CHAPTER 9 "Bawal Tumuwad, Nakabubuhay"

2830 Words
MAVEE Umuwi at inihantid ko na si Lavinia ngunit nanatili akong tahimik sa sasakyan. Hindi ko iniimik si Xelyn. Nadatnan kasi namin syangay hawak na bulaklak at paper bag mula kay Cong.Exodus. Hindi ko alam bat nakakaramdam ako ng inis. Bakit sya tumatangap ng Bulaklak sa lalaking di nya pa naman nakikilala. Gusto nya pala ng bulaklak sana nagpabili na lang sya sa akin, pwede ko naman syang bilhan ah kung gusto nya rin ng Bulaklak. Nakita kong sinisilip silip nya pa yung Paper Bag na bigay Ni Exodus sa kanya. Sa sobrang inis ko talaga ay naka simangot ako buing byahe at panay ang hinga ng malalim. Nagpasalamat sya sa akin ng pababa na sya pero never ko talaga syang inimik. Pag pasok ko ay diretso agad ako sa table. Parang nawalan ako ng gana mag trabaho bigla. Nakita ko syang pumasok bitbit ang Flowers at paper bag. Nakita ko pang inayos nya ang mga Bulaklak at ang iba ay inilagay pa sa Vase sa may table nya. Kita ko pa na Tila Napakasaya nya habang inaayos ang mga bulaklak. "Hmmmp...Kuhang kuha mo inis ko XL napakarami mo na talagang atraso." Saad ko sa aking isip lamang. Nag trabaho na ako, lagot ka sakin XL babawian kita. Ipinakuha ko ng ipinakuha kay Ate Leah ang ibang mga Dapat Gagawin sa mga susunod pang araw. Sinabi kong ipa Double check nya lahat kay Xelyn, Nagtataka pa si Ate Leah, matagal pa daw yon, pero sinabi ko na mas Ok na ang advance kaya wala sya nagawa kundi itambaknsa mesa ni Xelyn. Noong una ay naiinis pa ako dahil tila kaya nya pa. Pero ng bandang tanghali ay kumain lang sya saglit saka ito ipinagpatuloy. Tinatawag ko rin sya paminsan minsan at inuutusan na ibigay, at ipasa sa ibang department ang iba kong utos kaya talagang Gamit na gamit sya Hangang sa sumapit ang hapon ay tila marami paring files na nakalagay sa table nya. 5:10 nang magpaalam si Ate Lea, Samantala si Xelyn naman bandang 5:30 ay naramdaman kong gumagayak na pauwi. "Ahm..Mayor, Mauuna na po ako." Saad nya sa akin. "Bakit? Pinauuwi na ba kita? "Hmm..5:30 na po kasi Mayor Mavee, Bala wala na po akong sakyan." "Then I don't care! Diba may pinatatapos ako sayo? Natapos mo ba? Gawin mo muna yung pinagagawa ko, Hwag ka mag alala Bayad ang oras mo, At kung ang irarason mo ay wala kang masasakyan pwes ihahatid kita, But i need the Papers now, Hindi tayo makakauwi hangat hindi tapos yan." Saad ko rito. Nakita ko naman na sumulyap sya sa akin saka nagbaba ng tingin, Ibinaba nya rin ang bag nya saka naupo at nag simulang ayusin ang mga papers. Pansin kong pinapahid nya ang gilid ng Mata, Umiiyak ba sya? Yan din ang isa kong pansin sa kanya masyado syang sensitive, Oh baka naman Sobra na rin ako? Rinig kong nag dial sya ng Telepono at kausap si Tita Alia, Nagpaalam sya rito na ma le late sya ng uwi. Mag Aala sais na iyon, Nagpa order na rin ako ng dinner naming dalawa. Ayoko rin naman na malipasan sya ng gutom. 6:15 ay dumating ang inorder ko. Kaya pansamantala ko muna syang pinahinto. "Tama na muna yan! Kumain na muna tayo." Saad ko rito. Tahimik naman syang sumunod, Tahimik syang kumakain, Ni hindi sya tumitingin sa akin. "Heto pa ang kanin"alol ko ngunit umiling lamang sya. Teka, Dapat ako yung nagtatampo kanina ah, Bat parang nabaligtad? Bat ako na yung ayaw pansinin?" Tanong ko pa sa sarili. Hangang sa matapos kami ay di parin sya kumikibo. Bandang quarter to 7 ay inaya ko na syang umuwi. Tulad kanina ay wala parin syamg imik habang bitbit parin ang natirang bulaklak at ang paper bag. Nang Makasakay kami ay di na rin ako nakatiis. "Xelyn May Problema ba tayo?" Kanina kapa walang imik dyan?" "Wala po Mayor Mavee." "Wala kanina kapa walang Kibo? Ganyan ka ba kapag sinasabihan or nauutusan? Sumasama ang loob, porke pinag OT kita?" "Hindi naman po sa ganon Mayor." "Eh bakit wala kang Imik, Para bang gusyo gusto mo na umuwi, Bakit May susundo ba sayo? Or meron ka bang Date? Pinag OT kita pero parang labag sa Kalooban mo, Bakit? Ayaw mo ba akong Makasama ng matagal? "Hindi nga po sa ganon Mayor." "Kung hindi sa ganon bakit pala ha?" "Dahil hindi ko na po alam kung saan ako lulugar sa inyo. Sino po bang hindi unang kumibo? Diba po ikaw? Hindi nyo ako pinapansin kaya pinili ko na rin pong manahimik dahil baka naiinis na rin kayo sa akin." "Bakit kapag tinatanong kita para kang walang gana? Boring ba ako kausap? Mas gusto mo bang kausap si Congressman Exodus?" "Mayor Teka, Bat po nasama si Congressman dito, mabuti po sya at wala po syang ginagawang masama." Saad nito. "Wow, nabigyan ka lang ng bulaklak Mabuti na agad, Sana All mabuti, So ako di mabuti para sayo? "Wala po akong sinasabi Mayor" "Ok, Fine" saad ko saka pinaandar ang sasakyan. Habang nag da drive ay sinusulyapan ko sya. Ang cute nya kapag naiinis. "So galit ka pa rin nyan?" Tanong ko rito. "Hindi po." "Sigurado ka ha? "Opo nga" saad pa nito sa akin. Mabilis lamang namin narating ang bahay nila. Nang makarating ay Nagpaalam na sya at akmang bababa pero bago yon ay Nag sorry naman din sya sa nangyari kanina, maging ako man ay ganon din. Maya maya lamang ay kinatok na kami ng Tita nya at as usual iniimbita ulit ako mag kape kaya tumugon naman ako. Kagaya ng nakagawian asikaso na naman ako ni Tita Alia. Para tuloy akong merong Nanay kapag andito ako kina Xelyn dahil talagang inaasikaso ako at kinukumusta kung kumusta ang trabaho maghapon. Nakakatuwa naman si Tita, Ganto din sya kay Xelyn, Bakit kaya di na nag asawa si Tita Alia? Parang kay Xelyn nya na inilaan ang buhay nya, mahal na mahal nya ito. Minsan naisip ko, ipakilala ko kaya ito kay Daddy? Tama sa tingin koy matanda si Dad ng ilang taon, pero matikas parin ang Daddy ko. Ilang taonnna rin namang wala si Mommy, Pero minsan nahuhuli ko si Dad na malungkot sa isang Tabi. Ok naman sila ni Mommy, pero ang sabi ng iba kong pinsan ay Arrange marriage ang naganap sa kanila ni Mommy, no choice si Dad kaya labag man sa loob nya ay pinakisamahan nya si Mommy, pero may nobya daw noon si Dad, pero nagawa nya itong iwan dahil nga sa nakatakda na syang ikasal kay Mommy, pero kahit ganok natutunan nya rin siguronng mahalin si Mommy, they are very casual sa isat isa, Hindi gaanong sweet tulad ng iba pero never ko silang nakitang nag away o Nagtalo. Pero natatandaan ko rin ng halos Itakwil si Mommy sa side nya Pero never syang iniwan ni Dad. At doon ko nalaman na malaki ang pasasalamat ni Mom kay Dad. Pero matagal naka relasyon ni Dad ang Babaeng iniwan nya para kay mom yun ang sabi ng ilan sa aking relatives. Nasan na kaya yung babae na yon? Nasa ganong moment ako ng tapikin ako ni tita Alia. "Hijo, malayo ata ang iniisip mo? May problema ba? Tanong nito sa akin. "Ahmm..wala naman po Tita, iniisip ko lang po na pauwi na si Dad, mabuti na lamang din iyon, para dito na po sya. Pag uwi nya po, ipakikilala ko po sya sa inyo." Saad ko pa, ngumiti si Tita saka tumingin sa malayo. Ilang minuto lamang ay nag paalam na rin ako. Hinatid naman ako ni Xelyn sa labas saka ito ng ba bye sa akin. "Ingat po Mayor" "Salamat, See you tomorrow" saad ko rito. Ngunit bago iyon ay dumaan muna ako sa Flower shop. Umorder ako ng Isang bouquet ng Flowers at sinabi kong i deliver ito bukas ng umaga sa Munisipyo. At sumang ayon naman ang staff. Saka ako umuwi, Para iyon kay Xelyn, para di na sya tatangap ng bulaklak sa kung sino. Samantala XELYN Kinabukasan ay maaga akong nag asikaso sakto naman at paalis na ulit ang jeep kaya maaga akong nakarating. Nakita ko agad si Mang Perting ang isa sa mabait na Guard aa Munisipyo. "Good Morning po Mang Perting," bati ko rito saka ko ito binigyan ng kakanin na gawa ni Tita. "Magandang Umaga rin po Mam Xelyn" "Naku mang Perting Xelyn nalang po, pareho lang naman po tayong empleyado dito hehe, nga po pala heto po ang kakanin, Gawa po ni Tita." "Naku Mam Xelyn, Salamat ah, palagi mo akong binibigyan." "Wala po iyon, hehe.. Syempre po dinadamay ko kayo sa bibigyan. "Naku, salamat Mam Xelyn," "Hehe Xelyn nalang po." "Ay sya Naku na Bata ka, Oh sige kung Ayaw mo magpatawag ng Mam eh di Ineng na laang ang itatawag ko sa iyo hane?" "Hehe, Ok po Mang perting, kayo po ang bahala." Nakangiting wika ko rito saka ako nagpaalam at sumenyas na papasok. Sa ilang buwan ko na rin kasi rito ay medyo ka close ko na rin sila, Isa si Mang Perting sa Mababait na Empleyado dito ni Mayor, Matagal na raw itong guard dito at subok na ang katapatan nito, Nakapag patapos na raw ito ng Guro, at Midwife, Pinahihinto na raw ito ng mga Anak pero Mas pinili daw nito na mag trabaho pa at mag silbi dito sa munisipyo dahil para sa kanya, habang nabubuhay sya at kailangan ni Mayor Mavee ng serbisyo nya ay handa nyang paglingkuran ito. Ganyan kamahal si Mayor Mavee ng mga tao rito. At saksi rin ako kung paano sya i respeto ng mga taga Sta.Veronica. Si Mayor Mavee kasi yung taong parang madaling lapitan. Kahit minsan sa Palengke bigla itong magyayakag at Mag su surprise visit para kumustahin ang mga Tindero at Tindera. Dahil Maaga pa ako nakarating, pag pasok ko ay binuksan ko ang ilaw akala ko ay ako na ang nauna dahil tahimik. Ibinaba ko ang aking Bag ngunit nagulat ako ng Makita ko na may Bouquet ng pulang rosas sa ibabaw ng aking lamesa. Maging ang Bulaklak sa Flower vase na Galing kay Cong.Exodus kahapon ay napalitan na rin. Tumingin ako sa paligid ngunit wala namang tao. Medyo yumuko pa ako at saka ito hinawakan at inamoy. "Hmm..Ang bango at Ang Ganda mo naman, Bagong pitas kapa yata, Bakit andito ka sa Vase ko? Sino ang naglagay sayo