Nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Nagtaka ako nang hindi pamilyar sa akin ang lugar na nakikita ko ngayon. Napakunot ang noo ko at dahan-dahan akong bumangon. Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng lugar, hanggang sa makita ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa gilid ko, ‘di kalayuan sa akin, at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Saka ko lang naalala ang lahat ng mga nangyari kanina. Hindi pala ako matagal na nawalan ng malay! Agad akong napatayo at sinuri ang kabuuan ng katawan ko. Ayos at buo pa naman ako. Pero nasaan ako? Kakaiba ang lugar na ‘to. Para bang nasa loob ako ng isang kuweba. Ngunit ang itsura niya ay hindi nakakatakot na kuweba at hindi rin pangit. Para bang makabagong kuweba ito sa ibang mundo, kakaiba tal

