XELYN
Habang nag uusap ang Mag Ama ay ako na muna ang bahala sa Kusina. Mukang mabait din ang Daddy ni Mayor Mavee. Tinanong ko sila kung anong gusto nila. Ang sabi ni Don Miguel ay Tinolang Manok daw ang kanyang nais, kaya heto at agad kong niluto ang request nila.
Madali lang naman lutuin ang tinola, Mabuti na lamang at Kabisado ko ito dahil tinuruan ako ni Tita. Ako na rin ang naghain ng pagkain nila.
"Don Miguel, Mayor Mavee, ready na po ang Dinner nyo." Nakangiting wika ko sa kanila.
"Salamat Anak, Mukang masarap ang niluto mo ah" saad ni Don Miguel.
"Naku, sakto lang po, Tikman nyo po muna then kayo po humusga kung saan kulang." Saad ko rito.
Kumuha si Don Miguel ng sabaw sa tasa saka ito hinigop at Timikman."
"Naku Anak, Masarap ang Tinola mo, Gantong tinola ang Hinahanap ko."
Saad ni Don Miguel Saka biglang natahimik.
"Don Miguel, Bakit po? Sobrang anghang po ba?"
"Hindi Anak, May naalala lamang ako, Halika na sabayan mo na kami ni Mavee. Im sure hindi ka lamang basta Empleyado ni Mavee, Sigurado akong kaibigan ka rin nya kaya isa ka sa isinama nya rito sa bahay."
Nangiti na lamang ako pati Si Mayor. Sumabay na rin ako sa kanila.
Panay ang Tawag nya sa akin mg Anak, Ang sarap pala sa pakiramdam na tinatawag kang anak. Ma swerte si Mayor Mavee dahil meron pa syang tatay. Hindi katulad ko na simula pagka bata ay wala ng kinagisnan. Sobrang close din nilang mag ama, Nakakatuwa sila magkulitan.
Hangang sa napahinto na lamang ako at doon ay parang unti unting nababasa ang gilid ng aking mata.
"Hija anak, Ayos ka lang ba? Natahimik ka?"
"Xelyn, Bakit? May masakit ba sayo?
"Hmm..Ah eh.. Wala po,masaya lang po ako para sa inyong mag ama.
"Ikaw Hija? Nasaan ang ama mo?" Taning ni Don Miguel, Napatingin naman ako kay Mayor Mavee saka ulit bumaling ng Tingin kay Don Miguel."
"Wala po eh, Hindi ko po alam kung nasaan ang Tatay ko Don Miguel." Saad ko saka di na napigilan na maluha.
Nagulat ako ng lumapit sa akin si Mayor saka kinabig ang aking ulo saka Dinantay sa kanyang balikat.
"Shhh...Tama na..Hwag kana umiyak, Pag namaga ang mata mo baka tanungin pa ni Tita bakit umiyak ka." Sa sinabing iyon ni Mayor ay tama sya, baka mag alala pa si Tita, kaya pinunasan ko ang aking mata.
Maya maya ay lumapit si Don Miguel sa akin.
"Xelyn Hija, Pwede mo akong ituring na Tatay mo, Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sayo anak, Kaya wag kana umiyak ah, Pwede mo ako maging Tatay tatayan."
"Naku, Nakakahiya naman po, "
"Ano kaba Ok lang yon, Iisipin kong isa ka sa mga Anak ko." Saad pa ni Don Miguel.
Ngumiti na lamang ako ng bahagya.
Dahil pagabi na ay nagpaalam na si Mayor Sa Daddy nya na ihahatid ako.
Ngunit imbes na magpa iwan ay Gusto pang sumama ni Don Miguel, kaya walang nagawa si Mayor.
Habang nasa Daan ay Panay kwento parin ito.
"Naku Hija, Medyo liblib pala dito sa lugar ninyo, Mag iingat ka kapag Uuwi ha, Delikado ang panahon ngayon., Saka Mavee anak, kapag gabi na masyado wag mo na pag commutin itong si Xelyn, ipahatid mo nalang sa isa sa mga driver natin."
"Ganon po Talaga Dad, Kapag late na po ay ako po mismo ang naghahatid kay Xelyn." Saad naman ni Mayor.
"Good, mahiral na kawawa naman kung gabi na at gantong liblib ang uuwian." Anya pa ng Don.
Nakarating kami sa Bahay. Nauna akong Bumaba pati si Mayor Mavee.
"Don Miguel, Dito po ako nakatira, Welcome po sa bahay namin." Nakangiting wika ko. Sa mga oras na iyon himala at di kami namalayan ni Tita.
Nauna nang pumasok si Mayor at nakita namin si Tita, Naghahain pala ito.
"Good Eve po tita Alia."
"Magandang gabi Hijo,
Dahil nakatalikod ay hindi pa kami nakikita ni Tita
"Tuloy po Kayo Don."
"Salamat Anak,"
"Magandang Gab..."
"Bakit ngayon lang kay.."
Halos mga hindi na nila natuloy ang sasabihin dahil magkakasabay sila. Ngunit mas hindi namin inaasahan ang kasunod.
"Mi.. Miguel?"
"Rosalia?"
Palitan nila ng Salita.
Magkatabi kami ni Mayor, habang si Tita At Don naman ay nakatingin sa Isa't isa, Pawang walang pukaw ang titigan nila. Kita ko ang luha na unti unting nabubuo sa mata ni Tita Alia, Sa mata naman ni Don Miguel ay meron ding luha na may Kaakibat na pag asa.
Nananatili kaming tahimik ni Mayor Mavee, wala ni isa sa amin ang nagtangkang magtanong, pero base sa aming nasaksihan ay matagal na sila magkakilala.
Hanggang sa sila na mismo ang nagsalita.
"Ahm..Mga Anak magkakilala kami ni Rosalia, dati kaming.."
"Magkaibigan, Kaibigan ko si Miguel noon." Putol naman ni Tita Alia sa sinasabi ni Don Miguel. Napayuko naman si Don Miguel saka tumingin sa akin, kita ko ang lungkot sa kanyang mata.
"Nak, Ang liit ng mundo kaibigan ko pa ang tita mo." Saad nito na bahagyang nakangiti ngunit ramdam mo na may lungkot.
"Ahm..opo nga eh, magkakilala po pala kayo."
"Oo Hija, Ahm..Kumusta ka na Alia?"
Baling na tanong naman ni Don Miguel kay Tita.
"Ayos lamang ako Miguel, Ikaw? Kumusta ka na? Akala ko noong una ay isa lamang sa mga kamag anak mo Si Mavee.
"Ah, Naalala mo pa rin pala amg apilyido ko.?"
"Abay Oo naman bakit hindi." Saad ni Tita
"Ahm.. Sya nga pala Rosalia, Si Mavee ang panganay namin ni Marigold, meron pa kaming isang anak ang aming Bunso naman si Mary Lite." Wika ni Don Miguel.
Tumango naman si Tita Habang nag kwe kwento si Don Miguel.
"Ahm.. Ikaw Rosalia? Kumusta ka na? Meron kana rin bang asawa at Anak? Tanong ni Don Kay Tita.
"Ahm..Sinubukan ko naman noon, pero hindi siguro kami para sa isa't isa. Hindi ko pwedeng ipagpalit at iwan ang pamangkin ko para lamang sa sarili kong kaligayahan." Saad ni Tita.
Bago pa Kami mangalay lahat sa tayo, ay inaya na rin muna kami ni Tita na maupo. Kaya kahit kumain na kami ay Narito parin kami sa Mesa at tinitikman ang Minatamis na Bukayo na gawa ni Tita.
"Tahimik lamang kami, Nagkakatinginan kami ni Mayor, saka kami napapatingin kay Tita At Kay Don, ramdam namin na may Unfinish Business ang dalawa. Sinenyasan ako ni Mayor na lumabas muna kami kaya, Ako na ang gumawa ng paraan.
"Ahm..Tita Alia, Don Miguel, Maiwan po muna namin kayo. Naipangako ko po kasi Kay Mayor na ipapakita ko sa kanya yung mga alaga pong itik sa likod."
Pag dadahilan ko.
Umoo naman ang dalwa. Kaya Magkasunod kaming humakbang ni Mayor palabas ng Bahay.
