Hindi ako halos gumagalaw sa aking pagkakaupo habang nakatitig dito sa espadang hawak ko. Tuluyan ng ibinigay sa akin ni Husa ito at sinabi niyang ito na nga ang magiging sandata ko. Aniya pa ay kailangan ko itong gamitin sa lahat ng kilos ko. "Master Bobo." Napabuga ako ng hangin na may halong pagkadismaya o pagkainis o pagkairita. Hindi ko na kailangang tumingin dahil sigurado akong si halihayop ang tumawag sa akin. "Mag-eensayo ka raw kayo ni Husa," ang wika niya sa akin. "Ano?!" halos lumuwa ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Halos kauupo ko lang dito at hindi pa nga talaga nag-iinit ang aking puwet tapos piantatawag na kaagad ako? "Ngayon na raw, Master Bob—" "Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo ay master na lang ang itawag mo sa akin at 'wag mo ng banggitin ang pangalan ko?" irit

