XELYN
Ang mga sumunod na araw ay hindi ko inaasahan. Akala ko noong una lamang ako makakatanggap ng pumpon ng bulaklak ngunit tila naging araw araw iyon. Walang palya iyon simula ng araw na una akong bigyan ni Mayor. Natutuwa naman ako dahil napakabango ng sariwang bulaklak na dala ni Mayor.
May mga Araw din na sumasama Si Don Miguel kapag hinahatid ako ni Mayor sa Bahay, at Ang ending tatambay pa muna silang mag ama at makikipag kwentuhan. Pero kapag naroon ay napaka casual ni Tita. Palaging kami ang magkatabi sa upuan. Hindi ko alam kung nahihiya lamang ba sya sa akin o ano. Kapag naroroon si Don Miguel ay naaalala ko ang Kwento ni Tita Tungkol sa sanay anak nila ni Don Miguel na si Kuya Ross Michael. Kung buhay kaya ito, Magkamukha kaya sila ni Mayor Mavee? Hawig din kasi ni Mayor Mavee si Don Miguel, Kung kay Don Miguel siguro nagmana si kuya Ross ay baka hawig din. Kung nabuhay siguro si Kuya Ross ay baka mas masaya si Tita Alia, kahit hindi sila ang nagkatuluyan ni Don Miguel. Labis parin akong nalulungkot sa sinapit ng Pag iibigan nilang dalawa. Kapwa sila biktima ng mga taong makasarili na hindi man lang inisip ang kanilang mararamdaman. Kaya sa mga panahong pinagdaanan ni Tita, Hindi lamang sya nangungulila sa Pag ibig na ninakaw sa kanya ng panahon kundi Pangungulila rin sa Anak na sana ay mag bibigay sa kanya ng saya at liwanag sa madilim nyang buhay.
Nag excuse muna ako sa kanila saka ako lumabas. Nasa labas ako sa may Terrace habang nakatingin sa malayo. Maliwanag naman ang buwan ng gabing iyon.
Parang nakakatakot naman mag mahal, May kaakibat na sakit. Base sa Story ni Mama na naanakan lang ng Tatay ko, Ako na lumaki na hindi kilala ang tunay na ama, wala akong pinanghahawakan maliban sa pangalan at lumang larawan. Si Tita Naman nakatagpo na sana ng tamang tao na Mahal nya at Mahal sya, pero pinaghiwalay naman sila.
Ano naman kaya sa akin? Kapag ganito parang nakakatakot na Umibig." Saad ko sa aking isip. Doon ko napansin na naluha na pala ako, Agad kong pinunasan ang aking mata saka muling tumingin sa malayo.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo nyan." Saad nya ni Mayor na nasa likod ko pala
"Hmm..hindi naman Mayor, May naaalala lang po."
"Hmm..Kaya umiiyak ka ng patago?" Saad nya kaya napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin ay kanina nya pa pala ako pinagmamasdan?
"Hmm..Hindi naman Mayor."
"Liar! Ano nga ang iniisip mo? Hindi ka lalabas dito at mag e Emote ng ganyan kung wala." Saad nya saka lumapit at tumabi sa akin. Napa buntong hininga na lamang ako.
"Wala naman po talaga Mayor, Iniisip ko lang yung pinagdaanan ni Tita At Ni Don Miguel, Nang Nanay ko at Nang Tatay ko, Parang puro Failed relationship. Para po bang nakakatakot na umibig."
"Xelyn, Magkakaiba naman ang buhay ng Tao, Iba ang Story ng Buhay ng Magulang mo, Iba ang kay Dad at Kay Tita Alia, at Marahil iba rin ang sayo."
"Magkaiba nga yung sitwasyon pero parehong bigo sa pag ibig ,. Ayoko maranasan yon Mayor, Ayoko nalang po mag mahal kung masasaktan din lang ako." Saad ko pa.
"Nasasabi mo lang ngayon yan, pero kapag tumibok ang puso mo alam kong magmamahal ka rin." Normal sa tao ang mag mahal."
"Kahit nasasaktan na?"
"Kung Mahal mo bakit hindi? Hangat kaya mo ilaban bakit Mo Susukuan? Hangat may natitirang Porsyento subukan mong ipanalo." Sagot ni Mayor sa mga tanong ko.
"Kagaya ng gunagawa ni Don Miguel ngayon kay Tita?" Tanong ko rito
Napayuko si Mayor Mavee saka tumango at tumingin sa akin.
"Xelyn, Pasensya na, pero alam mo naman diba kung gaano kamahal ni Dad si Tita Alia. Sa pag kakataong ito hindi ko pipigilan si Dad, May karapatan syang Sumaya. Alam kong alam mo na minahal din ni Tita Alia si Daddy gusto ko kung meron pang oras para sa kanilang dalawa ay maibalik nila. Wala na Ang mommy ko, Naging mabuting asawa kay mommy at ama sa amin si Daddy, Kaya walang dahilan para hadlangan ko ang kasiyahan nya kung gusto nyang ma win uli si Tita Alia." Saad nito
"Mayor Mavee, Sobrang mahal ko rin si Tita Alia, Buong buhay nya inilaan nya sa akin. Kaya kung magiging masaya sya sa Piling ni Don Miguel, hindi rin ako tututol, sapat na ang pagkabigo at sakit na pinag daanan nya nang mawala ang kanyang mga MINAMAHAL."
Wika ko, Napatingin naman sa akin si Mayor.
"Mga? What do you mean Xelyn"
tanong ni Mayor. Wala na rin akong nagawa kundi ikwento rito ang kwento ni Tita ang tungkol kay Kuya Ross.
Kita ko ang pagkabigla sa Mukha ni Mayor dahil sa nalaman, natutop nya rin ang kanyang dila at natahimik.
"I'm sorry sa nalaman ko about kay Tita, ibig sabihin, meron pala sana akong Step brother"
"Oo Mayor Mavee, Kaya grabe ang Sakit non kay Tita, na yung sanggol na bunga ng pagmamahalan nila ni Don Miguel eh nawala pa sa kanya.
Pansin kong namula rin ang mata ni Mayor Mavee saka bumaling ng tingin sa akin.
"Kaya siguro ganon na lang si Tita Alia mag asikaso sa akin, siguro dahil naaalala niya ang Kapatid ko sana, kung nabuhay ito."
"Siguro nga Mayor Mavee, Hindi ko rin alam na may ganon palang story, medyo na curious nga ako, Siguro kung buhay si Kuya Ross baka magkahawig siguro kayo."
"Siguro, kung mana din sa Daddy malamang magka hawig siguro kami." Saad ni Mayor Mavee.
Matapos namin mag kwentuhan ay bumalik na rin kami sa loob.
At doon ay naabutan naming magkayakap si Don Miguel at Si Tita Alia na umiiyak.
"I'm sorry Rosalia, wala akong alam, Hindi ko man lang kayo na panindigan ng anak natin."
"Wala kang kasalanan Miguel, pareho lang tayong Biktima, Alam kong Di na maibabalik ang buhay ni Ross, pero palagi syang narito sa puso at isip ko." Saad ni Tita saka muling niyakap ni Don Miguel. Pati kami ni Mayor ay naluha na rin dahil sa sitwasyon na sinapit nila.
Dahil pareho naman na silang malaya, sana ay buksan ulit ni Tita ang Puso nya, Sana ay magkaroon ng second chance para sa kanilang dalawa.
3RD PERSON POV
Walang araw na pinalalampas ang Don para dalawin si Rosalia. Kahit Solo ay lumalarga talaga ito makita at masilayan lang ang dating Iniibig. Kapag minsan nga na ihahatid ni Mavee si Xelyn ay nagugulat na lamang ang mga ito na madadatnan nila ang Kanyang Daddy at Ang kanyang Tita Rosalia na nagtatawanan at Magkatulong sa oag gawa ng paninda nitong Mga home made food.
"Dad, Narito po pala kayo?"
"Oo anak, Kanina pang tanghali, wala naman kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisip kong dalawin at tulungan na lamang ang Tita Alia mo.
"Hmm.. Ganon po ba? Saad pa ng binata. Nagkatinginan nmaan ito saka saka si Xelyn na parang nangingiti.
Ramdam ng dalawa na tila nagkakamabutihan na ang kanlang Tita At Daddy.
Maging sa hapag kainan ay kita nila ang sweetness ng mga ito.
Ipinaglalagay ni Don Miguel ng pagkain ang ginang at ganon din ito.
Tahimik lamang naman ang dalawa habang kumakain.
Masaya naman sila sa kung ano man ang magiging resulta ng pagkakamabutihan ng kanilang mga mahal.
Kinabukasan pagkagising pa lamang ng dalaga ay nakatangap agad sya ng mensahe mula kay Mayor.
Pinag hahanda sya nito dahil pupunta sila sa Eskwelahan mamaya para mag enrol.
Sobrang saya at excited ng dalaga, dahil sa wakas may linaw na ang kanyang oag aaral.
Masaya syang nagpaalam sa kanyang Tita, as usual may padala na naman ito para kay Mavee.
Nang makarating sa munisipyo tulad ng nakasanayan ay nag init muna sya ng Pagkakapehan ng binata. Himala at nauna na naman sya rito. Madalas nya na itong maunahan. Ang pag kakaalam nya kaso ay sinasamahan nitong mag Jogging Ang ama.
Inayos nya na rin ang mga documento na dadalhin sa eskwahan na pupuntahan nila.
Mas nauna syang mag timpla ng Kape sa pantry. Naka sandal sya sa mesa habang iniinok ito na gulat sya ng biglang sumulpot na naman sa likod nya si Mayor.
Nagulat pa sya ng tila masyado itong nakadikit sa kanya, at Hindi lamang iyon nagulat din sya ng agawin nito ang Basonng Kape sa kanyang kamay saka nakiinom.
"Good morning XL," bati nito sa dalaga sa malamyos na tinig.
"Good morning Mayor, Ahm..bakit nyo po ininom Mayor, nainuman ko na po iyan." Saad ng dalaga na medyo nahihiya.
"Eh ano naman? Wala lang gusto ko lang" dagdag mg binata saka patuloy na ininom ito. Mukang nasa Good mood ang Binatang alkalde, kaya napangiti naman si Xelyn.as gusto nya kasi na masaya ito, May pagka moody kasi ito kaya mas masaya sya kapag nakikita nya itong masaya.
Maaga pa ng mga oras na iyon ng bigla bumuhos ang malakas na ulan , samahan pa ng Kulog at kidlat. Panag ang tingin ng dalaga sa labas dahil nagsisimula na umugong ang Kulog habang nasa may table sya ni Mayor dahil chine check nila ang mga Documento.
Alam naman ng binata na takot ang Dalaga sa Kulog at Kidlat kaya alam nya na natatakot na ito.
Hindi nila inaasahan na isang Malakas na Kulog na tila damang dama sa paligid ang naganap kasabay ng Pag patay ng kuryente, marahil ay maybtinamaan itong poste around vicinity kaya parang may sumabog, Kaya sa sobrang takot ng dalaga ay Napakandong ito sa nakaupong Alkalde.
"Mayor Yung Kulog." Saad ng dalaga na sa sobrang takot ay maagap na kumandong paharap sa alkalde. Ang mukha nito ay nakasubsob sa leeg ng binata maging ang mga kamay ay nakayakap dito. Halos di naman makahuma ang binata sa posisyon nila ng dalaga. Napakalakas naman kasi talaga ng Kulog at tila may Tinamaan. Tila kapit tuko naman ang dalaga rito. Ang suot nitong Skirt ay tila nalilis na dahilan ng pagkakasaklang nito Paharap sa alkalde.
Unti unti namang pinag papawisan ang binata. Kung may makakakita lamang sa kanila ngayon ay aakalaing meron silang ginagawa.
Dama nya ang lakas ng t***k ng puso ng dalaga dahil sa takot sa Kulog.
Niyakap na lamang nya din ito.
Nang Dahil sa tinamaan ng Kulog, Tila Tinatamaan na rin sya ng init.
"Tinamaan ng Magaling na Kulog, May na bubuhay tuloy sa aking harapan." Saad ng binata sa isip. Nanatili sila sa ganong position dahil wala parin tigil ang kulog at kidlat
Habang tumatagal ang pagkakadikit nila ay nagsisimula na ang pag papawis ng binata. Magkadikit ang mga katawan nila tanging mga damit lamang ng hadlang. Dama nya ang dibdib ng dalaga. Bagaman hindi ito kalakihan ay nararamdaman nya ito, maging ang pag kiskis ng mga hita nito sa kanya ay tila nagbibigay ng ibayong init.
Halos mapamura sya dahil kapag Nakulog ay nagalaw ang dalaga dahilan para magalaw din ang kanyang alaga.
Pakiramdam nya ay namamagnet ito ng dalaga at tila gusto kumawala.
Nanatili sa sa ganong posisyon.
Napamura na lamang sya ng maramdaman na talagang Nanigas na ito.
Medyo nawala na ang kulog, tila naramdaman ng dalaga na tila may matigas na bagay syang naupuan. Tila tumatagos ang tigas noon sa kanyang pang upo. Napatingin sya sa binata Pulang pula ang mukha nito at pawisan.
Ilang saglit pa syang naupo ngunit damang dama na nya ang bagay na iyon sa ilalim nya. Nang matiyak na wala na ang kulog ay marahan syang umalis sa kandungan ng Alkalde, inalayan naman sya nito makababa.
Halos mapabuga naman ng hangin ang Alkalde pag alis nya sa kandungan nito.
"Sorry po Mayor, Naabala ko pa kayo" hingi ng paumanhin nito na medyo nahiya sa binata.
"It's okay Xelyn, bumalik kana sa pwesto mo, Wala ng kulog," Nakangiti ngunit pawisan na saad ng binata. Bumalik naman ang dalaga sa pwesto.
Samantala ang Binata naman ay tumayo sa upuan nito saka pumasok sa Lounge nito. Hindi alam ng Dalaga kung anong ginawa ng Alkalde, pero ilang minuto rin ito namalagi sa loob, Rinig nya rin ang kagaskas ng tubig mula sa banyo ngunit nakabukas lamang ito. Ilang minuto ay lumabas din ang Mayor.
Pawisan ito pag labas habang pinupunasan ang leeg , at mga kamay.