7

995 Words
Impit na napatili si Diana habang nakatutok ang mga mata niya sa monitor ng laptop na nakapatong sa ibabaw ng mga hita niya at nanonood siya ng Korean drama series. Dahil hindi pa naman siya dinadalaw ng antok ay nagpasiya na muna siyang manood at magpalipas ng oras. Maliban sa pagbabasa ng libro ay naging libangan na rin niya ang panonood ng asian drama series. Kahit hindi halata ay aminado siya na may pagkahopeless romantic siya. Lahat na drama na naipalabas na sa Korea o China ay updated siya. Sa ganoong paraan lang umiikot ang buhay niya at masasabi niya na kontento na siya. Nang may marinig siyang malakas na katok mula sa pinto ng kwarto niya ay mabilis pa sa alas kuwatro na tiniklop niya ang laptop at napabalikwas ng bangon. "Anak?" "Wait lang po, mommy!" sinuklay niya ng mga daliri ang mahabang hibla ng buhok at binuksan ang pinto. "Yes?" Ngumiti ang ina at nagsalita. "Pwede ba tayong mag usap?" "A-ah, sige po.." natitigilang turan naman niya nang mapansin ang pagkabahala sa mukha ng mommy niya. Pumasok ito sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama niya. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito kaya napilitan siyang tumabi ng upo sa ina. "Mommy, may problema po ba?" nag aalalang tanong niya. Mabibilang sa mga daliri niya ang ganoong pagkakataon na sinilip siya ng ina sa silid niya. Kapag ganoong oras kasi ay nagpapahinga na ito o kaya ay lumalabas kasama ang daddy niya. "Kamusta ka na?" "Mom?" bigla ay nagsikip ang dibdib niya sa tanong nito. Iyon ang unang pagkakataon na tinanong ng ina ang kalagayan niya. Nasanay siya na palaging ang ate Hasmine niya ang kinakausap nito at ng daddy niya. Masakit man para sa kaniya ay aminado siya na minsan niyang naisip na ampon lang siya. Kahit kamukha naman niya ang mga magulang niya ay hindi niya matandaan na naging malapit siya sa mga ito. Nagsimula ang lahat nang makaramdam siya ng inggit sa kapatid dahil nakatuon ang atensiyon ng lahat dito. Pitong taon pa lang siya ay nakikita na niya na ito ang paborito at hinahangaan ng mga tao sa paligid nila. Nang alukin siya ng teacher nila na gumanap bilang si Cinderella sa stageplay ay excited na tinanggap niya iyon para ipakita sa lahat na magaling din siya kagaya ni Hasmine. Kahit papaano ay nakita niya na naging masaya ang mga magulang niya nang imbitahan niya ang mga ito na manood ng stageplay. Pero hindi pa man nagsisimula ang performance ng grupo nila ay naunahan na siya ng matinding kaba at nakalimutan niya ang mga linya niya. At ang kapatid niya na understudy ng mga panahong iyon ang pumalit sa papel niya. Nakita niya ang pagkadismaya sa mata ng mga magulang niya at parang pintura iyon na hindi mabura sa utak niya. Magmula ng mangyari ang insidenteng iyon ay parang hindi na siya magawa pang pagkatiwalaan ng daddy niya. "Nahihirapan ka ba sa gustong ipagawa sa'yo ng daddy mo?" "Hindi po!" mabilis na napailing siya. Ayaw niya nang madismaya ulit ang mga ito sa kaniya kaya lahat ay gagawin niya. "Mabuti naman kung ganoon," "Mom, kaya ko po, okay? magtiwala lang kayo ni daddy sa akin. Maitataboy ko ang mga babaeng umaaligid kay Connor at kapag nahanap na natin si Ate Hasmine ay wala ng magiging problema pa." "Naiintindihan mo naman siguro kami 'di ba kung bakit ang ate Hasmine mo ang napili namin na maging fiancee ng isa sa mga apo ni Federico?" Marahang tumango siya. "Opo." Isang simpleng babae lang siya at hindi ang kagaya niya ang dapat pakasalan ni Connor. Ang kailangan nito ay isang babae na kagaya ng kapatid niya. Isang matalino at eleganteng babae na nakahandang alalayan si Connor sa oras na pamahalaan na nito ang isa sa mga kompanya ng mga Campbell. Nang magpaalam na ang ina na babalik na ito sa sariling silid ay nagpasiya na rin siyang matulog dahil maaga pa ang pasok niya kinabukasan. Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng makapal na kumot. Wala pang ilan minuto na naipipikit niya ang mga mata ay naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone sa ilalim ng unan niya. Iminulat niya ang mata at naghihikab na basta na lang niya sinagot ang tawag. Siguradong si Nadine ang tumatawag sa kaniya dahil ito lang naman ang madalas na kausap niya sa telepono sa ganoong oras. "Hello?" inaantok na bungad niya sa kausap. "Magkita tayo bukas sa library. One pm sharp kailangan nandoon ka na." "Ha?" bago pa siya muling makahuma ay naputol na ang tawag. Nalilitong bumangon si Diana mula sa pagkakahiga at mayamaya ay malakas na napasinghap siya ng mabasa ang pangalan ni Connor sa screen ng cellphone niya. "Napakayabang! Akala mo kung sino siyang hari na-ay!" napaigtad siya ng muling magvibrate ang cellphone niya. Natutop niya ang dibdib at impit na napatili sa sobrang inis nang matuklasan kung sino ang istorbong caller niya. "Ano na naman?" hindi maitago ang iritasyon sa tinig na tanong niya kay Connor. "May nakalimutan ka?" "Yup, magdala ka ng pagkain," parang hari na utos nito at walang paalam na pinutol na naman ang tawag. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang hawak na cellphone. Kulang na lang ay matunaw na iyon dahil ayaw niyang lubayan ng nagbabagang tingin. Marahas na napabuntong hininga siya at humakbang patungo sa study table niya. Sa pader ay idinikit niya ang litrato ni Connor na ipinaprint pa niya kamakailan lang. Ipinaskil niya iyon sa kwarto niya para magkaroon siya ng motivation na maisagawa ang misyon na ibinigay sa kaniya ng daddy niya. Nanggigigil na pinitik niya ang matangos na ilong ni Connor sa litrato nito. "Pasalamat ka dahil hindi ako ang naging fiancée mo, dahil kung hindi...dahil..." natigilan siya. Dahil kung hindi ay siguradong hindi na kita pakakawalan pa. Bigla ay sabi ng kabilang bahagi ng isip niya. "Hindeeee!" awtomatikong namula ang magkabilang pisngi niya. Bakit ba sumiksik iyon sa utak niya? Nangangarap ka ng gising! naiiling na saway niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD