Chapter 7
Jasmine
Nang tingnan ko ang oras ng suot ko na relo ay almost 11pm ba pala ng gabi. Kumatok ako sa pintuan agad naman may na may nagbukas ang pamangkin kong si Ivory ang nagbukas.
"Tita," sabay yakap ng pamangkin ko sa akin.
"Hijo, kasama mo pala si Jasmine?" Nabigla ako ng kung sino ang hijo na tiningnan ko sa likod. Kumunot ang aking noo ng masayang nakangiti si Gilbert kay Papa at nagmano pa ito.
Sinabihan ako ni Papa na huwag ko harangan si Gilbert sa pintuan. Tila nagtampo pa si Papa sa akin kung bakit hindi ko sinabi na kasama ko raw ang lalaki na'to. Nang marinig ni Kuya na nandito si Gilbert akala mo naman naging magkaibigan sila ni Gilbert.
Pumasok ako sa kusina para makatulong na ilagay sa lamesa ang mga pagkain. Hinugasan ko muna ang kamay ko.
"Anak mabuti kasama mo si Gilbert. Nasaan si Angelo akala ko ba ay magkasama kayo?" tanong ni Mama.
"Umuwi na rin Mama," tipid na sagot ko kay Mama at nginitian din ako ni ate Maya.
Napansin kung tinititigan ako ni Mama, huwag naman sana niya napansin na medyo namumugto ang mata ko. Ginawa ko para makaiwas kay Mama ay chineck ko kung may kulang pa sa dining table namin. I smile, dahil everything is ready na. Wala rin akoni naitulong dahil natapos narin ayusin nila Mama.
Ilang sandali ay pumasok ako sa kwarto ko, nagpalit ako ng damit. Sinuot ko a g pink floral dress ko. Kung hindi lang sila ate at Mama naka-dress ay hindi ba sana ako nagpalit ng damit.
Merry Christmas, narinig kong sabi nila sa sala namin. Naririnig at nakikita masaya ang pamilya ko ay the best feeling for me. Tiningnan ko ang sa harapan ng salamin ang sarili ko. Kinuha ko sa loob ng kabinet ang mga regalo ko. Lumabas ako sa kwarto ko na bitbit ko ang mga regalo ko.
Nang nasa sala na ako ay nakita kung may mga bagong regalo sa ibabaw ng mesa. Nakita ko rin na masayang binuksan ng dalawa kung pamangkin ang regalo nila.
"Thank you so much Tito pogi," pasalamat ng mga bata.
Sobrang saya ng dalawang pamangkin ko sa regalo ni Gilbert. Isa ito sa mga pinaka-expensive na barbie dolls ang hawak-hawak ng pamangkin ko. Hindi ito ma-afford ni Kuya na bilhin sa kanyang mga anak dahil sa halaga nito. Mukhang galing pang ibang bansa ito binili. Kailan pa nakabili si Gilbert ng mga ito at ang bilis naman maraming mga tanong sa isip ko.
Binalewala ko muna kung ano ang nasa isip ko. Ibubuka ko sana ang bibig ko ay biglang nagtama ang mata namin ni Gilbert. Heto na naman ang puso kung pasaway na kumakabog.
Napalunok ko sa mga titigan namin ni Gilbert. Pakiramdam ko ay kahit hindi ko maintindihan ang pag-uugali niya ay kakaiba ang epekto ng mga mata niya. Para bang kung may gusto akong ilabas sa aking saloobin na gusto kung sabihin sa kan'ya ay feeling ko gumaan ang pakiramdam ko.
Ginawa ko ay umiwas ako mata niyang parang nanghahamon. Isa-isa kung tinawag ang mga pamangkin ko masaya kung inabot sa kanila ang regalo ko sa kanila. Simpleng regalo lang dahil alam naman nila na kung anong matanggap mula sa panginoon ay well appreciated.
Ilang sandali ay natapos narin kaming kumakain. Habang naglilipit kami ni Ate Ivory ay narinig kung nagpaalam si Mama at Papa kay Gilbert. Nagpasalamat din ang mga magulang ko sa kan'ya. Mabuti nalang hindi naiinip si Gilbert kay Papa kung anu-ano na lang topic ni Papa sa kan'ya.
Nagpaalam ako saglit kay Ate na tingnan ko si Gilbert sa sala mag-isa dahil si Kuya ay pinatulog na rin niya ang mga bata.
Tiningnan ako ni Gilbert mula ulo hanggang paa. Akala mo naman ay isa siyang fashion designer na kinikilatis bawat sulok ng damit ko kung malinis ba ang pagkatahi. Pati ako ay tiningnan ko ang sarili ko kung may dumi ba ang suot ko. Tumikhim ako.
Tumayo siya sa kinatatayuan niya may isang maliit na box ang inabot niya sa akin.
"Merry Christmas," malambing niyang sabi.
"Thank you. Merry Christmas too, nag-abala ka pa sorry kung wala akong gift para sa'yo. Hindi ko naman inaakala na kasama mo kami sa pasko," I said.
He smiled at me. May sinabi siya na hindi ko masyadong narinig. Buksan ko ang regalo niya sa akin, isang mamahaling bracelet na may maliit na diamond na kumikislap. Hindi ko kayang suotin ang ganitong kamahal na regalo. Ako yata ang himatayin sa halaga nito. Ibabalik ko sana sa kan'ya ay hindi niya tinanggap.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin ang mata niya sa akin nakapako. Hindi mapakali ang aking sistema ng halos magdikit na ang katawan namin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango.
Sinubukan ko siyang tinulak ay matigas ang kanyang dibdib. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. He kissed my forehead.
"Goodnight Jasmine," kung kuryente lang ang kanyang labi ay kanila pa nanginig sa mainit at malambot niyang labi sa noo.
Nang marinig kung tumikhim si ate ay malakas ko siyang tinulak. Para wala siyang pakialam kung may makita sa amin sa kanyang ginagawa. Tinapik ko ang noo ko para magka-ulirat dahil para akong isang papel na madaling natatangay ni Gilbert.
"Umaga na Gilbert, inaantok na rin ako salamat ulit sa regalo. Next time na ang regalo ko sa'yo. " Sabi ko, hindi rin pwede na magpatangay ako sa lalaki na'to.
Alam ko na ganito ang galawan ng mga playboy. Bukas na bukas rin ang e-stalk ko ang kanyang social media accounts tiningnan ko kung totoo ang mga sinasabi ni Angelo na maraming babaeng umaaligid kay Gilbert.
Hanggang sa nagpaalam na umuwi siya. Pipigilan sana siya ni Ate na dito magpalipas ng gabi si Gilbert ay pinigilan ko si Ate. Baka kung dito siya matulog ay kinabukasan ay puro kagat ng lamok sa katawan niya. Baka isipin ng mga tao ay ginahasa ko ang isang multibillionaire. Instead ang lamok ang salarin ako ang napagbintangan.
Two Months Later
Litong-lito na ako hindi ko na alam paano ko matutulungan si Papa. Bakit ba kasi biglaan na naniningil ang banko, tila pinapawisan ako ng malagkit. Ito ang isa mga bagay na nakikita ko si Papa na may iniisip na problema. Minsan na tanong ko sa sarili ko kailan pa kami layuan ng problema?
Last month ay anak ni Kuya Jake ang na hospital. Gustong-gusto kung sumigaw ay pero hindi ko magawa. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Punta ako ng kusina at uminom ako ng malamig na tubig.
Pagkatapos kung uminom ng tubig ay lumabas ako sa kusina, sinilip ko si Mama sa kanyang kwarto. Nang makita ko si Mama na nahihirapan siyang huminga ay mabilis akong lumapit sa kan'ya. Nanginginig ang buong katawan ko ng makita ko si Mama na hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan.
"Mama," naiiyak na tawag ko kay Mama.
Anak, tawagin mo ang Papa mo." Sinunod ko agad si Mama.
Nang marinig ni Papa ang sigaw ko ay hindi siya mapakali. Nang nasa loob na kami ng kwarto ni Mama ay mas natataranta kami ni Papa. Agad na binuhat ni Papa si Mama para dalhin namin si Mama sa hospital. Mabuti nalang may agad na may dumaan na tricycle.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Mama habang ang mga luha ko ay walang tigil sa kakapatak. Si Papa ay tahimik lang siya pero kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Nang tumulo ang luga ni Papa ay mas nadurog ang aking puso.
Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko bilang anak na nakikita ko ang dalawang magulang ko na nahihirapan.
Nang nasa hospital na kami sa Mauritius hospital ay kaagad na pinasok si Mama sa emergency room. Narinig kong tinatawag ako ng aking Kuya kasama niya ang kanyang asawa.
Nag-iiyakan kami ni Kuya at niyakap ko siya ng mahigpit. Maya-maya ay lumapit kami kay Papa na medyo matamlay na siya tinanong ako ni Kuya ano ang nangyari kay Mama. Hindi ko rin alam paano ipapaliwanag kay kuya dahil biglaan ang mga nangyari kay Mama.
Almost one hour na kami pero wala pa rin kaming balita kay Mama sa loob ng emergency room. May isang nurse na lumabas ay umiling lang siya sa amin. Mas lalo akong nanghihina na walang kahit sino ang makakapagsabi na ano na ang kalagayan ni Mama.
Ilang sandali ay lumabas na ang doctor. Sunod-sunod na tanong ang mga tanong ni Papa. Para akong nanigas na sabihin ng doctor sa amin ang kalagayan ni Mama. Kailan na maoperahan si Mama sa puso, dapat daw ay naagapan namin na na ipakusunlta sa doctor ang sakit ni Mama.
Kung alam lang namin na may nililihim si Mama ay hindi na kami aabot sa ganitong situation. Napaawang ang aking labi sa halaga na kailangan namin. Para kaming binagsakan ng langit at lupa sa halagang kailangan sa operation ni Mama.
Isang million Kuya. Saan tayo makakakuha ng ganong kalaki na halaga?" naiiyak na tanong ko kay Kuya na hindi rin siya mkaimik sa malaking pera na kailangan namin isang million.
Kahit ibenta pa namin ang bahay namin ay hindi pa rin sapat. Tiningnan ko si Papa na tumulo ang kanyang luhaniyakap namin siya ni Kuya Jake.
''Saan tayo makakuha anak ng pera? Tanging pag-asa lang na'tin ay ibenta ko na ang lupa na'tin. Kahit ibenta ko pa ang lupa ngayon ay hindi rin kaagad na'tin makukuha ang pera."
Bumuhos ang sakit ng nararamdaman ng dibdib ko. Hindi ko na matiis ang boses ni Papa na nanginginig. Kung pwede lang sinalo ko na ang sakit ni Mama. Kung pwede lang ay ako sana ang nasa emergency room. Never namin nakita ni Kuya na ilang beses bumuhos ang kanyang mga luha ni Papa. Pero ngayon ay kitang-kita ko paano naaapektuhan si Papa, kahit anong tago niya ay nararamdaman ko ang kanyang pag-alala.
Kinausap namin ni Kuya Jake ang doctor ni Mama. Kung hindi namin maagapan na paoperahan si Mama ay mas lalong magkaka-problem si Mama. Mahirap ang sakit ni Mama dahil isang blocked artery sabi ng cardiologist ang sakit ni Mama sa puso. Kung hindi ito maagapan ay maaari na may mangyaring masama kay Mama.
Sumang-ayon ako sa gusto ng doctor nagtaka naman si Kuya sa aking kilos. I'm not going to waste my time kung may isang taong willing na tumulong sa akin ay nararapat na panahon na dapat na hingan ko siya ng tulong. Tiningnan ko ang kanang kamay ko hanggang ngayon ay suot ko pa rin ito.
"Saan ka pupunta anak?" malumay na boses na tanong ni Papa sa akin.
"Papa, Kuya kausapin n'yo ang doctor ni Mama na gawin nila ang lahat dahil sisiguraduhin kong pagbalik ko ay ma-solve na'tin ang lahat." Seryosong sabi ko.
"Pero anak isang million ang kailangan natin," hinawakan ko ang kamay ni Papa at kuya at tinalikuran ko sila.
"Please Kuya, sundin niyo ako," sabi ko ulit.
Binuksan ko ang phone ko hinanap ko ang number ni Gilbert. Mula ng pasko ay hindi na kami nagkita balita ko ay lagi siyang may business trip. Nakikita ko rin sa social media ang iba niyang friends ay may tag sila ng mga photos sa kan'ya.
Nilakasan ko ang loob ko na idayal ang kanyang number. Ang baritono niyang boses sa kabilang linya ay nagpagising ng aking diwa. Kahit kakapalan ko ang mukha ko sa kan'ya ay gagawin ko. Hindi ko rin pwedeng lapitan si Donya Daniela dahil nasa ibang bansa na sila.
"Hello, Gilbert. I need your help," matapang na sabi ko sa kan'ya hindi na ako nag paligoy-ligoy pa sa kan'ya nasa emergency room si Mama dito sa Mauritius hospital.
"Nasaan ka ngayon?" tanong niya sa akin.
Nang sabihin ko sa kan'ya nasa hospital si Mama ay kahit nasa kabilang linya siya naririnig ko ang kanyang buntong hininga. Sinabihan niya ako na hintayin ko siya sa cafeteria sa labas ng hospital. Dahil gulong-gulo ako ay hindi ko na iniisip na nandito ba siya sa Mauritius Island kung sinabi niya sa akin na pupunta siya rito sa hospital.
Almost 40 minutes ko siyang hinintay. Palinga-linga ko kung darating ba siya o hindi kung hindi siya darating ay hindi ko alam paano ko haharapin si Papa at Kuya.
"Jasmine!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
Lumakas ang pakiramdam ko ng makita ng dalawang mata ang lalaking dati ay iniinis ako at pinapaiyak pero ngayon siya rin ang mahingan ng tulong ko at siya rin ang tutulong sa akin.
Mukhang galing pa siya sa kanyang trabaho dahil sa blue suit niyang suot ang buhok niyang tila nilaro ng hangin.
"I'm sorry I was late, kakalabas ko lang meeting ko sa Manila at ang private jet ko ay hindi agad dumating ang piloto." Paliwanag ni Gilbert sa akin.
He asked me, kung ano ang nangyari kay Mama. Sinabi ko ang details na sinabi sa amin ng doctor ni Mama. Habang kinukwento ko ang lahat ay parang malakas na ulan ang bawat patak ng aking luha. Pinatahan ako ni Gilbert na umiiyak. He took a long deep breath, pero mas naiiyak pa rin ako.
Tiningnan ko siya ang dalawa niyang kamay ay sa bulsa ng kanyang suot na suit. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"I'm always here for you. Sasagutin ko ang lahat lahat financial ng mga magulang mo. Utang n'yo sa banko at iba pang problema n'yo. Ngayong araw din ay dadalhin si Titae sa Maynila at doon na'tin ipagamot. But, I have one condition for you: marry me, be my woman." Ilang segundo akong hindi makapagsalita sa kanyang sinabi.
"Marry him," bulong ko sa sarili ko at hindi ko kayang iangat ang mukha ko sa kan'ya.
Pakiramdam ko parang tumigil ang oras para samin. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"I needed your decision," he said.
Nanginginig ako at nilalaro ko ang aking kamay sa aking likod. Para ito kay Mama kaya kung gawin ang lahat alam ko na wala na akong oras makapag-isip dahil ngayon din ang sagot ko kung papayag ba ako sa kanyang gusto. Ang tulong niya sa akin na matagal na niyang sinasabi sa akin ay ang kapalit ay pakakasalan ko.
Muli niyang tinawag ang pangalan ko sa gulat ko ay lumaki ang dalawang mata ko. I didn't have a choice. Nilakasan ko ang sarili ko sa harapan niya. Tiningnan ko siya kahit nahihirapan akong ibuka ang bibig ko kung paano kong sasabihin na pumapayag na ako sa gusto niya ay kailangan kong sabihin alang-alang sa mga magulang ko.
"O-oo pupamayag na ako sa iyong kagustuhan, para kay Mama ito Gilbert," nauutal na sabi ko sa kan'ya.
Hinawakan niya ang aking kamay at mabilis kung inalis ang kanyang kamay sa kamay ko. Bago kami pumasok sa loob pinakiusapan ko muna siya na huwag muna niyang sasabihin kay Papa at kuya ang tungkol sa napag-usapan namin. Pumayag naman siya sa pakiusap ko. Nilingon ko siya na may kausap sa kabilang linya.