Disclaimer
This story is work of fiction. Names‚ characters‚ places‚ events‚ and incidents are just product of the author's imagination. Any recemblances to actual events‚ persons‚ living or death‚ is purely coincidental.
No part of this story may be reproduced‚ distributed‚ or transmitted in ang form/manner or by ang means including electronic or mechanical methods or copying without the author permission.
* * *
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas “ano bayan‚ ang aga-aga ang iingay niyo!” sigaw ko dito sa aking kwarto
“Ashton Kiero Cratus you're grounded‚ no gadgets‚ no sport cars‚ and lastly no allowance!” rinig na rinig ko dito sa aking kwarto ang sigaw ni Sophia ‘ano nanaman kaya ang kagaguhan ang ginawa ni Kiero?’ tanong ko sa aking isip
“but mom‚ sobra naman ata yun! No sport cars? Anong gagamitin ko paputang school? At no allowance seriously!?” sigaw na reklamo ni Keiro
“are you shouting at me young man!?” sigaw na tanong ni Sophia “gosh Kiero‚ pano mo nagawang nakawan ako? Pano mo nagawang nakawan ang kompanya? Bakit kulang pa ba yung binibigay ko sayong pera? Bakit mo 'yon nagawa?” tanong ni Sophia
napangisi nalang ako sa narinig ko “mabuti naman ipinaimbistiga mo Sophia tska kasalanan mo din yan‚ inispoiled mo yung anak mo eh‚ hayst pinagbintangan muna ako bago ipinaimbistiga” sabi ko at umiling‚ pumasok na ako sa aking banyo para maligo‚ pagkatapos ng two days ngayon lang ako ulit sinipag maligo
Sinuot ko ang aking riped jeans at hoodie tsaka inilagay ang aking headset sa aking tenga‚ kinuha ko na ang aking bag at lumabas
Nakita ko si Kiero na nanonood ng netflix sa living room‚ siguro hindi nanaman to papasok ‘tsk’ akmang lalapasan ko siya ng bigla siyang nagsalita
“lil sis pls. Lend me some money‚ may road trip kami ng mga brad ko mamaya at syempre may mga chiks kaming mga kasama nakakahiya naman kung wala akong perang dala diba” sabi niya‚ wala talaga tong alam kung di gumimik ng gumik at tsaka bakit ko naman to bibigyan ng pera kung ispespend na naman niya sa mga walang kwentang bagay‚ my gosh sayang lang pera ko noh‚ tinawag pakong lil sis tsk hindi niya ako mauuto
“bakit 'san na yung kinuha mo sa kompanya niyo? Naubos mo? My gosh ang gastador mo talaga kiero‚ sa laki ng perang 'yon naubos mo agad agad” sabi ko‚ sabi nga ni Sophia muntik na daw ma buncrupt yung business nila dahil sa ginawa ni Kiero pero ewan ko kung totoo yun or sinosobrahan niya lang yung mga sinasabi niya‚ knowing Sophia may pagkasinungaling din ang babaeng yon
“konti lang naman yung kinuha ko‚ mga 100k lang naman‚ pls lil sis maawa ka naman sakin oh‚ kailangan ko talaga ng pera” sabi nito with paawa face‚ sorry ha pero walang talab yan sakin tapos ano daw 100k lang? Lang? Iba talaga pag anak mayaman‚ siguro ginamit nanaman niya yon sa mga barkada niya‚ napailing nalang ako
“wala akong pera try mo kay Phia baka bigyan ka” sabi ko at akmang aalis ng magsalita nanaman siya
“alam naman natin pareho na hindi ako bibigyan non kaya pls. naman makaawa ka sakin Winslet pls bigyan mona ako kahit 5k lang” sabi nito wow 5k lang? Lang? tapos ano uubusin niya yon sa isang araw lang? ako nga eh pang 2 weeks ko pa yon eh
“humingi ka kay Mio bakit sakin pa eh alam naman natin pareho na wala din ako pera” sabi ko
“anong wala kang pera‚ ang sabihin mo madamot ka lang talaga!” inis na sabi nito ‘oh tignan mo kung sino pa yung humihingi siya pa yung magagalit tsk oh sige pagpasensyahan ko nalang spoiled eh’ sabi ko sa utak
“ang kapal talaga ng mukha mo ikaw na nga tong humihingi ikaw pa yung nagagalit‚ mabuti nga sayo yan‚ karma mo yan‚ manigas ka” sabi ko at umalis sa harapan niya sinigawan pa ako pero hindi ko nalang pinatulan baka malate pa ako
Pumunta ako sa kusina at binuksan yung ref nakita kong may mansanas don kaya kinuha ko ito bago lumabas ‘kanino naman kaya ako maki sakay? bakit ba kasi wala akong kotse?’ sabi ko sa utak ko‚ si Mio meron na‚ si Phia meron na din at ganon din kay Kiero‚ ako lang talaga yung wala‚ bakit ba kasi ampon lang ako 'tsaka wala bang balak yung mga totoo kong magulang na hanapin ako at kung wala man‚ hindi na din ako magaaksaya ng oras para hanapin sila‚ wala naman kasi silang pake sa nawawala nilang anak eh
“Phiana pwede ihatid mo ako?” nakangiting tanong ko kay phia na kakalabas lang ng bahay‚ binaba niya ng konti yung sun glasses niya para tignan ako‚ wow ha
“sarry may pupuntahan pa ako” sabi nito at tinalikuran ako‚ edi wew “kung ako sayo mag taxi ka nalang‚ maagang umalis si Mio kaya wala kang masasakyan” dagdag na sabi ni Phianna at pumasok sa kanyang kotse‚ tsk gusto mo lang akong makitang na hihirapan eh
“mag taxi mukha mo” bulong ko at sinimulang hanapin yung bike ni Mio‚ nakita ko ito malapit sa swimming pool kaya kinuha ko na‚ ng makalabas ako sa gate sumakay na ako at sinimulang mag pedal ‘hindi naman siguro siya magagalit dahil hindi ako nagpaalam na hiramin yung bike niya diba?’ tanong ko sa utak ko
Nakarating ako sa school na walang kamalasan na nangyari sakin sa daan yey‚ papasok sana ako sa gate ng harangan ako ng guard
“ah mis bawal po yung ganyang pantalon sa loob ng campus‚ tuesday ngayon dapat naka uniform ka” sabi nito‚ what uniform!? So dapat naka skirt ako with blouse seriously!? Eww no!
“manong guard pwede po bang iexcuse niyo nalang po muna yung hindi ko pagsuot ng uniform ngayon nakalimutan ko kasing Tuesday pala ngayon” sabi ko pero sa totoo lang never pakong pumasok na naka uniform like si Winslet mag susuot ng skirt‚ never!
“naku ihja hindi pwede‚ ayon kasi sa bagong patakaran ng school bawal ng papasukin yung mga istudyante hindi naka uniform sa araw na inischedule at walang id” sabi nito‚ grabe naman ang pagka stricto ni Keius my loves
“sige po” sabi ko at ngumiti‚ ayan pangiti ngiti lang ako pero sa isip isip ko magbabakod talaga ako ‘tsk ayoko nga kasing mag uniform!’ sabi ko sa utak‚ kung pipilitin nila akong mag suot ng punyetang pistida nayan ay mas mabuti nalang na hindi nalang ako mag-aaral!
Pumunta ako sa likod ng school at umakyat‚ okay di naman ako nahirapan dahil ganto yung palaging ginagawa ko nung nasa junior high pa'ko sa tuwing hindi ako pinapasok ng mga guards dahil nakalimutan ko yung aking id or what
Napabuntong hininga nalang ako ng makitang walang katao tao dito sa labas ‘late ka nanaman Winslet’ sabi ko sa utak at naglakad patungo sa section ko
“good morning ma'am‚ late po ako dahil naglakad lang po ako‚ ang layo pa naman po samin sa San Isidro po kasi ako nakatira skl‚ wala po akong pamasahe para sumakay ng mrt or magtaxi‚ sana iexcuse niyo po ako” sabi ko‚ sabi nila isa daw sa sign na matalino ka kapag pinaniwalaan ang palusot/dahilan mo‚ so tignan natin kung paniniwalaan nila
“I already know you ms. Winslet‚ go get your admission slip” sabi ni ma'am at napailing iling hayst. Kakatamad na maglakad ha‚ sabi ko nga bobo talaga ako hindi pinaniwalaan eh
“nag sayang pa 'ko ng laway” bulong ko at lumayas sa harap ng guro‚ bigla akong nabuhayan ng maalala kung saan papunta tong daan na tinatahak ko
Nasa harapan ako ngayon ng pinto ng Dean office kaya kumatok ako‚ kumatok ako ng tatlong beses ng may magsalita sa loob
“come in” sabi ni Keius ‘why so husky!?’ mapapatili nalang ako ng wala sa oras‚ boses palang nakikilig na 'ko‚ gosh ano bang nangyayare sakin‚ in love na 'to?
“good morning Keius my loves” sabi ko pagpasok ko palang pero natigilan ako ng makita si tita Avi sa loob like wtfudge narinig niya kaya iyon ‘syempre sa lakas naman ba ng bunganga mo Winslet!’ sabi ko sa sarili ko “hi tita Avi hehe ano pong ginagawa niyo dito?” tanong ko pero tumingin lang ito ng masama sakin‚ nakakatakot naman ng look nayan
“diba dapat ako ang magtanong niyan sayo?” tanong nito sakin “at ano nga ulit yung tinawag mo sa anak ko?” dagdag na tanong‚ kahit kailan talaga tutol siya sa pagmamahal ko kay Keius
“bibisitahin ko lang po si Keius my loves hehe” sabi ko at tumingin kay Keius na nakatutok sa kanyang laptop tsk wala talagang pake sakin oh
Napanguso nalang ako pero agad natigilan ng humarang si tita Avi kung saan ako nakatingin ‘may pagkaepal din talaga tong si mama ah’ sabi ko sa utak
“ang aga-aga naman para bisitahin mo ang COUSIN mo‚ wala ka bang klase?” tanong nito at pinagdiin pa talaga yung word na cousin “umamin ka nga sakin Meux andito ka ba para landiin yung anak ko? well kung tama ang hinala ko mas mabuti pang pumasok ka nalang sa room niyo dahil wala kang mapapala hanggang nandito ako” mahabang sabi niya sakin‚ grabe talaga tong si tita Avi oh‚ hindi niya talaga hahayaang makalapit ako kay Keius ko
. . .itutuloy