Ano bang pinagsasabi niya? At bakit ko naman siya iiwanan dito, eh, ginawan ko nga ng paraan para maisama siya sa paglabas! "Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama, Bogart!" matigas kong sabi sa kaniya. Nandito na ako sa balikat niya at kahit na takot akong tumayo rito ay tumayo pa rin ako para lang maitutok ang aking espada sa anak ng ahas. "Ako na ang bahala rito, Master Bobo. Hindi puwedeng isubo nating pareho ang ating buhay dito. Kailangang may makaligtas sa atin upang ipagpatuloy ang paglalakbay," sagot niya sa akin. "Hindi... Hindi ako aalis nang hindi kita kasama," pagmamatigas ko pa rin. Kahit anong gawin niya ay hindi ko talaga siya iiwan dito. "Makinig ka muna sa akin sa pagkakataong ito, Master Bobo..." wika niya. "Kung mayroon mang dapat umalis dito ay ikaw iyon dahil