Habang nasa labas ay Nag uusap din kami ni Mayor.
"Mayor, Palagay mo my Something Si Tita Saka si Don Miguel?
"Hmm..Oo sa palagay ko, Feel ko Si Tita Alia ang The One Great love ni Daddy, Hindi naman yon lingid sa kaalaman ko." Saad ni Mayor Mavee.
"Hmm..Ok lang sayo kahit hindi ang Mama mo?"
"Xelyn, Bata kapa, hindi mo pa siguro mauunawaan. Asawa ni Daddy ang Mommy ko, Pero alam ko na si Tita Alia ang mahal na mahal ni Dad, Natutunan nalang din ni Dad na mahalin si Mommy, pero si Tita alia ang original na mahal ni Dad, kung si Tita Alia man yung sinasabi ni Mommy noon na bago sya ay may kasintahan talaga si Daddy.
"Pero bakit kaya sila nagkahiwalay ano?
Tanong ko rito. Pumunta kami sa Likod, Dahil may pinto roon ay Doon kami pumwesto ni Mayor.
Pasimple naming pinakikingan ang usapan.
"Rosalia, Hindi ka pa rin nagbabago, ikaw parin ang Rosalia na nakilala at inibig ko noon."
"Miguel, Marami na ang nagbago, may edad na tayo, Saka Congrats pala dahil napakahusay at napaka buting tao ng Anak mo, Masaya ako na kahit Di tayo ang nagkatuluyan ay Maayos at Mahusay nyong Napalaki ni Marigold ang anak ninyo.
"Salamat Rosalia, Oo nagpapasalamat ako na Kahit Na halos kalahatinng buhay ni Mavee ay sa Amerika lumaki, nakakatuwa na di nya parin kinalilimutan ang pilipinas, At Naglingkod pa sya.
Sya pa rin ang inihalal ng mga tao.
Sya nga pala, Si Xelyn, Kaninong anak sya?
Taning ni Dij kay Tita.
"Anak sya ni ate Rosenda, Ako na ang nagpalaki sa kanya. Masaya ako dahil nabigyan sya ni Mavee ng trabaho sa munisipyo, Gusto kasing mag aral nong bata, Salamat kay Mavee dahil may scholarship ang pamangkin ko at Working student sya.
"Ganon ba? Hwag ka mag alala kahit ako na ang sumagot ng Tuition ni Xelyn, tutulungan kita."
"Hindi Na Miguel, wala kang obligasyon, May scholarship naman si Xelyn mula sa munisipyo ng Sta. Veronica kaya ayos na iyon.
"Gusto ko lang makatulong, magaan ang loob ko sa bata. Kaya pala naman ng makita ko sya ikaw ang agad kong naisip. Mag tita pala kayo.
"Kahit kay Mavee naman, Magaan din ang loob ko." Anya ni Tita.
"Rosalia, Masaya ako na makita kang muli, Sana hindi ito ang unat huli natin."
"Pero Miguel, hindi ito Tama, Nakakahiya kina Mavee."
"Rosalia, Wala naman tayong ginagawang masama, Wala tayong nilalabag.
Kaya sana ay wag mo akong pigilan na mapalapit ulit sayo. Patawad kung hindi kita naipaglaban noon. Patawad dahl naging sunud sunuran ako." Saad ni Don.
"Wala na iyon Miguel, Matatanda na tayo. Mas mainam na kalimutan natin yon at mamuhay tayo ng masaya at maluwag sa ating puso." Saad ni Tita saka sya niyakap ni Don.
Ngunit saglit lamang iyon dahil kumalas sagad si Tita.
Naglakad lakad kami ni Mayor sa Kaparangan, maliwanag naman noon ang buwan. Tahimik kami pareho hangang sya mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Xelyn, Ok ka lang? Bakit natahimik ka?
Tanong nya sa akin.
"Hmm..Wala naman Mayor, Naisip ko lang sitwasyon ni Tita, Kahit may pagkakataon syang Mag mahal at Mahalin kahit di si Don Miguel pero mas pinili nyang mag Stay sa tabi ko.
"Dahil Mahal ka nya, Kaya napaka swerte mo kay Tita Alia Xelyn.
Ilang minuto lamang ay bimalik na kami sa bahay, naabutan namin sa Sala si Din at Tita.
"Xelyn, Pasok na rito sa loob gabi na." Saad ni Tita, agad naman ako sumuno at nagpaalam ako kay Mayor at Don.
"Mayor, Don Miguel, thank you po ulit sa paghatid."
"Welcome Xelyn, thank you din "
"Ahm..Hija, Rosalia, Mauuna na kami, Salamat pala."
"Walang, Ano man Miguel, Sige na mag iingat kayo sa byahe." Saad pa ni Tita Alia
Nang makaalis ay napansin ko ang pananahimik ni Tita Habang nag tutupi ng damit, pansin ko na naluluha sya. Lumapit ako sa kanya saka sya niyakap.
"Tita, Bakit po? Ayaw mo po ba makita si Don Miguel?
"Hindi naman sa ganon Hija, Di ko lang inaasahan na magkikita ulit kami. Halos tatlong Dekada na rin ang nakalipas. Mahal namin ang Isa't isa, pero dumating sa punto na kailangan nyang mamili, Gusto nya akong piliin,pero wala syang nagawa dahil maraming maaapektuhan, Mabuting tao si Miguel, hindi ko rin kaya ang possible nyang sapitin kung ako ang pinili nya. Kaya simula noong nagpaalam kami sa isa't isa. Iyon na amg huli.
Hindi nya nga lang alam na,..Na muntik na kami magka anak, kaso nasa Ika anim na buwan ng mawala sa sinapupunan ko ang sanggol, Mahina ang kapit, kaya nawala agad sa akin. Iyon sana ang anak namin Ni Miguel. Kaya noong nakita ko si
Mavee bigla ko iyon naalala. Halos kasing Tandain nya sana iyon.Wala akong pinag kwentuhan Xelyn, sinolo ko ang sakit, walang gabi na di ako umiiyak kakaisip sa anak namin ni Miguel, Ni Hindi ko man lang sya naalagaan at nasilayan ng matagal.
Kahit yung anak lang sana namin, kahit yung bunga lang sana ng Pagmamahalan namim yung matira sa akin, pero wala.. kinuha rin sa akin, Kaya nang dumating ka sa buhay ni Ate, Ako na ang nag alaga sayo. Sabi ko iparardam ko sayo yung dapat ipararanas mo sa Kuya Ross mo, Ross Michael sana ang pangalan nya."
"Ross Michael? Kaya po pala yung ibang Bimpo ko dati tita May mga Burda na RM?
"Oo dahil habang ipinagbubuntis ko si Ross binuburdahan ko yung mga lampin nya, yung mga gamit na sana ay gagamitin nya."
Sa kwento na iyon ni Tita pati ako ay naiyak. Hindi ko alam na ganon pala kabigat ang sinapit ni Tita, Nakunan sya sa anak nila ni Don Miguel na sana ay Kapatid sa Ama ni Mayor Mavee.
Niyakap ko si Tita, sinigurado ko sa kanya na hindi ko sya iiwan, kahit anong mangyari.
"Tita, wag na po kayo malungkot, Alam ko po na kung nabubuhay si Kuya Ross ay mamahalin nya kayo ng husto dahil Napakabuti nyon ina, Mabuti kayong Tita sa akin, Inari nyo akong inyo, Kaya pangako Tita, habang nabubuhay ako, hindi po kita iiwan tulad ng hindi mo pag iwan sa akin kahit may Choice ka naman na iwan ako. Mahal na Mahal Kita Tita Alia." Untag ko sabay yakap sa kanya. Ibinaba nya naman ang tinutupi nyang damit saka nya ako niyakap.
Nah iyakan kaming Mag Tita, peroag laon ay mas pinili nalang namim na tumawa at maging masaya.
Samantala
MAVEE
Habang nasa Byahe kami pauwi ay ikinuwento sa akin ni Daddy ang Stoylry nila ni Tita Alia. Doon ko nalaman na pinaghiwalay sila Nila Lola Rafa at Lolo Segundo Ang mga magulang ni Daddy, na akin namang lolo at Lola.
Kahit narito ako ay bihira ako dumalaw sa kanila. Mas close ako sa Side nila Mommy, Kahit kasi may kaya sa buhay ay tahimik lamang ang mga ito. Malayong malayo sa Side ng mga Saldivar, na wala na atang ginawa kundi magpataasan ng IHI, kaya minsan nagdadalawa g isip ako dumalo kapag may gatherings dahil puro payabangan, at Pataasan ng Achievement sa buhay ang maririnig.
Dahil mabait at Mabuting tao naman ang Mommy ko at ang pamilya nito kahit arrange marriage ang ginawa sa mga magulang ko ay natutunan namang mahalin ni Daddy ang Mommy, Kaya nabuo ako sa mundo at nasundan pa ng isang kapatid na Babae.
Pero Grabe ang ginawa kay Daddy, talagang Ginipit sya ng husto, Hindi nya nagawang piliin si Tita Alia dahil si Tita Alia na rin mismo ang nagsabi kay daddy na iwan na lang sya kesa mag sama sila ngunit mag sa suffer ng husto si Daddy or mas worse pati sya.
Kinabukasan ay maaga akong Gumising, inaya muna ako ng daddy na mag Jogging sa farm namin, kahit na kasi nasa 50's na si Dad ay matikas parin ito. Para lang daw kaming magkapatid sabi ng mga nakakakita sa amin. Matapos iyon ay Gumayak na rin ako papasok.
Ngunit nagulat ako ng maabutan ko si Xelyn, Himala mas nauna sya sa akin ngayon. Hindi nya pa ako nakikita. Malaya ko syang pinag mamasdan napaka cute nyang tingnan sa suot nya, kahit sa malayo ay napaka sarap pag masdan ng kanyang inosenteng mukha, ang kutis nya na marahil ay minana nya sa kanyang ama, Ang collar bone nya na isa sa kahinaan ko sa kanya. Ang labi nya na tila natural ang pagka pula kahit na di gamitan ng Liptint.
Nakatuon ang pag titig ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nahuli nya na pala ako.
"Magandang Umaga Mayor Mavee, Nauna po pala ako sa inyo ngayon." Nakangiting wika nito sa akin.
"Ahm..Magandang umaga rin naman Xelyn." Bati ko saka ako dumiretso sa aking table.
Rinig ko ang yabag nya patungo sa Pantry, malamang dahil alam nya na ang ginagawa nya every morning, ang ipagtimpla ako ng Kape.
"Heto po ang Kape mo Mayor tamang tama nakailang sulak na yan, Sya nga pala pabaon ni Tita Alia para sayo.
Nabanggit mo raw sa kanya last time na na mi miss mo kumain ng sapin sapin kaya eto pinabaunan ka nya " nakangiting wika nito sa akin habang ipinaglalagay ako ng sapin sapin sa pingan.
"Pasabi kay Tita Salamat"
"Copy Mayor, Makakarating po." Tugon nito saka bumalik sa pwesto nya.
Kinuha ko ang paper bag na pinadala ni Dad kanina, Para daw ito kay Xelyn at kay Tita Alia, Mga Pabango, lotion, Soap at mga Chocolate ito para daw sa mag tita. May letter pa na sinama si Daddy sa paper bag na para kay Tita Alia. Pero syempre di ko na yon binasa.
"Ahm..Xelyn, Pinabibigay pala ni Dad, para sa inyo ni Tita Alia." Saad ko saka inabot ito.
"Naku, salamat po Mayor. Sasabihin ko nalang kay Tita.
"Sige, balik nako sa pwesto ko." Untag ko naman. Hindi ko alam ngunit mas ginanahan ako lalo mag trabaho. Palihim ko sya g sinusulyapan at napapangiti na lamang ako. Napatingin ako sa larawan ni Evren sa aming lamesa at hinawakan ko iyon.
"Vren, Sabi mo diba Na makakahanap at may darating na babae na para sa akin, hmm...mukang eto na yon, Mukang eto na yong babaeng magiging Ninang ni Graeson." Wika ko sa aking isip habang nakatingin at nakangiti sa larawan ni Evren.