rito Binibining Bulaklak?" Tanong ko sa Pulang rosas kahit alam ko naman na Hindi ito Sasagot. Bigla akong Yumuko kaya medyo nakatuwad ang pwesto ko sa may lamesa, Saktong pagtuwad ko ay ang paglapit naman ni Mayor Mavee Mula sa likod ko. "f**k Xelyn, What are you Doing? Umayos ka nga ng pwesto, Matatasahan ka ng wala sa Oras." Biglang litaw ni Mayor sa bandang likuran ko. Ramdam ko ang matigas na bagay sa bandang iyon Kaya halos mapa Igtad ako, lalo na ng magsalita Sya. Paglingon ko ay Salubong Na kilay Ni Mayor Mavee ang nakita ko, Sa Sobrang hiya ay napakagat ako sa labi saka napayuko. "Xelca Lynzie, Stop biting your Lips.!" Utos nito sa akin, Kaya agad kong tinigil iyon. Muli akong tumingin sa kanya. Hindi ko sya matingnan ng diretso kaya sa bulaklak ko na lamang tinuon ang aking tingin. "Next time, Umayos ka ng pwesto, Hwag kang basta basta Tutuwad. Pano kung ibang tao? "Sorry po Mayor, Akala ko po kasi ako palang po yung Tao, Di ko naman po akalain na bigla kayong lilotaw sa likod ko." Saad ko saka muling tumingin sa ibaba dahil di ko kayang salubungin ang tingin nya. "Okay Okay Fine! Next time maging Observant ka naman, Ang hirap mong Surpresahin, Ako yung na su surpresa sa mga ginagawa mo." Saad ni Mayor saka biglang pinunasan ang leeg nyang pinag papawisan. "Anyway, Pinalitan ko na pala yung Bulaklak dyan sa Vase mo, Lanta na Kasi." "Salamat po Mayor, Pero, Eto pong nasa table ko? Akin din po ba ito?" Tanong ko sa kanya. "Natural, Ayaw mo ba? Bakit pag galing sakin Ayaw mo yata? Pero pag kay Congressman, tinatangap mo." "Shhh..Ok na Mayor, Tatangapin ko po Okay Na?" Saad ko sa kanya dahil mukang marami na naman syang sasabihin kapag di ko aawatin. "Okay, Good..hmm..nga pala, Paki nung KAPE ko, Salamat" "Okay Mayor, Ihahatid ko nalang po sa table mo." Nakangiting wika ko rito Tumango naman ito saka nagtungo sa table nya. Agad ko namang inasikaso ang kanyang Kape, Inilagay ko rin sa plato ang dala kong kakanin saka ko ito dinala sa kanya. "Breakfast nyo po Mayor, pinabibigay po pala ni Tita Alia, bilin nya sa akin na ihain ko raw sayo." "Hmmm..Mukang masarap ah, pasabi kay Tita Alia Salamat, Napaka swerte mo kay Tita Alia, Kahit wala ka ng mga magulang eh nariyan sya para sayo." "Opo Mayor, Kaya nga po Gusto kong Makapag tapos, Magkaron ng magandang trabaho, ng sa ganon makabawi ako kay Tita, Buong buhay nya ako na yung priority nya, ni hindi nya na naranasan na bumuo ng sarili nyang pamilya dahil sa akin. Kaya Palagi kong dasal kay Lord na sana humaba pa ang buhay ni Tita, Gusto ko pang bumawi sa kanya." Saad ko pa kay Mayor. "Hmm.. Don't worry, matutupad dinnang pangarap mo, Mag aaral ka na sa susunod na buwan kaya pagbutihin mo." "Yes Mayor, Pahahalagahan ko ang mga sinakripisyo ng mga Taong nag tiwala sa akin." "Good, Yan ganyan...Hwag ka panghihinaan ng loob,"saad naman ni Mayor Sa akin. Nang Buong maghapong iyon ay napakaganda ng araw ko, Smooth ang trabaho, Si Mayor ay ganon din, Kalmado, madali kausap, Nakakain lang ng Kakanin ang bait na, Haha dapat pala Pakakainin ko to lagi mg kakanin para Good Mood. Bandang Alas Tres ay namulagas Si Mayor, Agad nya akong inaya na