CHAPTER 12 "COTTON CANDY AT LOBO"

2074 Words
3RD PERSON Nang tumila na ang ulan ay nag datingan na rin ang ibang empleyado. Medyo naiilang ang dalaga dahil sa nangyari kanina. Ang binatang alkalde naman ay Panay ang tingin sa dalaga. Mabuti na lamang at mabilis na lumipas ang oras na walang aberya. Ala una ng hapon ay sinamahan sya ng alkalde sa Paaralan kung saan sya mag aaral. Napakalaking bagay na merong Kolehiyo sa bayan ng sta. Veronica. Hindi nya na kailangang lumayo ng husto. Pagpasok pa lamang nila ay nakatingin na sa kanila ang mga tao sa Admin ng school kung saan sila dumiretso para ipasa ang mga requirements ni Xelca. Isa itong Pribadong school na pag mamay ari ng Kaibigan ni Mayor Mavee. Ang Colegio de Sta.Veronica. Hindi lang mga taga sta.Veronica ang napasok dito, Pati na rin ang mga estudyante ng karatig bayan ay dito rin nag aaral. Nagbatian pa Si Mayor Mavee pati na rin ang President na May Ari ng School na kaibigan nya na si Mr.Hendro Esquivel. "Mayor Saldivar, Akala ko hindi kana darating hehe." "Pres.Esquivel, Hehe may tinapos lang kami kaya sabi ko ngayon nalang kami pupunta. "Hmm..Walang problema pare, So sya pala.." "Hmm..Ang alin pare? "Sya pala ang Scholar mo, hehe Ano ba ang ibang nasa isip mo?" "Huh..Wala naman .." saad ng alkalde saka bahagyang tumingin sa dalaga. Tumingin naman si Esquivel kay Xelca at Binati ito, tumugon naman dito ang nahihiyang Dalaga. "Hi Miss, I'm Hendro Esquivel, Ako ang President at may ari nitong school, Kaibigan ko Si Mayor Saldivar, Ikaw anong pangalan mo?." Saad nito saka inabot nag kamay ng dalaga. "Ahm..Xelca Lynzie Davis po" sagot ng dalaga nahihiya man ay tinangap na rin ang kamay ng May ari ng eskwelahan. Hindi naman ito nakalusot sa paningin ni Mayor Mavee kaya inagaw naman ng binatang alkalde ang kamay nito. "Tama na yan Esquivel," mag pi fill up na si Xelyn." Awar ng Mayor Kay Hendro. "Hahaha..over protective yarn, Ikaw talaga Saldivar hehe" "Shhhh..tumigil ka, Kilala kita Esquivel." "Oo na Oo na..hehe nakipag kamay lang eh." Saad nito natila inaasar si Mavee. Nagsimula naman mag fill up ang dalaga. Saka ipinasa ang requirements. Binigyan na rin sya ng books na gagamitin. Kumuha ng kursong BEED si Xelyn, gusto nya kasing maging guro balang araw. Matapos mag fill up at i settle ang dapat i settle ay ay umalis na rin sila sa eskwelahan. Akala ng dalaga ay pauwi na sila pero nagulat sya ng umalis pa sila at nagtungo sa San Bartolome para doon bumili ng mga gamit at iba pang gagamitin. Habang nasa sasakyan ay nag uusap sila. "Hmm..Bakit BEED ang kursong kinuha mo? Tanong ni Mavee kay Xelyn. "Ahm..Gusto ko po kasing maging Guro balang araw, Gusto ko pong mag turo sa mga bata." "Hmm..Good for you, nasa puso mo naman pala ang pagtuturo." "Hmm..Opo Mayor, Naaalala ko dati nung bata ako, Madalas kami maglaro ng Titser titseran ng dati kong mga kalaro hehe ang saya lang kasi sa tanghali kapag walang pasok maglalaro kami, feel na feel ko pa pagiging titser noon, rapos after maglaro lulutuan kami ni Tita ng masarap na meryenda. Katuwa lang, ang simple lang ng buhay noon pero masaya. Kaya lang umalis na rin sila, hindi ko na alam kung nasaan sila ngayon." Pahayag pa ng dalaga. "Ganon ba, hmm..masaya naman pala nag childhood mo XL. Narasanasan mo yang mga ganyang bagay." "Bakit po Mayor?" "Hmm.. hindi gaanong masaya ang childhood ko eh, hindi naman din super lungkot, sakto lang, pero yung mga gusto ko gawin nong bata ako, di ko masyadong nagawa. "Bakit po Mayor? Strict po ba si Don Miguel at ang Mommy nyo? "Ahmm..Kung sa Parents i think Napunta naman ako sa maayos na magulang, Napakabuting Mommy ni Mommy sa amin, And i think she is a good wife too. Sa tingin ko naman kung hindi naging mabuting asawa ang mommy e hindi naman sya matututunan mahalin ng Daddy but minahal din ni Dad si Mom, kahit na alam ko at ni Mommy na may totoong mahal si Dad, no other than Tita Alia pero sinikap nya paring buo ang pamilya namin. Napaka supportive nila sa akin pati sa kapatid ko, kaso yung tao sa paligid, yun ang pressure. Especially sa side ni Dad. Ewan ba bakit si Dad ang laging punterya nila. Kaya alam mo yun, bata pa lang ako, Ni hindi ko man lang na enjoy maglaro dahil kailangan ganto ako, kailangan gawin ko to dahil kung hindi si Daddy na naman ang malalagay sa alanganin. Kaya ayon parang ang aga ko namulat sa responsibilidad, para akong Robot. "Hmm..Ganon ba Mayor, Pwede mo pa naman po gawin yon ngayon, Kung gusto mo po? Tutal wala na pong makapag didikta sayo sa mga dapat mong gawin." Saad ng dalaga dito. "Hindi na siguro, masyado na akong matanda para gawin pa ang mga bagay na yon." "Hmm..Bakit naman ano ba yon Mayor." "Hmm..Madami eh, Magpalipad ng Sarangola, Kumain ng Cotton Candy, Bumili ng Lobo sa tapat ng Simbahan, Nay di ko man lang ata naranasan maglaro ng Habulan, at Taya tayaan. Habulan ng Responsibilidad ayon. Damang dama maaga pinaranas sakin ng angkan ni Dad." Saad pa ng alkalde. Nalungkot naman ang dalaga sa nalaman tungkol sa binata. Yung akala nya na ang perfect na ng buhay nito pero hindi pala, ang sakit lang isipin na yung simpleng bagay pala na akala mo eh magagawa at napaka easyng gawin ng kahit na sino eh yun pa pala ang di nagagawa ni Mayor. Sa isiping iyon ay tila nakaramdam ng habag ang dalaga sa Alkalde. Nang makarating sila sa Mall ay dumiretso sila sa natiinal books store uoang bilhin ang mga gamit na kailangan nya. Ipinamili sya ni Mayor ng lahat ng kailangan nya at ito rin ang nagbayad. "Mayor, Okay na po iyan, Sasabihin ko na lamang po na ikaltas sa sahod ko ng pakonti kinti." Wika ng dalaga. "Shhh..ano kaba? Sino bang may sabi na ikakaltas to sayo, I'll pay for it, Full scholarship nga diba, basta wala kang ibang gagawin kundi nag mag aral dahil yon amg priority mo, gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo." Saad ng alkalde, napatingin naman dito ang dalaga. "Salamat Mayor Mavee." Wika nito XELYN Ang mga sumunod na araw ay sadyang nag iba, Palagi na akong binabati ni Mayor, ngumingiti na rin sya sa akin at minsan ay nakikipag kwentuhan kahit sandali. Ang alam ko ay nagkakamabutihan si Don Miguel at Tita Alia, Mabuti na rin iyon deserve naman nila sumaya. Sumagi na naman sa isip ko ang napag usapan namin ni Mayor nung nakaraan kaya may naisip ako. Sabado noon at walang pasok. Ang alam ko kapag ganito ay nasa bahay lamang nila si Mayor Mavee. Meron akong naisip, Agad ko kinuha nag cellphone ko at dinial ito, Sana pumayag sya. Napangiti ako ng sagutin nya ito. "Hello Xl, bat ka napatawag?" "Ahmm..Mayor, may pinabibigay po kasi si Tita, pwede ka po ba mamaya malapit sa plaza, balak ko kasi iabot sayo dahilay pupuntahan rin naman ako." Saad ko sa kabilang linya. "Hmm..San ka pupunta? May date ka ata mamaya XL ah." "Naku Mayor, hindi po ah, May bibilhin lang po ako dyan sa Bayan." "Hmm..okay, ganon ba? Mga anong oras ba" "Kahit mga 4pm po if ok sa inyo." "Copy, See you later XL" sagot naman ni Mayor saka nawala sa linya. 3pm pa lamang ay naroon na ako, kinausap ko kasi si Mang Enor ang nagtitinda ng Cotton Candy, at Si Mang Domeng ang nagtitinda naman ng lobo sa may simbahan. Sinabi ko kukunin ko mamaya ang mga binili ko. 3:45 pa lamang ay dumating na si Mayor, Naka itim na pantalon ito at naka maroon na t-shirt, ngayon ko lang sya nakitang naka suot ng ganon dahil madalas ay Coat ang suot nya, o di kaya ay long sleeve. Nakangiti ko syang binati, Tumugon naman sya sa akin. Naupo kami sa Bench saka ko inabot ang kakainin galing kay Tita. Nag usap pa kami sandali. Hindi gaanong matao sa pwesto namin. Habang nakaupo kami ay nagpaalam muna ako sa kanya. Pansin kong nakatingin sya sa mga batang naglalaro sa Di kalayuan. Nakita ko na napapangiti sya sa mga batang naghahabulan. Agad akong pumunta Kay mang Domeng at Mang Enor upang kunin ang aking mga binili. Bitbit ko ang 2 Cotton Candy at ang 3 pirasong lobo. Habang nakangiti syang pinagmamasdan ang mga bata ay saka ko Sya tinawag. "MAYOR MAVEE." Nakangiting hiyaw ko sabay taas ng magkabila kong kamay na may bitbit na lobo at Cotton Candy. Tumakbo ako palapit sa kanya. Niyakap ko sya saka ko ibinigay ang Lobo at ang Cotton Candy. "Mayor Mavee...Hindi pa huli ang lahat para maging masaya at maranasan mo ang mga bagay na ito. Kung sa Simpleng bagay na ito kita matutulungang sumaya bakit hindi." Heto Mayor...Pwese tayong Kumain ng Cotton Candy at pwede ka ng maglaro ng lobo." Saad ko saka inabot sa kanyang mga kamay. Nakatingin lamang si Mayor Mavee sa akin, kita ko ang kanyang mga mata na unti unting namumula. Tumingin sya sa lobo at Sa cotton Candy. Nakangiti naman ako sa kanya, at nangingilid rin ang luha Di ko kasi alam kung sesermonan o bubulyawan nya ako, basta ang importante magawa ko yung misyon ko ngayong araw, ang sana ay pasayahin sya sa araw na ito. "Bakit Tatlo ang Lobong ito? Tanong nya sa ma itoridad na tono. "Ahm..alam mo ba ang ibig sabihin nyan Mayor, BE HAPPY MAVEE" saad ko saka di napigilang malaglag ang luha. Luha para sa kanya. Tumingin sya sa akin, Saka lumapit pa, Akala ko ay pagagalitan nya ako ngunit nagulat ako ng bigla nya akong Kabigin at Yakapin. Habang Tangan ang tatlong lobo na bigay ko ay nasa gitna kami ng Oval. Nang mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking pakiramdam pero ramdam ko na humihikbi sya. Base sa yugyog ng kanyang balikat. "Thank You Xelyn, Ikaw lang ang naglakas loob na gumawa nito sa akin of All people, Ikaw lang ." Saad nya saka tumingin sa akin. Pareho Kaming may luha sa mata, pero luha iyon ng kaligayahan. "You're welcome Mayor Mavee, Ano pang hinhinhintay mo halika na, Doon tayo." Aya ko sa kanya saka kami nagpunta sa lugar na tanging mga batang naglalaro lamang ang tao. Noong una ay tila nahihiya pa sya kainin ang cotton candy, ngunit sinimulan ko na yon kainin at gumaya naman sya, kita ko ang tila pagngiti nya ng matikman ito. "Ano Mayor? Masarap ba?" "Hmm..Oo masarap Xelyn, salamat ah." Saad nito saka patuloy na kinain at ngumingiti. Matapos iyon ay ang lobo naman ang kanyang nakita para syang batang Tuwang tuwa habang ginagalaw galaw ang lobo sa kamay. Maya maya ay nilapitan ko ang mga batang nag lalaro ng taya tayaan. Sinabi ko sa mga ito na sasali kami ni Mayor at pumayag naman ang mga ito. Lumapit ako kay Mayor at sinabi kong itatali ko muna ang kanyang lobo. Nang maitali ko ito at sumunod ang mga bata sa amin. "Ate..kami po muna ang taya tapos pagnataya po namin kayo ni Mayor. Kami naman ang tatayain nyo." Saad ng osang bata. Nung una ay parang nahihiya pang tumakbo si Mayor pero nang simula na kaming habulin ng mga bata ay napilitan na rin itong tumakbo. Dahil mabibilis ang mga bata pakiramdam ko ay mahuhuli nila ako. "Mayor..Matataya na ata ako ." "No...Fuck Xelyn...Run...give me your hand." Saad ni Mayor. Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya at sabay kaming tumakbo. Hangang sa kapwa kami hiningal at Mataya at kami naman ang humabol sa mga bata. Napakasaya ni Mayor, ngayon ko lang ata sya nakita na tuwang tuwa. Matapos namin makipaglaro ay nagpahinga muna kami sa may Damuhan. Binigyan nya ang mga bata ng pambili ng makakain kaya tuwang tiwa rin ang mga ito. "Salamat po Mayor at Ate Xelyn, Sobrang nag enjoy po kami sa laro natin. "Salamat din sa inyo mga bata, Masaya rin ako na makalaro kayo. At syempre, salamat din sayo Xelyn, Siguro di ko pa rin mararanasan ito kung hindi dahil sayo." "Wala yon Mayor, ginawa ko lang naman po yung makakaya ko." Saad ko pa rito. Matapos iyon ay inaya nya na ako pauwi, Ngunit di sa amin kundi sa bahay nila,Ihahatid nya na lamang daw ako pauwi dahil pagabi na. Walang pag sidlan ang saya ko, Sa wakas naiparanas ko kay Mayor na maranasan nya ang di nya nagagawa noong bata sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD