Chapter 09

1860 Words
Kinuha ko ang tray na ang laman ay order ko at mabilis na sinundan si Keius “Vhyo hintay!” sigaw ko dahil hindi ko siya maabutan‚ ang bilis niyang maglakad Huminto ito at liningon ako‚ nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito “such a silly” rinig kong sabi niya “kapagod namang habulin ka hayst‚ teka san kaba pupunta?” sabi ko ng makalapit sa kanya “dito lang” matipid niyang sabi at hinila ang upuan sabay upo‚ ha dito lang? Pambihira hinabol ko pa naman siya tapos dito lang pala siya kakain kala ko sa opisina niya “dito lang pala hehe sorry ha kala ko kasi— “never mind” sabi nito‚ umupo nako sa harap niya at inilapag ang tray sa table‚ teka ano bang kinuha niya “gaya gaya” bulong ko ng makitang parehas kami ng kinuha “at bakit naman kita gagayahin?” sagot nito “kasi ang kyut ko” sabi ko at nginitian siya habang punong puno ng siopao yung bibig ko haha “eww‚ yocks” “maka— cougho cougho Hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong mabulunan‚ agad kong kinuha ang binili kong vitamilk kanina at ininom Tumingin ako sa harap ko at nakita si Keius na nagpipigil ng tawa‚ muntik na akong mamatay pero parang wala talaga siyang pake‚ sinamaan ko siya ng tingin “karma” “karma? Karma saan naman? Tsk ang sama mo talaga” sabi ko sa kanya “karma for being a perfidious” bulong nito pero rinig na rinig ko‚ sinasabi niya bang isa akong manloloko? At saan naman ako nagloko? “hindi ako ganon” sabi ko “tsaka ba't naman ako manlilinlang?” dagdag na tanong ko “stop pretending like you're innocent‚ I know you already” walang emosyong sabi nito‚ ano bang pinag sasabi niya? tsaka ano kilala niya na daw ako? Tumingin ako sa kanya na nagtataka‚ pero ngumisi lang ito “can you get straight to your point” tanong ko‚ naguguluhan ako‚ di ko siya gets ano bang pinupunto niya? “fine‚ I saw you with Mr. Velda this break time at the back of this building‚ didn't I told you not to flirt with other guys? Diba sabi ko kung gusto mo talaga ako ay dapat ako lang?” parang galit na tanong nito‚ hindi muna ako sumagot dahil sa sinabi niya‚ ano daw? Selos ba yon? Imposible! Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya‚ yung para bang inaaasar siya sa ngiti lang “tinamaan ka na ba sakin?” ngiting ngiting tanong ko Nagiba ang ekspresyon nito dahil sa tanong ko‚ hindi na ito mukhang galit at napalitan di maipaliwanag na emosyon‚ diko kasi mabasa kung ano ang iniisip nito‚ well palagi naman dahil palagi itong walang emosyon “no” “weeh?” taas kilay kong tanong “tsk‚ Ikaw yung liar eh” dagdag na sabi ko “umamin kana‚ alam ko namang nagseselos ka eh!” sabi ko at ngumiti ulit na para bang nangkakaasar “tsk hindi nga‚ alis na'ko” Akmang aalis na ito ng magsalita ako “hindi kapa tapos kumain ah” sabi ko “don't mind me” sabi nito at iniwan ako‚ wooh ang defensive naman ni cwash‚ torpe ba siya? Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa room siguro tapos na si Liah sa pagtuturo‚ sana mga 2 days lang ito bilang isang P. E teacher namin cause I really hate that btch‚ nakakainis talaga‚ kumukulo ang dugo ko sa kanya! Like Arghh!!!! Dumating ako sa room na wala si Liah‚ mabuti nga “kumusta ang pakiramdam ng pinalabas?” tanong ni Salvador ng pupunta sana ako sa desk ko‚ isa pa to eh! “eto ang saya‚ nakasabay ko lang namang kumain yung dean kanina” nakangiting sabi ko “at alam mo ba ang bait pala ni Dean sabi pa nga niya‚ tatawagan niya daw yung teacher na nagpalabas sakin para makapasok na'ko kasi baka wala daw akong matutunan pero tumanggi ako like ayos lang walang matutunan basta makasama si Keius‚ imagine si dean concern sakin” dagdag na sabi ko at ngumiti sa kanya‚ kita ko naman na parang nainis ito dahil pumangit na ang kanyang mukha haha naging gorilya na in short “hindi ka lang btch na war freak isa karing malandi” inis na sabi nito “yes isa akong war freak na btch na kay Keius lang malandi eh ikaw malandi na nga kahit kanino pa nagpapa ano basta yung ano‚ haha alam mo na” sabi ko sa pagmumukha niya‚ lagi kasi nakikita daw siya ni Mio sa bar kasama ang kanyang ka trio 'wew‚ laging nasa bar lang pokpok na agad? Ha self‚ napaka judgemental mo talaga' sermon ko sa utak “how dare— Akmang sasampalin nito ako ng biglang may umepla‚ oo umepal “tama yan ms. Vice president ipakita mo ang tunay mong ugali” sabat ni Nubela na kasama ang kanyang mga alipores Binawi ni Salvador ang kamay niya na nasa ere at tumgin sakin ng masama bago lingunin si Nubela “epal” sabi niya sa kanya at linagpasan ito “aba masasabunot kitang hayop ka!” sigaw ni Nubela at akmang susundan yung Vp pero pinigilan