CHAPTER 4 : Fixed Marriage

1244 Words
TAHIMIK kaming kumakain sa hapagkainan. Masyadong tahimik naman. Paano kasi itong si Mommy, nagmamaldita na naman. Lihim namin siyang tinitingnan ni Daddy at Neil. Tumataas 'yong kilay niya habang sumusubo ng pagkain, kaya naman ay hindi namin mapigilan ang mapabungisngis. "Tigilan niyo nga ako. Nakakawala kayo ng gana," inis niyang turan at inirapan kami. Hindi pa rin kami tumigil sa pagtawa. Maldita talaga siya. Buti na lang, malakas ang dugo ni Daddy. Habang kumakain ay bigla ko namang naalala ang sasabihin dapat ni Mommy sa'kin bago dumating si Dad. "Mom, 'di ba may sasabihin ka sana kanina?" Tumigil siya sa pagkain at nag-angat ng tingin sa akin. Agad niyang pinunasan ang bibig niya at umayos nang upo. Seryoso niya na akong tinitigan. Oh, tense. "About that, dahil wala ka namang planong tulungan ang Daddy mo sa kompanya, I decided na magpakasal ka na lang with Luke's only daughter. He's also your Daddy's business partner. The Johnsons." "What?!" Bigla na lamang akong napasigaw sa sinabi ni Mommy. Nakita ko ang gulat ni Mommy sa aking pagsigaw. Maging si Neil ay nagulat din, pero alam kong dahil sa sinabi ni Mommy kaya siya nagulat. Si Daddy naman ay nagpatuloy lang sa pagkain. "Wag mo akong sigawan!" Sinigawan ako pabalik ni Mommy. Tsk, hindi ko naman sinadya, e. "Mom, that's crazy! Wala nga akong interes sa kompanya, at mas lalo namang wala pa sa isipan ko ang mag-asawa," natatawa kong turan sa kanya. Idinaan ko na lang sa tawa ito kesa naman magalit. Mataas pa naman ang pasensya ko. "Iyon na nga! Dahil wala ka namang interes sa buhay at palagi ka na lang gumagala. Kaya para tumino ka, magpapakasal ka! Trust me son, she's a perfect match. Unlike other girls, she's an independant woman. Next year, siya na ang magpapatakbo ng negosyo nila. Minsan ko na ring nakita ang batang iyon, at masasabi kong mabait siya. 'Yon naman siguro ang gusto mo, 'di ba? Ayaw mo naman siguro sa katulad ng ugali ko na meron ako. Magsisisi ka katulad ng Daddy mo," mahaba niyang turan bago muling kumain. Lumingon ako kay Daddy at nagtaas-balikat lamang siya. Napahilot na lang ako ng sintido at napailing. Wala naman kasi 'yan sa panget ang ugali kung mahal mo talaga ang isang tao. Parang si Dad lang, baliw kay Mommy. "I can't believe this! Neil, can you believe this?!" sarkastiko kong tawa. "Mom, hindi naman gano'n kadali ang magpakasal. Marriage is still a procces that both couple should maintain and build forever. It's a life-long commitment. At isa pa, hindi kilala ni Kuya ang babaeng 'yan. Sa tingin niyo po ba, magugustuhan siya ni Kuya? Mapili pa naman 'yan sa babae, at hindi pa 'yan ready mag-settle." Proud akong napangiti sa sinabi ng kapatid ko. Kahit napakaseryoso niya, sinusuportahan niya pa rin ako sa mga desisyon ko. That's my bro! "Bakit ka ba sumasabat? Ikaw ba ang ka-usap ko?" Tinaasan naman siya ng kilay ni Mommy. Tsk, basag. "Tsk, palibhasa may favoritism," bulong na sabi ni Neil at nagpatuloy ulit sa pagkain. Napahinga na lang ako ng malalim. Bumaling ulit sa akin si Mommy. "Mas mapapalago ang negosyo natin with the partnership of the Johnsons. Their daughter is trustworthy enough sa company natin, at kung ayaw mo namang magtrabaho, you can always depend on your wife. Mas marami pa nga siguro siyang magagawa kaysa sa 'yo." Tsk, wife. "Come on, Cora, 'wag mong pangunahan ang anak mo. Gagawin mo rin ba sa kanya ang ginawa ng mga magulang mo sa 'yo?" Dahil sa sinabi ni Daddy, bigla na lamang uminit ang paligid, na parang bubuga ng apoy si Mommy at sasabog. Wait, anong ginawa nina Grandpa and Grandma kay Mommy? "Magsama-sama kayo!" Padabog na tumayo si Mommy at mabilis na umalis sa hapagkainan. Napailing na lang si Daddy. Naghabol naman ng tingin si Neil kay Mommy, tila nagtataka rin dahil sa naging reaksyon nito. "What happened?" tanong naman ni Nian, na nahinto sa pagkain ng ice cream. Pinunasan ko ang kanyang mukha dahil napuno ito ng ice cream. "Kahit anong mangyari, 'wag kang tutulad sa masungit nating Mommy, ha." "Okay!" Ngiti naman siyang tumango. "Pagpasensyahan niyo na ang Mommy ninyo. Kahit masungit 'yon, mahal na mahal ko iyon. At tungkol do'n sa kasal, ikaw pa rin ang makakapagdesisyon no'n. Malaki ka na, pero sana naman ay ayusin mo na rin ang buhay mo." Kinindatan ako ni Daddy at nag-thumbs up. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, Dad. Hindi pa talaga ako handang magpakasal, e." *** After naming mag-dinner ay umakyat na rin ako sa kwarto. Si Dad at Nian naman ay nasa sala pa at nag-movie trip, na gabi-gabi nilang ginagawa. Maaga pa naman kasi. At hanggang nine lang din ang limit nila, kasi bata pa si Nian at kailangan pa ng mataas na tulog. Si Neil naman ay bumalik sa office. Buhay niya naman ang pagtatrabaho. Kakatapos ko lang maligo. Kaagad na akong lumabas ng banyo, at pagkalabas ko ay sunod-sunod naman na ring ng phone ang narinig ko. Kaagad kong kinuha ang cellphone kong nasa kama at binuksan ito. Bumungad sa akin ang sunod-sunod na message galing kay Mike. What the-? Niyaya na naman nila akong mag-bar, e kagagaling ko lang doon kanina. Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang towel at nilapag ko ulit ang phone sa kama. Wala akong planong bumalik ulit doon. Magpakalunod sila sa babae kung gusto nila, 'wag nila akong idamay. Mag-daydream na lang ako rito kay Kara. My beautiful Kara. Kaagad na akong nagbihis. Humiga na rin ako sa kama pagkatapos. Nagpintig naman ulit ang tainga ko nang mag-ring ulit ang phone ko. Hindi pa talaga na kuntento, tumawag pa talaga ang mga loko. Umupo ako at dinampot ang phone ko. "Men!" kaagad na sigaw ni Mike sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya. Rinig na rinig ko ang malakas na music ng bar "Ano na?! Punta ka na rito! Daming magagandang chic dito! Woohooo!!" "Bilis na, punta na!" Sa sigawan nila, halatang sobrang nag-eenjoy sila. Hindi pa pala sila umuwi kanina no'ng umuwi ako? Baka nga ay nakalimutan na nilang kasama nila ako kanina. "Pass na muna. Kakagaling ko lang dyan kanina, ah?" "Oh, no! Men, hindi ikaw 'yan! Nasaan si Nash, ilabas mo ang kaibigan namin!" Narinig ko silang nagtawanan sa kabilang linya. "Tsk, bahala kayo. Magpakalunod kayo dyan!" Binaba ko na ang tawag at ni-power off ang phone ko. Baka tumawag pa ulit ang mga 'yon. Pabagsak akong humiga ulit sa kama. Naipikit ko na ang aking mga mata. Pumasok sa isipan ko ang senario kanina sa bus; kung paano niya ako irapan at bigyan ng masamang tingin. I can't help but smile. Siya lang at si Mommy ang nakakagawa niyon sa'kin. Alam kong nahihiya lang siya sa'kin dahil sa mga titig ko sa kanya, kaya dinadaan niya ako sa pag-irap at pag-iwas ng tingin. Natutuwa talaga ako no'ng inis na inis siya sa'kin. Tsk, nagagandahan talaga ako sa kanya, e. Sobrang puti niya, parang snow ang balat. Ang ganda rin ng mga mata niya, at ang tangos pa ng ilong niya. Ito ba ang sinasabi nilang first love at love at first sight? Parang gusto ko na tuloy maniwala. Wala sa sarili akong napatayo habang may malawak na ngiti. Kinikilig naman ako! Hindi ko naman sinasadyang makita ang kotse ni Mommy na palabas ng gate. Nangunot ang noo ko. Saan naman kaya ang punta no'n? Sana naman, hindi na niya ipilit iyong kasalan na gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD