“Bakit naman gusto akong patayin ng babae na ‘yon? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya,” sambit ko nang makalayo na kami roon. Mabuti sana kung ang sinabi niya ay gusto niya akong kainin, dahil bampira naman siya. Mas maiintindihan ko pa ‘yon. Kaysa naman sa sinabi niya na gusto niya akong patayin, kakaiba na ang ibig niyang sabihin doon. Hindi niya rin naman naamoy na dugo ako ng tao, kaya siguro ay inaakala niya na isa lang din akong bampira katulad nila. Kaya siguro hindi niya rin sinabi na kakainin niya ako. Dahil hindi naman niya alam na isa akong tao. “Don’t be bothered. She won’t be able to lay a finger on you,” sagot lang ni Brickell. Nagkibit-balikat na lang ako at nanahimik sa biyahe. Malawak ang mundong ‘to. Hindi ko alam kung gaano kalaki at kung hanggang saan ba a

