15

1003 Words
Hindi maipaliwanag ni Diana ang eksaktong nararamdaman habang inililibot niya ang mga mata sa buong paligid ng maliit na bahay na uupahan nila ni Connor. Pagkatapos nilang tumakas sa engagement party nito ay nagpalipas na muna sila ng gabi sa isang maliit na hotel. Alam niyang pinaghahanap na siya ngayon ng mga magulang niya. Tiyak na umuusok na ang bumbunan nang daddy niya sa sobrang galit sa kaniya dahil sa pakikipagtanan niya kay Connor. Batid niya na may ideya na ang pamilya niya sa pagsama niya sa binata dahil ilan sa mga kaibigan ng daddy niya ang nakakita sa pagtakas nila kagabi. Kanina ay nagpadala ng text sa kaniya ang ina para alamin mula sa kaniya kung totoo ang balita na nakarating sa mga ito. Dahil ayaw niyang dagdagan pa ang sama ng loob ng mommy niya ay nagdesisyon siya na huwag na munang sagutin ang mga text o tawag nito. Pagod na minasahe niya ang kaliwang balikat at naupo sa isang maliit na silya malapit sa may bintana. Dumungaw siya sa labas at walang sawang pinagmasdan ang mga bata na kanina pa naglalaro sa kalye. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng inggit sa mga ito. Simula pagkabata ay hindi niya naranasan na makipaglaro sa ibang mga bata sa labas ng bahay nila dahil natatakot siyang mapagalitan ng mga magulang niya. Ang ibang anak ng mga kaibigan ng daddy niya ay ayaw makipaglapit sa kaniya at tanging ang ate Hasmine lang niya ang gustong makalaro ng mga ito. Ngayon na tuluyan na siyang nakawala sa anino ng kapatid niya ay masasabi niya na kontento na siya. Mayroon na siyang matatawag na bahay at hindi na niya kailangan pang gumising tuwing umaga habang iniisip niya kung papaano niya iiwasan ang kapatid. Isang maliit na bahay na nagkakahalaga ng limang libo ang upa sa isang buwan ang nakuha nila ni Connor. Sumaglit sila sa bahay ni Nadine kaninang umaga para kunin ang ipinatago niyang passbook sa kaibigan. Nagkataon naman na may alam itong bahay na gustong paupahan ng may ari kaya hindi na sila nahirapan ni Connor na maghanap ng bahay na matutuluyan. Nang maalala ang passbook niya ay agad na kinuha niya iyon mula sa backpack na hiniram pa niya kay Nadine. Nanlumo siya nang makita na halos limang libo lang ang laman ng passbook niya. Noong nakaraang buwan ay naipahiram niya sa kaibigan ang pera na naipon niya dahil nagkasakit at naospital ito. Mabuti na lang at nakapagbayad na si Connor ng anim na buwan na advance payment para sa renta nila. Ang iniisip niya ay ang binata dahil alam niya na hindi ito sanay sa simpleng buhay. Ngayon na magsasama sila bilang mag asawa ay hindi niya alam kung ano ang magiging buhay nila. Ipinilig niya ang ulo at saka ipinaskil ang kontentong ngiti sa mga labi. Marami naman paraan para mabuhay silang dalawa ni Connor ng maayos at hindi umaasa sa yaman ng kaniya kaniyang pamilya nila. Kung kinakailangan na kayod kalabaw pa ang gawin niya para lang kumita ng sapat ay gagawin niya. Kung iyon ang tanging paraan para hindi sila maghirap at hindi mawala sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya ay nakahanda siyang gawin ang lahat at magsikap para kay Connor. “Hey, baby,” Mabilis ang ginawang paglingon ni Diana nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na bumilis ang pintig ng puso niya nang makita niya si Connor na iniluwa niyon. Tumayo siya at nagsisikip ang dibdib na nilapitan ito. Sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay hindi niya mapigilan ang paninikip ng dibdib. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na magkasama na sila ngayon. Parang isang magandang panaginip pa rin para sa kaniya ang lahat nang nangyari simula kagabi. “Baby! nagpunta ka sa Market ng mag isa?” agad na nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang mga dala nitong plastic bag. “Bakit hindi mo ako isinama?” bigla siyang nahiya sa ginawa ni Connor. Hindi pa ito sanay na magcommute kaya hindi niya lubos maisip kung papaano ito sumakay ng jeep na mag isa lang. “Okay lang, mas gusto ko pa na dito ka na lang sa bahay at magpahinga. Ang mga misis dapat nasa bahay lang at hinihintay ang oras ng pag uwi ng mister nila.” nangingiting turan nito at kinintalan ng masuyong halik ang ibabaw ng noo niya. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pagdaloy ng munting kuryente sa balat niya. Awtomatikong namula ang magkabilang pisngi niya. Nang imulat niya ang mga mata ay hindi sinasadyang kinagat niya ang pang ibabang labi nang mapansin ang matiim na pagtitig ni Connor sa kaniya. “Don’t do that,” mahinang anas ni Connor. Dahil marami itong bitbit ay hindi siya nito magawang hawakan. Nakontento na lang ito na pagdikitin ang mga noo nila. “Huh?” nalilitong tanong naman niya. Sa halip na sumagot ay binigyan siya nito ng isang mabilis at masuyong halik sa mga labi na ikinagulat naman niya. “Baby!” nanlalaki ang mga mata na saway niya dito. “I love you, babe!” natatawang sabi nito at mabilis na nagtungo na sa kusina para ayusin ang mga pinamili nito. Daig pa niya ang naestatwa nang marinig ang sinabi ni Connor. Sa mga ganoong pagkakataon na naglalambing ito ay hindi niya alam kung papaano gaganti. Hindi siya magaling sa pagpapakita ng emosyon dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan niya noong bata pa siya. “Kainis ka!” nanunulis ang mga nguso na hinabol niya si Connor. Bago pa man ito makarating sa kusina ay tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at niyakap niya ang mabangong likod nito. “I love you, baby!” sabi niya at ibinaon ang mukha sa likod ng binata. Nang mga oras na iyon ay naisip niya na hindi naman pala mahirap na magpakita ng affection sa ibang tao. Siguro ay hindi siya nahirapan gawin iyon ngayon dahil mismong ang puso na niya ang may kagustuhan niyon, pagdating kay Connor ay sadyang wala siyang hindi kayang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD