Gusto kong magdiwang nang maramdaman kong malalaglag na ako ngunit bigla ko namang nakita na pinupuluputan ng ahas ang wala pa ring malay na si Bogart. Kasunod niyon ay ang pagbuka ng ulong mukha ng ahas na akmang ihuhulog doon si Bogart. "Huwag!" malakas kong sigaw pero tuluyan na akong nahulog sa halamanan. Natataranta akong napatayo kahit na naramdaman ko ang sakit ng aking likod dahil sa pagkakabagsak. Tumakbo ako papunta sa makapal na dahon at pilit iyong hinahawi upang makita ko si Bogart. Nakita ko nga si Bogart na papunta na sa malaking bibig ng ahas ngunit ang mga hinawi kong dahon ay kusang bumabalik sa dati. Sinubukan kong tumalon upang lumusot doon ngunit tumatalbog lang ako pabalik. 'Hindi maaari!' Kailangan kong matulungan si Bogart. Hindi dahil sa siya ang kasama kong na

