Nakapangalumbaba ako habang nakatayo sa aking harapan ang kambal na sina Lu at Ku. Tinanong kasi nila ako kung may naisip na ba akong paraan upang matalo si Ku at simpleng wala lang naman ang sagot ko. Wala naman kasi talaga. Hindi rin naman talaga ako nakapag-isip kagabi dahil nga nagkuwento lang ako kay hal—kay Bogart. Siya na nga pala si Bogart. Ang half-better ng aking pagkatao. Half-better kasi, mas better siya sa akin pero half lang kasi mas better naman ang itsura ko kesa sa kaniya. "Kung ganoon ay kailangan niyo na uling magsimula sa pagtakbo. Talunin mo siya sa pagtakbo kung wala ka ngang maisip na paraan," wika ni Lu sa akin. Tatamad-tamad akong tumayo at nagpatiuna sa starting line namin. Wala akong magagawa kung ito ang gusto nila kahit na alam naman nilang malabo akong manal

