarili dahil kinilabutan ako sa nakita ko kanina. Kaya naman ay hinayaan ko lang si Jaira na hilahin ako papasok muli sa room namin. Tapos hindi ko alam kung bakit at paano ko narinig ang sinabi niya. Sigurado ako na sa kaniya galing ang boses na ‘yon. Pakiramdam ko pa ay ako lang ang nakarinig sa sinabi niya. Nagkakagulo pa rin sa labas. Ganito rin sa mundo namin. Kapag may gulo o kahit ano man ay nagkakagulo rin ang mga estudyante at nakikichismis sa nangyari. Wala rin pa lang pinagkaiba sa mundong ‘to. Hindi ko inaasah