samahan sya dahil may pupuntahan daw kami. Ipinagpaalam nya rin ako kay Ate Leah. Hindi ko alam kung saan nya ako Dadalhin, pero ng nasa Sasakyan na ay naglakas loob akong tanungin sya. "Ahm..Mayor San po pala Tayo pupunta?" Tanong ko rito "Sa Bahay namin, Nag text si Mang Ipe, Dumating daw si Daddy, hindi naman kasi nagpasabi na ngayon pala sya uuwi eh wala si Manang Ising. Pasensya kana Xelyn at ikaw ang nabitbit ko." "Ah..Ganon po ba? Walang kaso Mayor, Iniisip mo po ba eh yung Mag aasikaso po ba?" "Hmm..Sana Xelyn, Atleast ikaw kilala ko na, Maari mo naman akong Tulungan diba? "Opo naman Mayor, Wala pong problema, pwede ko rin po ipagluto ang Daddy nyo" saad ko rito Nakarating kami sa Gate na kulay itim pinagbuksan kami ng Guard saka kami pumasok sa napakalawak na bakuran. Napakalaki at napakaganda ng loob niyon naroon din ang malaking bahay ni Mayor, Ngunit sa lakinmg bahay na iyon ay tila malungkot din tingnan. "Pag pasok namin ay sinalubong kami Ng isa sa mga katiwala nila Mayor. "Magandang hapon po Mayor" "Magandang Hapon po Mang Kulas, nasan ho ang Daddy?" "Nasa likod bahay po Si Doniguel Mayor, Nag didilig po ng mga Halaman." Saad ni Mang kulas kay Mayor. Inakay naman ako ni Mayor At dinala ako sa loob ng bahay nila. Napakalaki ng bahay nila. Naroon angga Larawan ng buong Pamilya nila at ang kanyang larawan. Napakalaki ng bahay ngunit tila sya lamang naman ang tao. "Xelyn, dito ka muna pupuntahan ko lamang ang Daddy." "Sige po Mayor,Nakangiting wika ko rito" Nakaupo ako habang napapatingin sa paligid hangang sa marinig ko ang yabag at pag uusap nila papalapit. "Kumusta Dad, Bakit po di kayo nagpasabi? Hindi po tuloy kayo nasundo." "Ano kaba Anak, ok lang yon at alam kong busy ka sa munisipyo kaya di ko na sinabi sayo na ngayon ang uwi ko, hehe" "Kaso wala po si Manang Ising, Pero wag ka mag alala Dad Sinama ko naman si Xelyn isa sa mga Empleyado ko." "Xelyn? Empleyado? Akala ko pa naman may ipakikilala ka ng Nobya anak, Aba mag asawa ka na, naiwanan kana talaga ng kapatid mo hehe." "Haha, Darating din po tayo doon Dad " saad ni Mayor. Ahm...Xelyn Si Daddy nga Pala, Daddy Si Xelyn po" pag papakilala ni Mayor sa akin. Nakangiti akong lumingon Saka Yumukod at Bumati sa Ama ni Mayor. "Magandang Hapon po Don Miguel." Bati ko rito, Nakangiti ito ngunit tila napawi rin ang kanyang ngiti ng Makita ako. "Magandang Hapon Din Hija...." Saad nya saka natulala at tila nawala ang ngiti. "Ahm..Don Miguel? Ok lang po kayo? Tanong ko dahil tila napatitig ito ng matagal sa akin. "Naku,..Pa..Pasensya na Hija, Hindi naman nasabi sakin ni Mavee na Isang napakagandang bata pala ang kasama nya." Saad pa nito saka muling ibinalik ang ngiti. "Ako po Si Xelyn, P.A po ako ni Mayor." "Ganon ba Hija, Nice to meet you, Alam mo hija, meron kang kamukha, Pasensya na ah medyo nagulat ako kaya ganon ang reaksyon ko." "Wala po iyon Don Miguel, nauunawaan ko po." Medyo matagal parin kami nag usap tatlo pero pansin ko ang panay tingin sa akin ni Don Miguel. At minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sa malayo na tila ba may parang Inaalala at iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD