1 | Arrogant Costumer
“Bilisan niyo! Baka maabutan tayo!” “Bilisan niyo!”
Agad kong minulat ang aking mga mata nang napagtanto kong isang panaginip na naman pala. Kinuha ko ang relo ko upang mabatid kung anong oras na ba.
Iniluwal ko kaagad ang aking sarili sa aking higaan nang naalala kong late na pala ako sa tarbaho ko. Salamat panaginip at ginising mo ako. huhu.
Inayos ko ang sarili at agad na umabante para sa nag aabang na tarbaho.
“7:32 a.m” kaya pa ‘to lagpas lang ako ng dalawang minuto.
Pagdating ko sa cafeteria, wala pang tao. Bakit? Sira ba tong orasan ko? Matagal tagal din. bago ko napagtanto na bukas pala ang pintoan kaya pumasok kaagad ako nang...
“Happy Birthday, Reia!” I was at a bit in shock at binigyan ko sila ng pekeng ngiti as I got over from what they did. Hindi ko naman kasi gusto na igreet ako sa birthday ko. Tss. It only reminded me the fact that my parents made me to be abandoned.
Today is my 16th birthday. 16 years na ang lumilipas nang iniwan ako sa bahay amponan.
“Salamat. Nag abala pa kayo.” nginitian ko sila kahit labag sa kalooban ko. Di naman ako ganyan ka masama para tratohin ng ganoon ang mga kasamahan ko. Nag effort sila eh, kaya tatanggapin ko!
Agad akong dumiretso sa bodega upang kunin ang iniwan kong apron doon.
Kinuha ko ang walis nang nakalanghap ako ng alikabok. Nilinis ko ito bago pa ulit lumabas.
“Reia, halika ikaw mag siserve nito oh!” agad kong binitawan ang alis tsaka umalis. Naghugas ako ng kamat tsaka inabot ang order ng mama— no! shet! hindi mama ‘to. Ang gwapo!
Dahan-dahan kong dinala ang order nila sa kadahilanang natakot ako na baka katulad ng mga teleserye ay mabuhusan ko ng kape ang costumer ko.
At kung siniswerte nga naman...
“What the heck?! Ayusin mo naman yang tarbaho mo. I didn’t requested you to serve my coffee for nothing”
Nagsilabasan ang lahat ng demonyo sa utak ko nang narinig ko ang mga karumaldumal na salita na nanggagaling sa gwapong mama dahil lang nabuhusan ko nga talaga sya ng kape.
“I’m sorry sir, it was my fault. I became careless.”
Ang gwapo mo kasi. huhu.— no! stop that. ‘Wag kang magpadala sa mga inutil na tukso, Reia! Labanan mo!
“Pero sir, di ko din naman po kasalanan kung bat ako pinili niyo upang magserve.” hala. Anong pinagsasabi ko?
“Excuse me? do.I have a choice? Di ko naman alam na isang lampa pala ang magsiserve sakin. I just commanded the management to serve my coffee as soon as possible kaya lang busy lahat ng mga waitress dito. Little did I know, may isa palang nagtatago.”
“Excuse me lang sir ha? Anong nagtatago ang pinagsasabi mo? I am just cleaning the bodega, you know?”
“Eh malay ko ba kung ano pinagagawa mo dun?”
Hindi ko nalang sinagot tung kupal nato upang wala ng gulo. Baka mamaya masisante pako.
Inirapan ko sya at agad na nilinis ang nabuhos na kape. I made an apology also, plastic nga lang.
Umalis na sila at nagbababad na rin ako sa tarbaho.
Ang hirap ng buhay. Sana kung may magulang lang talaga ako, siguro di ako maghihiram ng ganito ano?
Bakit kaya ganun? Bakit kaya pinili nilang iwan ako bahay amponan?
Nagdaan ang mga oras at malapit ng magabi. I checked ny watch and it’s already quarter to 6.
I prepared myself first bago umuwi. Inilagay ko ang apron ko sa bodega tsaka nilinis ang cafeteria bago umalis.
Nagpara ako ng taxi saka nagpadrop sa paborito kong lugar.
Agad akong bumaba nang nakarating na kami and I wast a bit at ease as I felt the hugs of fresh air.
I felt the tranquility as I have witnessed the back and forth movement of the waves.
Nakakatanggal ng pagod. Tumayo ako at pumunta sa dagat nang di ko mapigilan ang aking sarili.
Binabad ko ang aking paa sa tubig ng ilang minuto at nilabas ang aking pagod.
Umahon na ako kalaunan ng napagtanto kong gabi na. I walked slowly in the shore like a zombie and just looking in the sand meanwhile—
“Aray! Ano ba!” di ko maiwasang magalit nang nabangga ko ang aking sarili sa matigas na bagay.
I slowly turned my head up and was totally in shock as I recognized someone.
Agad kong ibinalik ang mata ko sa bagay kung saan ako nabangga and...
“What the f**k!!! Sheytt!! Ang yummy naman ni kuya, Thank you Lord for the blessing.”
That was the words I wanna shout habang minamasdan ang anim na pandesal na tumatama sa aking ulo.
“Tulo laway mo, Miss.” agad kong pinunasan ang mukha ko and shet. Meron nga!
To cover up my embarrassment, I gave him a sullen glance.
That i***t! Sa lahat ba naman ng taong pwede kong mabangga. Bakit siya pa? Yung supladong costumer na akala mo sobrang gwapo eh gwapo naman talaga, kung makaasta akala mo kung sino. Tss tss.
Pasalamat siya masarap abs niya kung hindi baka— Reia! Ano ba! ang manyak mo na. Tumigil kana dyan.
Remember, never trust anyone. Wag magpadala sa tukso!
Disesais ka palang dyosq kanimong bata ka!
I leave the shore horrified for the first time.
As I was looking for something to have a ride on, di ko maiwasang mapaisip. Bat wala syang imik kanina?
Nababaog na sya? Psh. Sino ba namang hindi mastarstruck sa ganda kong ito, hindi ba? hahaha.
Nang nakakuha na ako ng taxi, agad akong sumakay at umuwi.
Pumasok agad ako sa bahay ng nakauwi na ako ngunit laking gulat ko nang nandito ang demonyo.
Bakit pati sa bahay ko? sinusundan niya parin ako. What a stalker!
“You just left your ID. Don’t feel too special para lang sundan kita dagil gusto kita. Mahiya ka naman sa sarili mo. Kaya wag kang mag isip ng kung ano-ano.”
Agad nyang inabot sa akin ang aking ID at ito’y totoo nga. Nabitawan ko pala ito ng nauntog ako sa kanya.
“Ah. Maraming sala—“ agad syang umalis nang di man lang ako natapos makapagpasalamat. Tss. May araw ka din saking hayop ka. Saka ako dumiretso papasok sa loob.