* * *
Nakita kong pinalilibutan na kami ng mga istudyante dito sa loob ng university‚ yung iba nanonood yung iba kumukuha ng video‚ sige videohin niyo lang kung paano ko ilampaso ang mukha ng inyong queen
“how dare yo—
Natigil siya sa pagsasalita ng agad kong sinuntok yung pagmumukha niya sabay sipa ng kanyang tyan “sunod sunuran kasi sa taong feeling batas ayan tuloy inabot” sabi ko at ngumisi
“you b***h” sabi ng queen at sinabunutan ako “wala kang binatbat sakin” sabi nito at mas hinigpitan ang paghawak niya sa buhok ko‚ wala daw akong binatbat sa sabunot lang ang alam
Inapakan ko siya sa paa at buong pwersang siniko ang kanyang tyan kaya napabitaw siya sa pagkasabunot sakin at napahawak sa tyan niya‚ sinipa ko ang mukha niya kaya tuluyan na siya natumba
Inayos ko ang hoodie ko ng may pumitong mga guard‚ patakbo silang palapit samin hanggang sa dinala na nila kami sa dean office
Pagpasok ko ngumiti ako ng makita sa dean office si Keuis nakaupo siya sa upuan dapat ng dean ‘bakit siya nandito?’ tanong ko sa sarili ko ‘hindi kaya siya yung dean!?’ tanong ko ulit weeh hindi naman ata
“hi cwash‚ ba't ka nandito?” tanong ko at umupo sa harap niya‚ itong table nalang ang nasapagitnan namin‚ hindi niya sinagot ang tanong ko‚ mayamaya pumasok yung tatlo‚ parepareho silang nanghihinang umupo sa harap ko‚ nakita ko pa ang eye contact ni queen daw at si Keius ‘subukan mong titigan si Keuis ko na malandi ka‚ tatanggalin ko talaga yang mata mo’ sabi ko sa isip
Tumingin ulit ako kay Keius na ngayon ay madilim na ang tingin niya sa'kin‚ siguro ang nasa isip isip niya ay ako nanaman ang nagsimula ng gulo na'to‚ sige ako na lahat ng may kasalanan‚ ako na pumtay kay lapu lapu‚ bumaril ka Rizal‚ pumatay kay Bonifacio at madami pa!
“sino ang nagsimula?” tanong ni Keuis at sabay sabay naman akong tinuro ng tatlo sabay sabing “siya po” ha ba't ako?
Agad naman akong nag salita “siyempre ako ang ituturo ng mga yan‚ magkakampi ang mga yan eh” depensa ko
“okay‚ you two‚ dalhin niyo si Liah sa clinic” sabi ni Keius ha? Sinong Liah tumayo yung dalawa at inalalayan si queen daw nila. Ha? So? So si Liah yun ‘gosh selp bakit mo naman binugbog yung jowa ng crush mo‚ paniguradong galit na 'yon sayo!’ sermon ko sa sarili ko ‘pero tama lang yun‚ bigyan mo ng leksyon ang mga taong feeling dyos para magtanda!’ sabi ko ulit sa utak
Tumayo nako para makaalis sa lugar na 'to‚ alam kong masama na ang tingin sakin ni Keius kaya lalayas nalang muna ako sa harap niya “where are you going?” tanong nito ng akmang maglalakad ako palabas
“mag ccr lang” pagsisinungaling ko
“we're not done yet” medjo malakas na sabi niya “get back here” utos nito kaya humarap ako at umupo sa dating kinauupuan ko
“kung andito ka sa paaralan nato para makipagbasag ulo‚ pwes mas mabuti nalang na magtransfer ka sa ibang school‚ wag mong dalhin dito ang katarantaduhan mo Winslet‚ naiintindihan mo ba?” sabi nito habang nakatingin sakin ‘ang handsome naman talaga ni cwash kahit galit’ sabi ko sa utak
“eh hindi naman ako yung na—
“shut up‚ I know you're a liar‚ kahit saan ka pumupunta napapaaway ka‚ rember nung pumunta ka sa isang barangay‚ kung hindi pa kita nakita non‚ edi nakipag basag ulo ka nanaman” sabi nito‚ sinungaling daw ako ang sakit naman
“eh sila yung nauna eh‚ alangan basta basta ko nalang sila uupakan kahit wala silang ginagawa” sabi ko
“kahit sila yung nauna learn to ignore them‚ babaan mo yung pride mo‚ be matured enough‚ kaya palagi kang napapaaway dahil hindi ka nag papatalo‚ again this is be first warning kapag nakipag away ka ulit sa loob ng paaralan nato hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka dito” sabi niya babaan ko daw yung pride ko‚ ayoko nga wala akong sabon na pride kaya wala ang ibaba
“seryoso ka ba diyan‚ ikick mo talaga ako‚ ang sama mo naman sakin yung ibang school nga hanggang 3rd warning tapos dito sa university na to hanggang 2nd lang ang stikto naman” pagrereklamo ko
“this is my school‚ my school my rules kung ayaw mo sa pamamahala ko sa university na'to you're free to leave” sabi niya habang nakatingin sa loptop niya‚ so sila yung may-ari ng school na'to ang yaman talaga ni cwash‚ sana ol tapos si Keuis yung nagmamanage nito eh 20 palang ata siya eh!
“sige aalis talaga ako tsk‚ ayoko sa pamamahala mo sobrang istrikto” sabi ko tumingin ako sa kanya pero parang wala talaga siyang pake
“it's your choice” sabi niya‚ wala talaga siyang pakialam sakin‚ ang saya naman kapag yung crush mo walang pake sayo‚ whoohoo magcelebrate tayo!
