“hoy salamat ha‚ hindi kita makakalimutan!” sigaw ni Nubela at kumaway habang papaalis yung sinakyan namin kanina
Kumaway ako pabalik bago tinahak ang daan papunta sa bahay ni Sophia “hays bukas wala ng Nubela sa room” bulong ko sa sarili
Nakarating nako sa bahay kaya pumasok nako sa loob “ang aga mo namang umuwi” salubong sakin ni Kiero
“bakit ba? Wag mong sabihing hinihintay mo ko?” taas kilay kong sabi dito
“hinihintay nga kita tsk‚ baka mamaya niyan hindi ka nakauwi tas malalaman ko nalang na nakinidnap ka at pinatay tapos tinapon yung katawan mo sa kung saan” sabi nito
“overthink pa” sabi ko at linagpasan siya “teka bakit parang walang tao?” tanong ko kay Kiero ng makitang wala ang mga daga dito sa bahay
“pumunta sila kina tita Avi kaya masosolo na kita ngayon” sabi nito at ngumiti ng nakakaloko‚ ptangina talaga tong manyak na to
“pwede ba Kiero! Tigil mo na ako hindi na nakakatuwa” pinagtaasan ko siya ng boses “anong ginawa nila don?” dagdag na tanong ko
“bobo ka talaga noh‚ katawan ngayon ni Tita Avi hindi mo alam?” sabi nito‚ una sinabihan akong bobo ni Nubela ngayon naman ay etong si Kiero‚ oo na tanggap ko ng bobo talaga ako
“malamang hindi kaya nga ako nagtanong eh‚ siguro nagmana ako sa kabobohan mo” sabi ko dito “alis na ko” paalam ko
“san ka naman pupunta?” tanong nito‚ tatanungin pa ba yan siyempre 'hindi ako mawawala sa kaarawan ng future nanay ko noh‚ tsaka titignan ko din si Keius don “ayaw mo bang makasama ako dito sabay mag umh ah ah mamaya” sabi nito at tumawa
“sira ulo”
“haha biro lang‚ tara hatid na kita kina tita Avi” sabi nito kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti wewz hindi nako gagastos para sa pamasahe na yan
“bait mo naman‚ tara na!” sabi ko dito
Ngumisi lang ito at sinundan ako papunta sa parking lot
____
Habang nasa biyahe biglang nagsalita si Kiero “sino ba mas gwapo ako o si Keius?” tanong nito at tumingin sakin ng nakakaloko
“mas gwapo? Siguro ako” sabi ko “tumingin ka nga sa daan baka maaksidente pa tayo dahil sa katangahan mo” dagdag na sabi ko psh kung makatitig naman tong manyak nato wagas
“yeah right” sabi nito at nag focus sa daan “btw anong ikaw yung mas gwapo samin tsk ang salitang gwapo ay para sa mga lalaki‚ hindi para sayo bkit may d*ck ka ba?” tanong nito habang nakatingin parin sa daan
“tinatanong pa ba yan kita mo ngang babae ako eh‚ syempre wala!” sabi ko dito
“oh eh bat ka naninigaw?” tanong nito “ay wait nga pala‚ pupunta ka sa birthday celebration ni tita Avi na nakaganyan lang‚ wft? Baka mapagkamalan kang tomboy” dagdag na sabi nito sakin‚ bkt ba? Ano ba dapat iduot sa party? Naka oversized black t-shirt kasi ako ngayon with black jogger pants tas nakalugay lang yung buhok na para bang di nasuklayan ng isang taon
“ano ba dapat isuot?” tanong ko dito na nagpatawa sa kanya
“haha required mag dress‚ tas mag ayos‚ mag make-up ganon‚ hindi yung pupunta ka ng nakaganyan baka mapagkamalan ka pang ligaw na mangkukulam” sabi nito at tumawa pa‚ gsgo sa ganda kong to pagkakamalan akong mangkukulam? Charing baka mapagkamalan talaga ako kasi naman hindi ako maganda haha
“tawa pa‚ mabilaukan ka sana” sabi ko at inirapan siya
“so pupunta ka talaga ng ganyan ang ayos?” seryosong tanong nito‚ wala namang masama diba?
“oo‚ bakit ba?” mataray na tanong ko‚ eww ayokong mag dress tas mag make-up up‚ di ako marunong tsaka ayoko din namang pumunta sa parlor sayang ang peraaa
“kahit kailan talaga nakakahiya ka”
“tsangina mo” mura ko sa kanya “pwede ba mind your own business” dagdag na sabi ko‚ ako nga hindi nahihiya sa ayos ko siya pa kaya
“pag ikaw hinusgahan‚ bahala ka”
“edi husgahan nila ako‚ wala akong pake” sabi ko dito
Hindi na ito nagsalita at itinuon ang kanyang atensyon sa kalsada
Nakarating na kami sa mansyon nina tita Avi‚ kaya bumaba na ako sa sasakyan ni Kiero “oh hindi ka ba baba?” tanong ko dito‚ umiling lamang ito “bakit?” tanong ko pa
“wala baka kasi pagkaguluhan pa ang kagwapuhan ko eh” sabi nito at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri
“yucks”
“anong yucks‚ nahiya naman ako sa kadugyutan mo” parang pikon na sabi niya ngunit tumawa lang ako
“osige na‚ pasok na ako salamat sa paghahatid ha” pagpapaalam ko‚ tumango ito at pinatakbo yung sasakyan
Papasok sana ako sa gate ng harangan ako ng isang babae “ahm miss invitation card?” tanong nito sakin
Kailangan pa ba non? Shems wala akong ganon “kailangan—
“oo‚ required na meron ka ng invitation card bago kita papasukin‚ kapag wala ka nun I'm sorry nalang” pagputol nito sa sasabihin ko‚ aish kainis naman!
Kinuha ko ang selpon ko para tawagan si Piranha‚ naka tatalong missed calls ako bago nito sagutin
“anong problema? Andito ako sa party‚ pwede bang mamaya ka nalang tumawag disturbo ka eh” sabi nito sa kabilang linya‚ edi wewz
“nasa labas ako ng gate ayaw akong papasukin kasi wala akong invitation card” sabi ko
“o eh ano naman ngayon?” tanong nito‚ wala talaga siyang pake sakin
“tulungan mo ko wag kang bobo” sabi ko‚ nainis ako eh halata namang tumawag ako sa kanya dahil kailangan ko ng tulong niya eh
“b*tch” sabi nito at pinatayan ako ng cellphone‚ hayst mukhang hindi ako makakapasok ah
Aalis na sana ako ng makita si Pihiana palapit sa gate kaya nabuhayan ako ‘may pake naman pala to eh’ sabi ko sa utak
“miss‚ let that garbage in‚ she's our lil sis” rinig kong sabi nito sa babae kanina
“ah sino po kayo?” tanong ng babae kay Phiana na nagpatawa sakin‚ nakita ko na mukhang nainis si Phiana dahil dito
“you didn't know me? how come!?” hindi makapaniwalang tanong nito sa babae “It's me Phianna Cratus the niece of Avi Stanillian and the daughter of Sophia Cratus! Everyone knows me unless you're dumb!” sigaw nito sa kanya‚ wew taas naman ng tingin nito sa sarili
“winslet let's go!” sabi nito sakin at naunang naglakad kaya sumunod na ako haha hakdog
Habang nakasunod ako sa kanya bigla itong humarap sakin ng nakataas ang kilay “bakit ka andito?” tanong nito
“bakit bawal ba ako dito? Hindi ba ako invited?” tanong ko dito
“hindi naman pero. . .” tinignan nito ako from head to toe “what the h*ll are you wearing!? Seriously Winslet? Pumunta ka sa isang party na para kang isang siga sa lansangan!?” dagdag na pabulong na sigaw nito sakin
“bakit—
“sumasakit talaga ang ulo ko sayo! hays maiwan na kita” pagputol nito sa sasabihin ko at tinalikuran ako‚ psh gusto niya atang magsuot ako ng dress bago pumunta dito pero eww ayoko talaga
Gamit ang dalawa kong mata hinanap ko si Keius my love‚ the one and only lalaki sa buhay ko haha
“who are you looking for?” tanong ng baritonong boses sa likod ko‚ di ako nagkakamali kay Keius yon eh
“ikaw hehe” sabi ko at hinarap siya‚ nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito
Ang mga mata niya talaga‚ ang gandang pag masdan‚ gosh ano bang ginawa nito sakin? Bakit ganto ang nararamdaman ko sa kanya?
“bakit ang handsome neto?” pabulong na tanong ko
“kasi gwapo ako” sabi nito at mahinang pinitik ang noo ko‚ natapos ang pagkatulala ko dahil sa ginawa niya
“narinig mo?” tanong ko habang nakatingin parin sa kanya
“such a silly”
“sorry naman‚ uhmm nasan si Tita?” tanong ko dito para naman igreet siya
“she's inside‚ in the dinning” sabi nito
“ganon ba—
“hey Keius babe!” tawag sa kanya ng isang babae habang papalapit saming kinatatayuan ni cwash
Nakasuot ito ng red na sleeveless na dress at kita na din ang cleavage nito
‘sana all may cleavage’
“hmm yes?” tanong ni Keius sa kanya ng makalapit na ito
“can you please assist me to rome in your mansion?” maarteng tanong nito “gusto ko kasing mag—
“ikaw lang naman ang may gusto‚ maglibot ka magisa‚ mandadamay ka pa” pagputol ko sa sasabihin niya‚ tsk wala akong pake kung jowa siya ni Keius‚ akin lang si Keius! Kahit kailan talaga pa extra talaga tong Liah na to sa kwento ng buhay ko
“sure‚ let's go” sabi ni Keius dito nakita ko namang ngumiti si Liah at agad kumapit sa matipunong braso ng crush ko na para bang linta
Nagpaalam sila sakin bago iwan ako magisa “nakakainis” bulong ko sa sarili‚ nakatingin parin ako sa dalawa habang sila ay papalayo sakin “tsk hindi sila bagay” sabi ko ulit ganto kasi yon‚ si Keius mukhang anghel tapos si Liah naman mukhang anak ni satanas
Pumasok ako sa loob ng bahay at agad nakita si tita Avi na may kausap na guest‚ ng makitang tapos na sila ay lumapit ako sa kanya
“hello ihja‚ glad you're here” nakangiting sabi nito at yinakap ako‚ nabigla ako dahil sa biglang pagyakap niya sakin like no one did this before even Sophia nor Phianna