NASH
Nasa bar ako ngayon kasama ang mga sira-ulo kong kaibigan. Sobrang lakas pa ng music sa loob. Nakakabingi.
Maramig mga tao, pero hindi pa naman mga lasing, dahil maaga pa naman. Pero ang dalawa kong kaibigan... tsk, tsk. Sa katunayan, sila lang naman ang nag-e-enjoy ngayon. Nakailang palit na sila ng babae simula kanina.
Mabuti na lang talaga, hindi ako nahawa sa pagiging babaero nila. Ako lang talaga ang mabait sa aming magkakaibigan. Tsk.
Niyaya nila ako kanina, sabing magmo-mall daw at kakain sa labas, pero ang mga loko, sa bar naman talaga ang sadya.
May mga babae ring lumapit sa akin kanina, pero wala talaga akong gana ngayon. I mean, hindi naman ako babaero, friendly lang. And I don't feel like entertaning them.
Nababagot na talaga ako. Tsk, makaalis na nga sa lugar na 'to.
Inubos ko muna ang drinks ko bago tumayo sa upuan. Sakto naman dahil bumalik na rin ang mga gago sa table. Nagsawa na yata sa mga babaeng kasayaw nila.
"Men, alis na ako," paalam ko sa kanila.
"What?! Ang aga pa, ah!" sigaw ng gagong si Rowan. Tumawa pa ito.
"Aalis na ako! Wala namang maganda rito sa paningin ko!" sigaw ko pabalik sa kanya.
Bumuhakhak naman silang dalawa ni Mike.
"Men, are you blind? Nakikita mo ba 'yang mga nagsi-sexyhan na mga kababaehan, ha?" Inakbayan niya ako sa balikat at hinawakan ang ulo ko, para ibaling ang paningin ko sa mga kababaehang nakatitig sa'min.
Tsk. Parang nira-rape na nila kami sa mga titig nila.
Halatang lasing na ang loko dahil nag-flying kiss na ito sa mga kababaehan, at nagkagat-labi pa. Tinapik niya ako sa balikat bago umalis at nilapitan ang mga kababaehan. Sumunod naman kaagad si Rowan sa kanya.
Napailing na lamang ako at napangisi. Hayst. Alam na.
"Tsk, bahala na kayo dyan!"ngisi kong sigaw sa kanila. Nakuha pang bumaling sa akin ni Rowan at kumindat sa akin. Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko.
"Let's go, men. Takasan na natin 'yang mga 'yan. Maya-maya, nasa langit na 'yan."
Napalingon naman ako sa likuran nang magsalita si Yatt. Nandito pala 'to? Ang tahimik kasi.
Nakangiting kabayo siya habang nakatingin sa dalawang babaero na pinapaligiran na ng mga babae.
"Ikaw ba, ayaw mong pumunta sa langit?" ngisi ko namang tanong sa kanya.
"Just like you, men. Nakakasawa rin." Pagtaas-balikat niya.
"Anong ako? Hindi pa ako nakapunta sa langit, no. Kayo lang 'yon!" Singhal ko sa kanya sabay tawa.
***
Iniwanan na nga namin ang dalawa at umalis sa bar. Dumeretso kami sa underground parking lot.
Tumalon kaagad ako sa shotgun sit ng sasakyan ni Yatt. Kumunot ang noo niya nang makapasok siya sa loob. Nginisihan ko lang naman siya.
"Men, hatid mo ako. Wala akong sasakyan."
"What?! Gagawin mo pa akong driver."
"Kasalanan niyo 'to! Bilis na!"
Bumungisngis siya. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan at mabilis na pinaharurot palabas ng underground.
"Kasalanan mo rin, naniwala ka kasi sa mga gunggong na 'yon," bungisngis niyang saad habang nasa daan ang paningin.
"Okay lang din," sagot ko naman habang nasa bintana ang paningin.
"Anong okay lang?"
"Tsk, bilis na!"
***
Pagkarating namin sa gate ng mansyon ay kaagad na akong lumabas ng kotse.
"Hoy, bayad mo!" sigaw niya sa akin habang nakasilip sa bintana.
"Salamat na lang sa lahat!" sigaw ko pabalik, na siyang ikinatawa niya.
Kaagad na akong tumalikod at pumasok sa loob ng gate.
Napatitig ako sa malaki naming bahay habang naglalakad sa malawak naming front yard. Ang laking bahay, pero kaunti lang naman ang nakatira.
"Hey, guys, I'm home!" magiliw kong sigaw nang makapasok na ako sa sala.
Lagyan ko kaya ng ma-iingay na mga bata itong mansyon? Sounds cool! And a wife who's going take good care of them.
Napangiti ako. I just remembered, kaya wala akong gana kanina sa bar, is because I met a beautiful woman in the bus. Kaso pangalan niya lang ang nakuha ko at hindi ang number niya. Kung hindi sana ako nagdaldal, e, nakuha ko sana ang number ng chic na 'yon. What a life!
Oh, and yes, nag-bus lang ako kanina. Hindi ako maarte katulad ni Mommy. Nagsawa na rin akong magkotse dahil sobrang traffic. Well, wala namang kaibahan sa bus. At isa pa, sabi sa'kin ni Mike na susunduin daw nila ako, pero hindi naman nila ako sinipot!
Pero okay na rin. Buti nga at hindi nila ako sinundo, 'di ko sana makikilala ang chic na 'yon. What's her name again? Oh, yeah. It's Kara.
"Kuya!" Kaagad na sumalubong sa akin ang maganda naming bunso na si Nian.
"Baby!"
Umupo ako at ibinuka ang mga braso ko. Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit nang tuluyan siyang makalapit sa'kin.
"Kuya! Bakit ngayon ka lang?! Kanina ko pa po kayo hinihintay, e!" Napapikit ako sa tinis ng boses niya. Nagkahanda-haba ang nguso niya habang nakatitig sa akin.
"Sorry baby, gumala lang si Kuya with friends!" ngiti kong sagot sa kanya.
"Saan po pasalubong ko?! 'Yong dolls po?!"
Napangiwi muli ako sa tinis ng boses niya. At ito na naman siya. Nanghihingi na naman ng dolls. Puno na nga ng dolls iyong room niya.
"Ayts, nakalimutan ng pogi mong kuya, e. At isa pa, marami ka ng dolls, 'wag ka nang magpabili."
"Ehh, gusto ko po, more dolls, eh!" Pagmamaktol niya.
Napangiwi ako. Naku po, itong batang 'to.
Napansin ko ang paglabas ni Mommy at Neil galing sa pool area at agad na lumapit sa kinaroroonan namin ni Nian.
"Bro," nakangiting bati ni Neil at naki-fist bump sa akin.
Ako ang panganay sa magkakapatid, si Neil ang pangalawa. Hindi nagkakalayo ang edad namin. 21 years old siya habang ako naman ay 23 years old. 2 years gap lang. Ang bunso naman namin ay 9 years old na, pero bata pa rin kung mag-isip. Bunso kasi. Spoiled brat pa.
Sa aming dalawa ni Neil, siya ang naaasahan ni Mommy at Daddy sa kompanya. Business-minded kasi, unlike me na gala-gala muna, at enjoy sa life.
Tumayo na ako at nakipagfist bump kay Niel. Lumapit din si Nian sa kuya niya at humalik sa pisngi.
Napasimangot naman ako. 'Di man lang ako hinalikan sa pisngi.
"Kailan ka ba magtitino, Nash? Ganito na lang ba tayo araw-araw? Gala ka nang gala. E, kung tulungan mo kaya ang Daddy mo at kapatid mo sa kompanya," paninirmon sa'kin ni Mommy.
Nanatili siyang nakatayo habang naka-cross ang dalawa niyang braso. Nakataas pa iyong mga kilay niya. Sinusungitan na naman ako.
"Mom! Ang ganda-ganda mo talaga!" pilyo kong saad at nilapitan siya. Hinalikan ko siya sa pisngi pero inirapan niya lang ako.
"Nash, hindi ba't nag-usap na tayo? Please lang, anak, ikaw ang panganay, bigyan mo naman kami ng kahihiyan. Stop this silly games of yours and start working. Your Daddy needs you, matanda na siya. At saan ka na naman ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!"
At tinaasan niya nga ako ng boses. Napakamot na lang ako ng ulo.
Ito na naman siya, pushing me to work on that company.
"Nandyan naman si Neil, Mom. At isa pa, wala talaga akong interes diyan sa negosyo natin, e. Nasunod ko na rin naman ang gusto niyo, nagtapos ako ng business ad na hindi ko naman talaga gusto. Sana naman, hayaan mo muna akong mag-enjoy. At kayang-kaya naman ni Neil ang kompanya, 'di ba, Bro?" Ngiti ko namang binalingan si Neil at nagthumbs up ako sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "What?" Bumaling din siya kay Nian. "Let's go, baby. It's dinner na." Binuhat niya si Nian at nagsimula na silang maglakad papunta sa dining area. Seriously? Binubuhat pa niya si Nian?
"Hindi na po ako baby. Put me down, please," reklamo ni Nian.
"Kaya pala nagpabili ka ng barbie doll."
"It's for my collection!" Nangibabaw ang boses ni Nian.
Napangiti ako sa kulitan nilang dalawa. Hindi naman mabiro si Nian.
"Ehem."
Nabalik ulit ang atensyon ko kay Mommy. Seryoso na siyang nakatitig sa akin, pero binigyan ko lang siya ng matamis kong ngiti.
"I have to tell you someth-" Naputol ang sasabihin ni Mommy ng marinig namin ang busina ng sasakyan sa labas. Si Daddy na yata 'to.
Kaagad kong nilapitan ang pinto, at matinis naman na boses ni Nian sa likuran ko ang sumalubong kay Daddy. Nauna pa nga itong nakarating sa pinto. Daddy's girl talaga.
"Everyone! Nandito na si Daddy!"
"Hey, careful!" sigaw ni Neil.
"Daddy and dolls!" Kaagad na nakalapit si Nian, na akala namin ay yayakap kay Dad, pero naglihis ito ng daan at sa dolls ito lumapit at yumakap, na dala ni Yaya Beth.
Napasimangot ang matanda. Hindi namin mapigilan ang mapabungisngis ni Neil sa nakasimangot na mukha ni Daddy.
Si Mommy naman ay nakataas pa rin ang kilay habang nakatitig sa amin. Hays, buti na lang talaga at hindi kami nagmana sa kanya. Bad vibes, eh.
"Parang 'di naman welcome si Daddy. May isa pang nagsusungit. Ano na naman ang problema mo, Sweetheart?" turan ni Daddy kay Mommy, dahil nag-attitude na naman ito.
Nilapitan ni Dad si Mommy at hahalikan niya sana ito sa pisngi, ngunit kaagad namang tumalikod si Mommy at nagtungo sa dining area.
Napa-iling na lang kami ni Neil. Rejected na naman si Dad. Napa-iling din si Daddy. Dati pa namang ganyan si Mommy.
"Tsk, sungit talaga. Nian, mamaya mo na buksan 'yan." Bumaling siya kay Nian.
Sumunod naman si Nian at patakbo na namang nagtungo sa dining area. Sinundan kaagad siya ni Neil.
Nagsimula na kaming maglakad ni Daddy.
"Paano niyo kami nagawa, Dad, kung gano'n kasungit si Mommy? I'm glad that you are able to endure her attitude."
Ngumisi naman si Dad sa sinabi ko.
"Gano'n talaga kapag nagmamahal, anak. Lahat titiisin mo." Tinapik niya ang balikat ko at nauna na siyang maglakad.
Mapait akong ngumisi sa tinuran niyang iyon.
Gano'n ba talaga 'yon? Hindi pa naman talaga ako nagmamahal ng totoo, hanggang crush lang ako. Mabola ako sa babae kaya maraming nagkakagusto sa'kin, pero hindi ko naman sila nagugustuhan.
Ayaw ko kasi sa mga babaeng pinipilit ang sarili nila sa lalake. Iyan kasi ang madalas kong na-i-encounter na mga babae. Pero ngayon, baka matututo na akong magmahal. May babae akong natitipuhan, e. Iyong kanina sa bus.... Si Kara!
Nahuli niya ako sa mga titig niya, at hindi ko mapigilan ang mapangiti at kiligin sa kanya nang maaktuhan ko siyang nakatitig sa akin. Tsk!
Gusto ko siyang makita ulit. At kapag nagkita ulit kami? I will make her my wife! No, girlfriend muna.