“joke lang hehe‚ hindi ako aalis‚ sa labas nalang ako ng campus makipag-away para 'di ako makick” sabi ko “sige na‚ alis nako‚ bye” paalam ko
“wait‚ for your punishment you need to clean all of the cubicles in this school‚ yes all” napanganga nalang ako dahil sa sinabi niya ha!? Sumosobra na ata yun ah!
“sa bahay nga hindi ako pinaglilinis tapos paglilinis mo ako!? tapos worst of all cr pa tapos lahat pa ng cr nitong school campus seryoso kaba? Ayoko!!” sigaw na pagtutol ko
“then leave this school” maikling sabi niya habang nakatutok parin sa kanyang loptop‚ grabe talaga mapapapunas ka nalang ng iyong luha
Napabusangot nalang ako‚ pinarusahan nanaman ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa‚ siguro pag nakita ako ng tatlong inupakan ko ay tatawanan nalang nila ako
Sa isip ko palang ay suko nako eh‚ magpalit nalang kaya ako ng crush? mas lalong mahirap‚ napabuntong hininga nalang ako “ayoko talaga eh‚ pwede magbayad nalang ako? magkano ba?” seryosong tanong ko‚ siguro magmamakaawa nalang ako kay Sophia mamaya
“no” maikling sabi nito‚ nakakainis na ha
“yung tatlo kanina‚ hindi mo ba paparusahan ang unfair naman non‚ sila yung umaway sakin tapos ako yung mapaprusahan!” pagrereklamo ko
“may iba silang parusa except kay Liah” sabi nita tsk‚ siguro dahil exempted si Liah dahil siya yung girlfriend niya‚ ayan na ramdam ko na ang to much pain
“ha? Ang unfair naman‚ siya ang puno't dulo nito tapos exempted siya! Parusahan mo din wag kang unfair” sabi ko
“i can't”
“edi don't‚ gago ka pala eh‚ tangina mo pak—
“watch your mouth ms. Winslet! Kung wala kang magandang sasabihin you better leave” galit na sabi nito sakin‚ tumalikod nako at umalis sa office ng walang puso!
Paglabas ko nakita ko yung dalawang alipores ni Liah na may hawak na map‚ binigay nila ito sakin
“good luck” sabi nilang dalawa at ngumiti ng nakakainis‚ tumalikod na sila at nagtawanan habang papalayo
“aaarrgghhh!” sigaw ko at tinapon yung map‚ bakit ba ganto yung buhay ko‚ ang malas malas talaga! sana talaga hindi nalang ako nabuhay! Joke lang
Nagsuot ako ng gloves at kinuha yung map at sinimulang mag linis‚ bahala na kahit hindi masyadong malinisan basta matapos ko lahat
Saktong uwian na ng matapos ako sa paglilinis kinuha ko ang cp ko at tinignan yung oras 5pm na pala kaya lumabas ako‚ san na ako sasakay ngayon‚ wala ba talagang pinadala si Sophia na sundo ko? wala nga‚ ramdam ko tuloy ang pagiging ampon
“let's go‚ I'll take you home” kaboses ni Keius tapos linagpasan ako “fallow me” sabi niya ulit kaya sumunod nalang ako‚ binuksan ko ang pinto ng backseat at walang alinlangang natulog‚ kapagod maglinis ng kubeta
Naalimpungatan ako ng may mahinang tampal sa pisngi ko “hey wake up‚ we're here” sabi ni Keius‚ bumangon naman ako at humikab‚ nakita kong nakatingin niya sakin sa salamin kaya medyo nahiya ako haha
“salamat sa paghatid‚ baba nako sige na bye ingat ka labyo” sabi ko binuksan yung pinto bumaba na ako at klinose yung pinto ng kotse bago kumaway ulit tsaka pumasok
“hinatid ka ni Keius?” nagulat ako ng may biglang may nagsalita pagpasok ko sa gate‚ medyo madilim kasi kaya diko nakitang may tao
“gosh Kiero‚ buti nalang wala akong high blood‚ bakit ba kung saan saan ka nalang sumusulpot at tsaka oo hinatid ako ng gwapo kong cwassh” sabi ko at umaktong nakikilig
“oh talaga ba hinatid ka ng crush mong hindi ka crush pfft.” sabi nito habang pinipigalan ang kanyang tawa‚ pinanliitan ko naman siya ng mata
“pake mo ba?” sabi ko at pumasok sa loob ng mansyon “atleast hinatid ako bleeh” dagdag na sabi ko at bumetal
Pagpasok ko nakita ko sina Phiana‚ Mio at Sophia‚ na naka upo sa sofa lahat sila nakatutok sa gadget “Mom oh‚ si Winslet may gusto sa pinsan namin” pasigaw na sumbong ni Kiero
“alam na nila wag kang bobo” sabi ko sakanya
“mom is that true‚ hindi ba kayo tutol?” tanong niya kay Sophia na may kinukulikot sa kanyang loptop
“masyadong matigas ang ulo ni Winslet kaya wala ding silbi kahit tutol si Mommy dahil for sure susundin parin ni niya ang gusto niya” sabi ni ate Phia ‘tumpak’ ngumisi nalang ako umakyat sa taas
Pumasok ako sa aking kwarto at agad binagsak ang aking katawan sa kama “nakakapagod na araw” sabi ko at pinikit ang aking mga mata‚ ayan nanaman nagsisimula nanaman akong mag isip ng kung ano-ano like bakit kaya nagbihis muna si superman bago nag brief? Weird
. . .itutuloy