Chapter 6
JASMINE
Hindi kami nag-iimikan sa loob ng sasakyan ni Gilbert. Kahit anong pilit niya sa akin na ipa-checkup niya ako sa doctor dahil sa allergy ko ay matigas ang aking ulo.
Ilang sandali ay nag-iba ang direction ng daanan namin. Nilingon ko siya at tinanong ko siya walang sagot mula sa kanyang bibig ngumiti lang siya sa akin ng kakaiba.
"Saan mo ako dadalhin? Ano ba ang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kan'ya na seryoso na nagmamaneho.
"Hanggang ngayon Jasmine hindi pa rin nawawala sa'yo ang baby style," kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Iba rin ang trip ng mokong na'to.
"Bakit tinatanong lang naman kita, pero iba ang sinagot mo? Hindi ba pwede na sabihin mo na lang sa akin ang kailangan mo? Isa pa Gilbert malaki na ang pinagbago ko sa maraming nakaraan na taon." Binaling ko ang ulo ko sa labas ng bintana.
"Dadalhin kita sa doctor para makita nila ang namumula sa leeg mo," mahina niyang sabi.
"No need for it, I'm fine. Lagi akong may dalang gamot sa allergy ko. Please lang ihatid mo nalang ako sa amin baka mag-alala na sila Mama at Papa," utos ko sa kan'ya. Narinig kung tumikhim siya at dahan-dahan niyang niliko ang kanyang sasakyan.
Nang malapit na kami makarating sa bahay namin ay bigla niyang tinigil ang pag-da-drive. Tiningnan ko siya sa mata sa mata. Ang kanyang asul na mata ito ang masasabi mo sa sarili muna matang mapang-akit. Sinungaling ako kung hindi ako na attract sa kanyang mata. Kakaiba siya tumitig, kung isa kang marupok na babae one hundred percent na bigay kaagad sa mata ng lalaki na'to.
I sighed. Matapang ko siyang nilikon na tahimik na nakatingin sa akin. Mahirap e-drawing ang kanyang ugali para sa akin he so unpredictable man. Hindi mo siya basta-basta na mahuhuli. Hindi naman siyang maging isang sikat na business tycoon kung mahina ang takbo ng pag-iisip niya.
"Jasmine, kung sakali hanggang ngayon ay buhay pa ang pinsan ko na bestfriend mo na si Luis kakausapin mo rin ba ako?" malumay niyang boses.
Namilog ang mata ko sa tanong niya sa akin. Bakit bigla niya na itanong sa akin si Luis. Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko. Namiss ko na ang bestfriend ko. Kung alam ko lang na dahilan ng pagkasawi ng buhay ni Luis sa camping namin ay hindi na sana kami sumama.
Pupunasan sana ni Gilbert ang luha ko na pumatak sa pisngi ko ay mabilis ko siyang pinigilan. Inutusan ko siyang mag-drive ulit. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Oo naman kakausapin kita ikaw lang kasi lagi ang mainit ang ulo mo sa akin. Lagie mo rin akong pinapaiyak ng hindi ko alam ang dahilan. Pero hindi muna akong mapapaiyak Gilbert. Much better na lubayan mo ako, kung may plano ka bakit nandito ka nakikiusap ako na lubayan mo ako. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip muna ako ang sinisisi mo sa pagkawala ni Luis." Mahabang sabi ko sa kan'ya.
Ibubuka sana niya ang kanyang bibig ay biglang tumunog ang kanyang phone. Ayaw sana niyang sagutin ang tumatawag sa kan'ya dahil parang may gusto siyang sasabihin sa akin. Kung may sakit siguro ako sa puso ay kanina pa akong nahimatay sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang t***k ng puso ko ay kakaiba sa lahat.
"Rica, I was busy! matigas niyang sambit sa kausap niya bilga siya napalingon sa akin.
Nag-sorry siya sa akin, minsan na patanong ang isip ko kung si Gilbert Mauritius ba ang nasa tabi ko. Sa party ni Donya Daniella ay akala mo isang halimaw na susugurin ako. Ngayon tila isang maamong pusa.
Binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan habang busy siya sa kabilang linya. Lalabas na sana ako ay naramdaman ko ay isa niyang kamay sa kamay ko. Pakiramdam ko milyong-milyong boltahe na dumadaloy sa buong katawan ko mula paa hanggang ulo ko.
Kinalma ko ang sarili ko. "Okay ka lang self."
"Can I call you?" he asked me.
"For what?" tanong ko.
Bakit naman niya akong tatawagan? Hindi naman akong pwedeng basta-basta na lang mag-entertain ng ibang lalaki dahil may boyfriend ako.
"As a friend Jasmine, nothing else. Like what I say to you, if you need something I'm willing to help you." He said, tumahimik na lang ako.
Nagpaalam na ako sa kan'ya pipigilan sana niya ako ay pinigilan ko siya. Nang nasa bahay na ako ay naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa tila pagod ang katawan. Nginitian niya ako ng makita ako ni Mama.
Si Papa naman ay busy sa kaka-total ng mga budget. Kung may ani man kami sa tanim ni Papa na manga ay kulang pa rin sa utang namin sa banko.
"Anak kumusta ang trabaho mo?" masayang tanong ni Papa sa akin.
"Okay lang po Pa," sagot kahit na ang totoo ay wala na akong trabaho.
Apat na araw ang lumipas. Thank God dahil may nahanap na rin akong pansamantala na trabaho. Pinalitan ko muna ang isang kung kaibigan sa pharmacy nagwowork, lumuwas kasi ng Maynila.
Mula ng ihatid ako ni Gilbert ay hindi ko na siyang nakita apat na araw rin ang nakalipas. Hindi naman niya akong matawagam dahil hindi ko binigay ang number ko, umiling-iling ako bakit siya naman ang nasa isip ko. Isa pa lagi rin akong busy sa trabaho ko.
I checked my phone, one message from Vinnie. Before pasko raw ay dito na sila ng kanyang mga magulang. Pero tono ng message niya sa akin ay napapansin ko wala na ang sweet at kilig. Nag-iba talaga si Vinnie mula ng nasa Manila siya. Napabayaan na rin niya ang relationship namin, iniintindi ko na lang siya dahil baka busy sa Manila lalo kasama rin niya ang kanyang magulang.
Mabilis lumipas ang araw bawat tao dito sa aming barangay ay busy sa oche buena mamayang gabi. Wala naman kaming tulugan dito sa probinsya namin. Habang busy ako sa kusina ay dumating si Kuya Jake at ang kanyang asawa at dalawang anak ni Kuya. Masaya ko silang hinalikan isa-isa. Pinapasok ko sila sa loob ng bahay ang mga cute mo na pamangkin ay excited sa Christmas gift ko sa kanila.
Nagulat kami na may nagdo-doorbell sa labas ng pintuan. Wala naman kaming hinihintay na bisita sa ganitong oras. Binuksan ni Papa ang pinto at kinuha ko naman kay Kuya ang dala niyang pagkain at prutas.
"Merry Christmas po Tito," malanding boses ni Angelo boses pa lang niya kilala ko na.
Tumawa lang si Papa at kinuha niya kay Angelo ang regalo na dala niya.
"Jasmine may time pa may pupuntahan tayo," bulong sa akin ni Angelo.
"Saan mo nanaman balak lumandi, pwede next time na lang busy ako." Mabilis na sagot ko.
Sandali lang tayo girl, pasko naman pagbigyan muna ako. Kung hindi lang nasa honeymoon si Vilma sure na tayong tatlo ang rarampa. Teka hindi ba dumating si Vinnie?" umiling ako sa tanong ng kaibigan ko.
Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba kay Vinnie pakiramdam ko ay balewala na ako sa kan'ya. Sa limang taon na relationship namin ngayon lang siya nagkakaganito. Kahit na hindi masyadong boto si Mama sa kan'ya ay hindi siya ganito. Maraming ng naglalaro na tanong sa isip ko.
Bumuntong hininga ako at pumayag sa gusto ni Angelo. Pumayag naman si Papa at Mama ito talaga ang gusto ko sa mga magulang ko napaka-understanding nilang magulang.
"Aalis na po in kami Pa, Ma. Hindi po kami magtatagal ni Angelo," paalam ko.
Ilang sandali ay nasa bar na kami ni Angelo. Isa ito sa sikat na bar sa probinsya namin. Obvious na maraming tao sa loob at may mga kaya sa buhay ang pumunta dito may mga tourist din.
"Ang ingay," sabi ko kay Angelo.
Umupo kami ni Angelo sa bakanteng upuan. Vodka at ladies drink ang ini-order namin sa bartender na lumapit sa amin.
Isang malakas na palakpakan ang narinig namin. Kiss kiss sigawan ng iba ginawa ko ay tumayo ako at tiningnan ko kung anong meron. Marites din kami ni Angelo minsan.
"OMG! Alam mo ba bakit kita niyaya dito, dahil maya-maya ay darating ang mga bachelor billionaire sa bar na ito. Nakikita mo ba ang isang bakanteng mahabang sofa na'yun. Naka-reserve sa mga hot billionaire galing Manila ang iba naman ay galing ibang bansa. I think friends reunion nila." Kinikilig na sabi sa akin ni Angelo.
Siniko ko ang kaibigan mas babae pa siya sa akin kung kiligin. Muli kung binaling ang ulo ko sa kabilang table may nakita akong familiar na mukha ng lalaki may kasamang babaeng napaka-sexy ng suot na mini dress.
"Vinnie," sambit ko.
Pakiramdam ko ang nanginginig ang buong katawan ko sa nakikita ko na may ibang kahalikan si Vinnie. Nandito na pala siya? Kaya pala ilang araw hindi niya ako tinatawagan dahil may ibang babae pala siya. Gusto kung sumigaw sa galit sa mga nakikita ko. Kailan pa ako niloloko ni Vinnie? Kailan pa? Pakiramdam ko, nahihirapan akong huminga. Pinapakalma ako ni Angelo dahi pati siya ay hindi makapaniwala sa nakikita ng dalawang mata namin.
Nang masagip ako ng mata ni Vinnie ay patakbo akong lumabas ng bar. Wala na rin akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin. Parang hiniwa-hiwa ang puso kong nakita kung naghahalikan si Vinnie.
Tinawag ako ni Vinnie, hindi ko siya nilingon. Bakit niya pa akong hahabulin para lolokohin ako sa mga matatamis na kasinungalingan niya. Nagulat ako ng mahuli niya ang braso ko.
"Let me explain Jasmine, please." Matapang ko siyang nilingon at sinampal ng kaliwa't kanan ang kanyang mukha.
"Bakit, Vinnie? Ano ba ang kulang sa akin? Kailan mo pa ako niloloko at kailan ka pa dumating? Matagal mo na ba akong ginagago? Limang taon Vinnie, nasaan na ang pangako mo na… " hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw.
"Dahil Jasmine hindi mo maibigay ang gusto ko. Hindi mo maibigay ang kailangan ko sa'yo!" malakas na sigaw ni Vinnie sa akin hindi ko mapigilan na umiyak sa takot sa lakas ng kanyang boses.
"Anong ibig mong sabihin? Dahil hindi ko maibigay ang gusto mo humanap ka ng iba? Katawan ko lang pala ang gusto mo sa akin. Akala ko ba pinag-usapan na'tin ang ganyan na bagay? I can't believe you Vinnie. I thought you were different from other men. Tandaan mo Vinnie mula ng pumunta ka ng Manila iyon na ang oras naputol, kung ano man namamagitan sa atin." Matapang kung inangat ang mukha ko sa kan'ya.
"Kung binigay mo ang gusto ko hindi ako maghanap ng iba!" sigaw niya.
Magsasalita sana ako ay nagulat ko na may biglang sumuntok kay Vinnie. Kitang-kita ko natumba si Vinnie sa lakas ng pagka-suntok sa kan'ya ng lalaki na tanging likod ko lang nakita ko sa kan'ya.
Tatayo sana si Vinnie para gumanti ay isang malakas ulit na suntok ang natanggap niya mula sa lalaki.
"How dare you?" inis na tanong ni Vinnie.
"You , how dare you bastard man? Huwag na huwag sisigawan siya si Jasmine dahil makikita mo ang hindi mo pa nakita sa mundo na ito!" madiin na sabi ng lalaki.
Namilog ang dalawang mata ko ng makilala ko ang boses ni Gilbert. Nilingon niya ako na hindi mapakali sa likod niya na umiiyak. Kahit anong pilit kong maging matapangan ang sarili ko ay kapag ang luha kahit anong pigil ko ay tutulo talaga.
Mabilis akong nilapitan ni Angelo at niyakap. Binuhos ko ang mga luhang naipon. Pinatahan ako ni Angelo, ngayon lang ako umiyak ng ganito sa lalaki mula ng mamatay ang bestfriend ko na si Luis.
Tiningnan ako ni Gilbert, ang kanyang mata ay tila tigre na galit na galit. Habang yakap ako ni Angelo ay tahimik lang kami na nagtitigan ni Gilbert.
Ilang sandali ay kinausap ako ni Angelo. Kung hindi lang siya concerned sa akin ay kanina pa siya patay na patay sa kilig na nasa harapan niya si Gilbert. Nakita kung duguan ang labi ni Vinnie nakaramdam ako ng awa sa kan'ya pero sa mga ginawa niya sa akin ay poot at galit ang nararamdaman ko ngayon.
Bahagyang tumikhim si Gilbert. Sabay kaming nagkatinginan ni Angelo, ang mata ni Angelo ay may gustong itanong sa akin kung magkakilala ba kami ni Gilbert. Hindi ko kasi sinabi sa kan'ya na mula ng bata pa ako ay kilala ko na siya. Tanging si Luis lang kasi nai-kwento ko sa mga kaibigan ko.
"Follow me, ihahatid na kita. Jasmine!" ma-awtoridad na utos sa akin ni Gilbert.
"Jasmine is okay. Sumunod ka na sa kan'ya. Humanda ka sa akin bukas ipapaliwanag mo sa akin kailan mo pa na kilala ang pogi na'yan," bulong ni Angelo at kinurot pa ang aking tagiliran.
Tumango lang ako kay Angelo hindi napigilan ang sarili ko na ngumiti sa kaartihan ng kaibigan ko. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Gilbert ng makita niyang ilang beses akong hinalikan ni Angelo.
Ilang sandali ay nasa loob na ako kami ng kanyang sasakyan. Nakita kung may puting inabot siya sa akin, kinuha ko sa kamay niya ang wet wipes. Baka binigay niya sa akin para punasan ko ang kamay ko.
"Hindi iyan para sa kamay mo Jasmine. Para iyan sa pisngi mo, punasan mo kung saan ka hinalikan ng kaibigan mo." Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi.
"What?" tanong ko.
Huwag lang sabihin ng hinopyak na ito na sinusumpong siya ng kasungitan? Hindi ko siya kinibo ano akala niya sa kaibigan ko my COVID-19.
"I know what you are thinking lady? May COVID-19 o wala ang kaibigan mo, just do what I say to you. Unless, kung ako gagawa sa utos ko sa'yo. I'm warning you Jasmine." Banta sa akin ng anak ng tipaklong na'to.
Pinunasan ko ang pisngi ko, hanggang sa biglang tumulo ang luha ko. Binaba ko ang glass window ng sasakyan kumuha ako ng oxygen sa labas nakahinga ako ng maluwang.
Naramdaman ko ang malalim na bumuntong hininga ni Gilbert. Pakiramdam ko ay tinitigan niya ako na tahimik na nagmamasid sa dilim ng gabi. Nang malapit na kami dumating ay inayos ko ang sarili ko.
"Hindi ba halata ang mata ko na umiyak?" malakas na loob na tanong ko kay Gilbert. He smiled at me na may halong pang-iinis.
"Don't worry, mukha lang puyat," sagot niya sa akin.