siya ng kanyang mga kasama “hakdog” sabi ko at nagtungo sa upuan ko Dismissal na kaya lumabas na kami‚ habang naglalakad ako dito sa hall ng school may biglang tumawag sakin “Winslet” sabi nito kaya liningun ko at nagtanong gamit ang kilay ko “wala‚ sabay na tayong umuwi” sabi ni Nubela‚ ano kayang nakain nitong tomboy na 'to “ayoko nga‚ close ba tayo?” mataray na tanong ko dito “bakit kailangan ba munang magka close bago sabay umuwi? Pwede namang hindi eh‚ tara na!” sabi nito at hinila ang damit ko “gsgo teka nga!” sabi ko at hinila ang damit ko mula sa paghawak niya “di mo nako kailangang hilain pa‚ tara na nga” sabi ko at naunang naglakad‚ naramdaman ko namang sumunod ito at sinabayan ako sa paglalakad “teka asan yung mga aso mo?” takang tanong ko dito “anong aso? Wala akong aso noh tsaka ayoko ng aso” sabi nito napatawa ako ng konti dahil sa kaslowan nito ampochi ganto ba pag gangster? Well hindi bagay “I mean yung apat na alipores mo ba't hindi mo kasama? Bat wala sila sa likod mo” tanong ko dito “ah yun ba? Wala binalik ko na sa mga nanay nila” sabi nito at tumawa ng konti “tara na aalis na yung sasakyan natin!” sigaw nito at hinila nanaman ako at tumakbo kaya napatakbo din ako “pasok na salot” sabi pa nito sakin ng makarating kami sa jeep na saktong papaalis na “hoy hindi ako salot no‚ pasok ka na din‚ ano magpapaiwan ka?” tanong ko dito “hindi noh‚ ano ako tanga? Pagnaiwan ako wala na akong masasakyan‚ sasabit ako wag kang bobo” sabi nito sakin‚ luh tinawag pakong bobo amp. “isa ka talagang tomboy!” Sabi ko at lumabas‚ kung sasabit siya sasabit din ako tsk‚ ako lang to yung marunong sumabay sa trip “anong ginagawa mo?” tanong nito “sinasabayan ka wag kang bobo” sagot ko pabalik Tumawa lang ito Habang nasa biyahe bigla itong nagsalita “hoy Winslet diba mayaman ka?” tanong nito na nagpatawa sakin ng mahina “mayaman mukha mo” sagot ko “mayaman ka daw eh‚ pasaheyan mo na ako” sabi nito “wala kasi akong perang dala” dagdag na sabi nito‚ ah kaya pala nakisabay to sakin para bayaran ko yung pamasahe niya ang kapal ng mukha “bakit naman kita papasaheyan? Feel close talaga” sabi ko “sige naman oh‚ Winslet” pamimilit nito‚ ayoko nga “ay btw sa San. Antonio pala ako pupunta haha‚ hmm malayo yon kaya bigyan mo nalang ako ng pera‚ para ako na yung magbabayad pagkarating ko don” dagdag na sabi nito‚ buti nalang hindi ganto kakapal ang mukha ko “ano naman ang gagawin mo sa San. Antonio ha?‚ ang layo non ah diba limang oras kapa magbibiyahe bago makarating doon tsaka may pasok pa tayo bukas” sabi ko “wala kang pake‚ bigyan mo nalang ako ng pera” Ptngina ayan napamura na tuloy ako‚ like wtf?? “ayoko nga‚ nanay mo ba ako? Kapal din ng mukha mo eh noh” sabi ko sa kanya “makapal talaga mukha ko dati pa” sabi nito at tumawa “sige na bigyan mo nako ng pera kailangan ko talaga eh‚ nagmamakaawa ako!” dagadag na sabi nito sakin Mapapatanong nalang talaga ako ng bakit wala itong pera? Mahirap ba siya? Imposible pano niya nakayanang bayaran ang tuition fee sa isang malaking university! Dati akala ko may kaya ang mga to “oo tama yung iniisip mo‚ isa ako sa mga dukha” sabi nito kaya napalingon ako sakanya “weeh‚ lokohin mo nalang lahat wag lang ako‚ kasi di mo ako maloloko” sabi ko Tumawa siya ng mahina “hindi ka talaga naniniwala non?” tanong nito “sa totoo lang magququit na ko sa pagaaral kasi wala nakong pambayad at sawa na akong magnakaw para sa tuition nayan” dagdag na sabi niya‚ hindi muna ako nagsalita at tinignan siya para hanapin ang katotohan sa mukha niya ‘wewz nahahanap pala ang katotohan sa mukha’ Mukha naman itong seryoso “bibigyan kita ng pera basta sabihin mo kung anong gagawin mo sa San. An— “wala magpapakalayo ako at magbagong buhay” sabi niya luh‚ sa pagkakaalam ko 16 years old palang siya. Kaya niya kayang tustusan ang pangangailangan niya? Ba't asan ba kasi yung mga magulang niya? “wala ka bang kamag anak don?” tanong ko dito‚ nakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi ko ito pinakita “wala‚ bigyan mo nalang ako ng isang libo para kahit once in a life mo nakatulong ka naman” sabi nito “tsk‚ sige na nga nakakaawa ka naman” sabi ko dito “ayan tama yan maawa ka sakin‚ haha salamat ha” nakangiting sabi nito “hakdog” Malapit nako sa amin kaya pinagpag ko yung jeep dahilan ng pagkahinto nito‚ agad kong kinuha sa bulasa ang isang libo at ibinigay sa kay Nubela well isang libo lang naman ang hiningi kaya isang libo din ang ibinigay ko 'isa ka talagang madamot na nilalang' sabi ko sa utak Pumunta ako sa driver para bayaran ang pamasahe ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD