someone's POV:
Natigilan sa pagbangon si Aethan ng maramdaman niyang ang bigat ng katawan niya kaya agad siyang napahawak sa noo niya para echeck kung magaling naba talaga siya.
" Wala naman akong lagnat pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko?" nagtataka nitong tanong sa sarili niya pagkwan minulat nito ang mga mata niya at biglang uminit ang ulo niya ng makitang halos nakahiga na rito si Julian.
" Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko dahil ginawa akong higaan ng baklang ito " naiinis nitong paglingon kay Julian pero natigilan ito sa pagtanggal sa mga kamay at legs nitong nakadagan sa kanya ng makita niyang hawak hawak pa ni Julian ang isang basahan kung saan ginamit niya para mawala ang init/lagnat nito kaya naman kumalma siya at hindi niya maalis ang tingin niya rito ng matitigan nito bigla nang malapitan ang mukha ni Julian.
" Bakit ganon iba ata ang mukha ng baklang ito sa malapitan ?" pagtitig pa rito ni Aethan nagising nga lang siya ng biglang tumunog ang phone niya at ang daming missed call rito ng kapatid niya kaya dahan dahan nitong tinanggal ang pagkakayakap o pagkakadagan rito ni Julian at nagtungo siyang banyo sunday ngayon kaya bibisita siya sa kapatid niya kaya pagkatapos nitong magbihis nagpunta na ito rito.
" Kuya are you okay?" tanong agad rito ng kapatid niya agad naman niya itong hinagkan sa noo.
" Okay for what? "
" sabi ni daddy you're sick I'm trying to call you kaya lang hindi ka makasagot " sabi pa rito ng kapatid niya.
" Don't worry I'm always fine kunting lagnat lang yon "
" Kunting lagnat nga lang pero matagal ka naman gumaling kasi you hate drinking medicine buti nga lang magaling na nurse si mommy at napipilit ka niyang uminom dati " naalala naman bigla ni Aethan si Julian ng dahil sa kakulitan nito napilitan siyang uminom ng gamot.
" E sino bang nurse mo kagabi or yesterday para gumaling ka agad? " tanong pa niya rito.
" Yong ka boardmate ko sobrang kulit kaya napilitan akong uminom ng gamot balak niya kasi akong saktan kaya ininom ko na " pagkukwento rito ni Aethan.
" really? he's mysterious para mapapayag ang tulad mo " pagngiti niya rito " Well, thanks to him kasi okay ka na kahit wala si mommy " malungkot ritong sabi ng kapatid niya.
" Nagpapasalamat nga ako sa ulan at nagkasakit ako dahil naramdaman ko muli ang yakap ni mommy pakiramdam ko nakayakap siya saakin buong gabi kaya gumaling ako agad " sabi pa rito ni Aethan.
" Ang suwerti mo naman Kuya ako kasi ni minsan di ko naramdaman pa ang presence ni mommy kahit always akong nakaratay rito sa hospital" malungkot ritong tingin ng kapatid niya.
" Mommy left us but her love still remain " pagyakap niya rito tumango naman rito ang kapatid niya habang nakangiti. Well, balikan natin si Julian.
Nagising ito sa amoy nang kumot o nang higaan niya.
" Bakit ganon sobrang bango ata ng higaan ko ngayon at bakit parang amoy ni Aethan...?" pagyakap pa niya ng mahigpit sa kumot ni Aethan at bigla siyang natigilan ng maisip niya ang sinabi niya.
" AETHAN???!" Pagbangon nito at agad niyang hinanap ng mata at nong hindi niya ito makita doon siya nakahinga ng maayos.
" Saan naman yon pumunta? tsk! hindi man lang nagpasalamat pagkatapos kong alagaan kagabi tssst! halos magdamag akong nakayakap sa kanya ah kung bakit kasi doon lang siya tumatahimik habang paulut ulit na tinatawag ang mommy niya at nangawit ako doon " pagstretch pa nito bago bumangon at inayos ang higaan ni Aethan saka siya nag-ayos nang para sa kanya.
" maganda ata ang araw ko ngayon" paghigop nito sa coffee niya pero natigilan siya ng may kumatok sa pintuan niya kaya agad niyang naibaba ang iniinom nito.
" Aethan? " sa isip nito habang tinatakbo ang pinto pero kumalma siya ng si Jeremy ito.
" Okay naba siya?" bungad nito rito " asan siya?" tanong pa nito.
" Okay na siya, halika pasok ka " napatingin rito si Julian ng sumilip sa loob si Jeremy na halatang kinakabahan.
" Wala siya rito sa tingin mo iimbetahin kitang pumasok ng hindi nagpapaalam sa kanya?" sabi niya pa rito ng mapansin ang reaction ni Jeremy saka ito pumasok sa sinabi ni Julian.
" Pasensya na talaga Julian at hindi kita nasamahan sa plano natin " nahihiyang sabi rito ni Jeremy.
" Okay lang " pagtimpla niya rin rito ng coffee.
" Salamat " pag-abot niya sa kape " e kamusta? Umipekto ba yong plano mo?" Sa sinabi rito ni Jeremy biglang kumonot ang noo ni Julian.
" Tsk! wag na tayong umasa doon, Naku! ni thank you di niya nagawa "
" Ganon ba " mahina nitong sabi " di bale mag-isip pa tayo ng iba wag kang mawalan agad ng pag-asa " pagngiti rito ni Jeremy.
" Oo naman kaya lang nakakawalang gana talaga ang ugali niya " naiinis nitong sabi " Kung hindi lang talaga sa sekreto k___!" natigilan bigla si Julian sa lumabas sa bibig niya.
" Sekreto?! " mariing tingin rito ni Jeremy kaya naman natamimi ito bigla kapag tungkol kasi sa sekreto niya nawawalan siya bigla ng nervous system biglang ulo na lang ang meron siya hindi nagpa-funciton ang utak niya.
" Ah, si-se-! Sekre...to? " nauutal nitong tanong habang hindi makatingin kay Jeremy at ilang sigundo ring nanatili sa kanila ang katahimikan bago ito putolin ni Jeremy.
" Wag mo nang sabihin " napatingin naman rito si Julian at pakiramdam niya paulit ulit niyang naririnig ang sinabi ni Jeremy.
" secret diba? kaya pagsinabi mo hindi na yon magiging secret kung bakit rin kasi napaka tsismoso ko" natatawa pang sabi ni Jeremy hindi naman alam ni Julian kung matutuwa siya dahil nakaligtas na naman siya sa pagsisinungaling paano napakabait kasi talaga ni Jeremy kaya hindi niya maiwasang maguilty rito.
" anong gagawin mo ngayong araw?" tanong pa ni Jeremy.
" Gusto ko sanang matulog lang, ikaw pala?"
" Balak kong lumabas sama ka? may permit na ako ni mommy "
" meron ka! ako wala! " napaisip naman si Jeremy sa sinabi ni Julian.
" Kung ganon doon na lang tayo dumaan sa may bakod "
" Ayaw ko!! " mabilis ritong tanggi ni Julian " at isa pa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya susulitin ko ngayong araw"
" sige, matulog na lang tayo rito " ngiti rito ni Jeremy napatingin naman agad rito si Julian.
" Baka dumating si Aethan " naalis naman bigla ang mga ngiti ni Jeremy.
" Tama nga pala, kung ganon doon kana lang sa kwarto matulog, Oo tama! Doon tayo matulog " napakunot naman rito ng noo si Julian sa pagiging isip bata nitong mag-isip.
" Bakit doon pa e may kwarto naman ako at saka bakit kailangan dalawa tayo? Matulog kang mag-isa mo at ganon din ako "
" Hindi ko alam pero gustong gusto talaga kitang kasama Julian, siguro kung sa magboyfriend/girlfriend may soulmate siguro tayo, soulmate rin tayo bilang magkaibigan alam ko nandiyan si Kristine ang bestfriend ko pero hindi ko alam pero iba yong pakiramdam ko pag ikaw ang kasama ko siguro dahil lalaki ka at nagkakaitindihan tayo " masaya pang sabi rito ni Jeremy napakamot naman ng ulo si Julian sa sinabi nito.
" Siguro nga? "
" ano? Sa kwarto na tayo? At isa pa saka kana matulog alam mo marami kaming libangan sa kwarto " hindi naman magawang tumanggi ni Julian sa mga ngiti ni Jeremy kaya inisip na lang nitong sasamahan niya na lang ito ng mabilis sa sinasabi niyang libangan saka babalik sa kwarto nito at matutulog kaya naman mabilis nilang hinugasan ang baso nila at pumunta sa kwarto ni Jeremy.
" 'Lika na" pagbukas ni Jeremy sa pinto ng kwarto niya at napaatras si Julian ng makita ang loob nito kung ang kwarto nila ni Aethan wala kang maaapakan na alikabok ibahin niyo itong kila Jeremy ang daming junkfoods na naka kalat at yong mga damit nila kung saan saan nakalagay nagkalat sa buong kwarto at ang daming poster ng babaeng nakadikit mga nakapanti at bra lang kaya naman nag-alanganin pang pumasok si Julian.
" Oy gising!" Sigaw ni Jeremy habang pinupulot ang mga damit nilang nasa may sahig at yong mga balat ng mga pagkain.
" Tuloy kana Julian, pasensya na " sabay namang napamulat ng mata si Grey at Leo ng marinig nila ang pangalan ni Julian, sila ang kasama ni Jeremy sa kwarto.
" Julian... "pagbangon nila.
" Pasensya na naisturbo ko kayo " sabi nito agad.
" Okay lang, hindi naman ikaw ang maingay kundi ang mokong na ito" pagbato ni Leo sa unan kay Jeremy masama namang lumingon rito si Jeremy kaya mabilis siyang naglakad sa banyo bago pa ito batohin pabalik ni Jeremy.
" tsk! 9AM na kaya dapat bumangon na kayo " sirmon pa ni Jeremy habang nagwawalis at tinutulongan ni Julian.
" sus! Ikaw nga 1PM kang gumigising pagwalang pasok " pagbaba ni Grey at nagtungo na ring banyo na siya namang si Leo ang lumabas.
" Ano bang meron?" tanong pa ni Leo.
" wala kasi siyang kasama kaya dito muna siya " sabi pa ni Jeremy ng makahulogan lumabas naman si Grey mula sa banyo.
" ganon? Okay dating gawi " pagngiti nila nagtaka naman si Julian sa mga ngiti nila pagkwan nagbihis si Grey at lumabas, si Leo naman tumulong sa paglilinis at pagkatapos nilang maglinis biglang may linabas na malaking box si Leo.
" movie marathon tayo " napangiti naman si Julian " tapos maglaro rin tayo nito" paglabas niya pa sa baraha mula sa box.
" Okay!!! siguradong masaya toh! " sigaw pa ni Jeremy at mga ilang minuto dumating na rin si Grey na may dalang mga pagkain.
" Syempre hindi ito puweding mawala!" pagpasok pa nito si Julian naman nakikisabay lang ito hindi niya naisip na ito pala ang sinasabi niyang libangan nila. At pakiramdam nito habang pinagmamasdan sila Jeremy parang ang dali lang ngumiti at mabuhay pero pagsi Aethan pakiramdam niya masyadong makahulogan ang mundo.
" e yong paborito ko?" tanong pa ni Jeremy kay Grey.
" Nandito" paglabas niya sa Pizza .
" Okay magsaya tayo " sigaw nila.
" Okay!!!" habol na sigaw ni Julian pero napabusangot siya ng sabay sabay silang bumatok at sumuntok rito.
" Dapat sumabay ka saamin " tawa pa nila pero si Julian ito bahagya niyang hinawakan ang braso niyang sinuntok ni Leo.
" SIGURO KUNG ITO ANG KASAMA KO SA KWARTO MATAGAL NANG NADUROG ANG MGA BUTO KO SA KATAWAN BAKIT KASI KAILANGAN PANG MANUNTOK PUWEDI NAMANG TAPIK LANG " pag-iisip nito sabay pagtatapik niya sakanila kaya napalingon sila rito at doon na rin niya napansin ang ginawa niya.
" ang babait niyo kasi " pagtawa niya ng mahina para bawiin ang pinaggagawa niya at doon na rin nila sinimulan ang araw nila at yong iniisip niyang matutulog siya hindi niya rin nagawa sa sobrang kasiyahan hindi na nga nila napansin yong oras kaya gabi na nong umuwi ito at diretso itong bumagsak sa higaan niya sa sobrang pagod pero nong matutulog na ito napabangon siya bigla ng mabuksan ang pinto at si Aethan ang iniluwa nito.
" Okay naba ang pakiramdam mo?" salubong ritong tanong ni Julian habang nakahiga sa kama niya at nakatingin kay Aethan.
" Salamat " yan lang ang sinabi rito ni Aethan kaya na speechless ito bigla.
Julian's POV:
Nagulat ako doon sa sinabi niya hindi ko alam na alam niya ang salitang yon at ayaw kong madugtongan pa yon ng pangit niyang salita kaya nahiga na ako at hindi na nagsalita pangmuli. At mula sa araw na yon or siguro nong alagaan ko siya ay medyo bumait na siya saakin nagtagumpay ako ng kunti doon sa plano ko. Oo, kunti lang kasi kapag ayaw niya akong kausapin wala talaga pero medyo nabawasan ang kasungitan nito.
" Anong meron? "Pagtatanong ko rito habang nasa kwarto kami bigla kasing umaliwalas ang mukha niya ng basahin nito ang text message sa kanya habang sinisilip ko siya pero parang wala siyang narinig kaya bumaba ako sa kama ko at umupo sa tabi ng upuan niya. Feeling close na talaga ako sa kanya hindi naman siya nagagalit e basta hindi ko nalalabag yong rules niya dito sa kwarto namin.
" Wala kang paki, okay?! "
" Para magtanong lang eh " asar kong tugon rito " sandali, tapos kana ba sa assignment natin? Group study tayo?" Natigilan ako ng bigla siyang tumingin saakin.
"Ah, ehh kung hindi ka lang naman tapos" Pagtayo ko naiilang pa rin kasi akong makipagtitigan rito.
" Tapos na ako!" Pagtayo nito at nahiga sa kama niya kaya bumalik na rin ako sa pagkaka upo ko sa tabi niya.
" Ganon ba, nga pala pwedi bang dito na lang kami magGroup study ni Jeremy?"
" Bahala ka! Basta don't break my rule number 1" Tumango naman ako rito.
"Okay, bawal ang maingay!!! " Pagkasabi ko nun tinext ko si Jeremy at hindi nagtagal dumating siya.
" Halika na!" Pagpapatuloy ko rito hinanap naman niya agad si Aethan at nang makita niya biglang naalis ang mga ngiti niya.
" Nasabi ko ng pupunta ka" Kitangkita ko yong paghinga niya ng malalim.
"Kunin ko lang mga gamit ko " Pagkakuha ko nagstart na kaming magbasa para sagotan ang every question sa binasa namin kaya lang nong nasa number 7 na kami bigla kaming napahinto medyo magulo kasi ang question.
"Anong pagkakaitindi mo? " Tanong agad ni Jeremy habang kinakamot ang ulo niya.
" Hindi ko rin alam e ang gulo" Pagbasa ko pa rito ng paulit ulit.
"Pinagulo lang yong question but what the writters mean in that question is that, what is the difference character of the antagonist and protagonist in that story" Sabi ni Aethan saka kumuha ng tubig at uminom para kunwari wala siyang paki sa dalawa kaya itong si Jeremy nakangiting sinusundan ito ng tingin hindi kaya bakla itong si Jeremy pero sa bagay ang cool magsalita nitong si Aethan.
" Ganon ba talaga yong ibig sabihin ng question na ito?" Tanong ko kay Aethan actually naniniwala naman ako pero gusto ko siyang pagsalitain pa mabilang lang kasi ito magsalita medyo naging close lang naman kami pero yong kaseryosohan nito ganon pa rin.
" Ano ka ba yon talaga ang ibig sabihin ng writters sinabi na niya diba? " Pagsagot ni Jeremy sa papel niya malaki talaga ang tiwala nito kay Aethan.
" Pero Aethan..."
" Kung ayaw mong maniwala edi sundin mo kung anong pagkakaitindi mo" Irita nitong sagot saka nahigang muli.
" Ikaw kasi ayaw mo pang maniwala" Pagbatok sakin ni Jeremy, tumahimik naman ako hindi ko naman naisip na maaasar siya sa ganong kaliit na bagay lang sabi ko naman ganon pa rin ang ugali niya medyo nabawasan lang ang tabas ng bibig nito sa pagsasalita ng masasakit pero yong kasupladohan ganon pa rin siya.
"Gusto ko lang naman siya kausapin e" Pag-iisip ko habang tinitingnang nakahiga si Aethan.
" Number 8 na tayo" pagpapatuloy namin pero natigilan na naman kami sa number 10 katulad kanina mahirap ring itindihin.
" Tanongin mo na lang kasi " Pagtusok ni Jeremy sa balikat ko.
" Oo na kaya manahimik kana okay!?" pagtayo ko at lumapit sa kama ni Aethan habang nagkakarira ang puso ko sa pagpintig kinakabahan talaga ako.
" Aethan pwedi magtanong?" Pagsasalita ko agad pero nanatili pa rin siyang nakatalikod sakin habang nakatingin sa phone niya may katext ata e.
" Aethan pwedi ba? " Wala man lang siyang imik.
" Itatanong ko lang naman kung paano sagotan itong number 10 " Pabulong kong sabi sabay talikod.
" Kung may sasabihin ka diretsohin mo kasi hindi yong pinapahaba mo pa" Sabi nito kaya agad naman akong tumingin rito at ngumiti pero binawi ko yon agad ng biglang magtaka ang mukha niya nagmumukha nga kasi akong babae pagngumingiti ako.
"Ito nga pala yong question" Hindi man lang niya tiningnan at sinabi na lang saamin ang pagkakaitindi niya sa question siguro naisaulo na naman nito pagkatapos sagotan at saka parang sinagotan na rin niya pero nong nasa 11 na kami tulad kanina magulo na naman ang question.
" itanong mo na " Bulong ni Jeremy.
"Ayaw ko ikaw naman" Bulong ko rin nakakahiya nang magtanong ayaw pa naman niya ng bobo.
" balikan na lang natin proceed na tayo sa next" Sumang-ayon naman si Jeremy pero magulo rin ang question number 12 hanggang question 17 kasi ito at start sa number 10-17, 14 lang nakaya naming sagotan at kanina pa kami nagbubulongang nag-uutusan magtanong kay Aethan.
" Ayaw ko baka palayasin pa ako dito sa room namin ikaw na lang magtanong" Bulong ko rin kay Jeremy.
"Pero kayo ang magkasama dito" Bulong rin ni Jeremy.
" Kung magbubulongan kayo siguradohin niyong kayo lang ang makakarinig " Pagtayo ni Aethan saka tumabi saamin grabe naman ang ngiti ni Jeremy habang ako kumikislap ang mga mata ko.
" Pasensya na Bro" Kinakabahan pang sabi ni Jeremy ako naman tumango lang ako nang magsalita si Jeremy.
" Ano bang laman ng mga utak niyo at ikaw akala ko ba scholar ka? " Pagtingin sakin ni Aethan.
"HINDI NAMAN AKIN ANG SCHOLAR NA ITO" sa isip ko " tulongan mo na lang kami hindi kasi namin maitindihan at saka hindi naman porket scholar hindi na pweding magkamali " Sagot ko pa rito ng mahina.
AETHAN POV:
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Julian dinig ko naman yon kahit pabulong niyang sinabi iwan ko ba kung bakit iba talaga umasta ang isang ito sa tingin ko nga baka bakla nga talaga ito hindi siya kilos lalaki at napansin ko ngayong medyo close na kami na para bang napipilitan lang siyang makisalamuha saamin madalas ko nga itong makitang nakatingin sa mga kaklase naming mga babae pagnagsusuklay o nagpapaganda ang mga yon basta may mali talaga sa kanya pero hindi ko naman masiguradong bakla siya dahil hindi naman siya tumitingin sa mga kaklase kong lalaki at gaya ng madalas kong sabihin wala akong nakikitang malisya sa mga mata niya pagtumitingin siya saaming mga lalaki.
" Ang ibig sabihin in this question *blah *blah" pagpapaliwanag ko pagkatapos ko namang magsalita saka sila sasagot at itong si Jeremy mahina talaga ang utak ang daming tanong sa Baklang Julian na ito e kahit inexplain ko naman.
" Tapus na? " Tanong ko lalaking lalaki namang sumagot sakin si Jeremy pero si Julian tumango lang saakin may iba talaga dito e habang tinitingnan ko siya ng masama agad naman siyang nag-iwas sakin ng tingin. At yon nagpatuloy na ako pero natigilan ako sa pagsasalita ng nasa last number kami ng makarinig ako ng humihilik and it was Jeremy nakatulog na ganon din itong si Baklang Julian.
"Kung balak niyo palang matulog bakit hindi na lang kayo nagsibalik sa mga higaan niyo" Sa isip ko sabay kuha sa mga papel nila at sinagotan ko yong number 17 para sa kanila iniba ko lang yong sentence pero isa lang naman ng thought.
" Bakit kaya hirap na hirap ang mga ito mag aral tsk! Hindi ba nila naiitindihan kapag nagtuturo ang mga teacher namin o baka hindi sila nakikinig" Pagtayo ko saka kinuha yong kumot ni Julian sa taas pero natigilan ako ng biglang may nahulog dito agad ko naman yon pinulot, ibabalik ko na sana pero napansin kong isang litrato.
" Sino ba ang mga ito?" Pagtingin ko sa litrato pero natigilan ako ng makitang kamukha niya yong isa sa litrato kung saan isang lalaki at dalawang babae at yong isa sa mga babae kamukhang kamukha niya pagkwan nilapit ko ito sa mukha niya habang natutulog siya.
" Kapatid niya ba ito? Bakit kamukhang kamukha niya?" Pagkwan binaliktad ko ito ng mapansing may nakasulat sa likod nito.
"Julian, Liya at Cindy? " Pagbasa ko " Julian??? pero saan siya dito isa lang naman ang lalaki rito at hindi niya ito kamukha?" Pag-iisip ko may bigla naman akong naisip pero imposible naman yon kaya agad kong binalik ang litrato niya sa taas.
" May kapatid pala siyang Babae?" sa isip ko habang pinagmamasdan itong natutulog at tinitingnan ang mukha niya ang kinis at kakaiba yong balat niya kumpara sa mga lalaki pagkwan bumaba yong tingin ko sa labi niya bakit ganon may kakaiba akong nararamdaman.
" Baliw kana Aethan! Lalaki pinagnanasaan mo tsk! paanong naisip ko ang ganong karumaldumal na isipin " halos masuka ako sa sinabi ng isip ko pagkwan kinumotan keep itong dalawa saka ako natulog bahala na silang magising.
CINDY/JULIAN POV:
Nagising ako nang maramdaman kong parang lumulutang ako kaya kahit tinatamad akong buksan ang mga mata ko pinilit ko pa rin at muntik na akong mahulog nang pagkamulat ko sa mata ko mukha agad ni Jeremy ang bumungad saakin.
"Gising ka na pala" Pagbaba nito saakin habang buhat buhat ako.
" Oo at anong ginagawa mo?" Masama ko ritong tingin.
"Nakatulog kasi tayo diyan sa may study table hindi naman kita kayang iwan na lang habang naka-upo diyan at natutulog kaya binuhat kita para itabi kay Aethan hindi kasi kita kayang iakyat sa kama mo mamaya mahulog tayo" Sabi pa nito habang kinakamot ang ulo niya agad naman akong napalingon kay Aethan at mahimbing nga itong natutulog.
" Ganon ba, sorry at salamat na rin Bro pero pwedi mo naman akong gisingin at sabihing umakyat sa kama ko"
" Oo pero masisira pa ang tulog mo" pagngiti nito "sige Julian labas na ako inaantok pa kasi ako".
" Sige" Pagsunod ko rito para ilock ang pinto at napalingon ako bigla sa orasan ng hikabin ako at mga 12:40 na kaya naman pala hindi kinaya ng power ko ang tulog ko.
"Yong notebook ko nga pala" Pagligpit ko rito pero natigilan ako nang makitang naiiba ang writting ng number 17 sa mga writting ko kaya naman napalingon ako agad kay Aethan na himbing na himbing sa tulog alam ko sa kanya itong writting ang ganda kasi pagkwan tiningnan ko kung tulog ba talaga ito at sa tingin ko tulog na tulog talaga ito kaya naman hinawakan ko ang noo nitong nakakunot para maalis ang pagkaka kunot nito.
" Ano ba kasing nasa panaginip mo at pati pagtulog mo nakakunot ka ng noo " Sa isip ko ng maalis ang pagkaka kunot noo nito at ayon natulog na rin ako ulit.