Chapter 8

2344 Words
Chapter 8 Third Person Hindi pa rin makapaniwala ang ama ni Jasmine at ang kanyang Kuya kung sino ang kasama ni Jasmine na lumapit sa kinauupuan nila. "Tito, ililipat po na'tin sa Maynila si Tita, already I talk to her cardiologist. Mas makakabuti sa kan'ya na sa Manila siya maoperahan," maraming tanong ama ni Jasmine kay Gilbert pero hindi siya makapagsalita dahil bahagyang tumulo ang kanyang luha. Kung hindi dahil kay Gilbert ay hindi niya alam ano gagawin nila. Nilapitan ni Jasmine ang kanyang ama at hinawakan niya sa kamay habang ang kanyang Kuya ay nagtataka rin sa nangyayari, dahil kay bilis na dumating si Gilbert sa hospital. Pinakalma ni Jasmine ang kanyang ama at ipapaliwanag niya kung bakit si Gilbert ang tumulong sa kanila. "Jasmine,si Gilbert ba?" tanong ng kanyang Kuya. "Opo Kuya, mamaya sasabihin ko ang dahilan," mahinahon niyang saad sa kanyang Kuya Jake. Samantala si Gilbert ay busy nakausap niya ang doctor sa Makati Mauritius hospital na isa rin pag-aari din niya. Tinawagan din niya ang kanyang sekretarya na lahat ng meeting niya ngayong araw hanggang bukas ay e-cancel ng kanyang sekretarya. Maya-maya ay nilabas na nila sa emergency room ang ina ni Jasmine. Ang private jet ni Gilbert ang sinakyan nila palipad patungong Manila. Nang nasa private jet na sila ay tahimik na nakaupo si Jasmine, sa pag-alala niya sa kanyang ina ay hindi niya mapigilan na umiyak muli. Isa rin sa mga iniisip niya na ang pagpapakasal niya kay Gilbert az magiging asawa niya ang binata. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan niya maging asawa si Gilbert. Marami siyang tanong sa kanyang isip. Hanggang sa lumapit si Gilbert sa kan'ya, umupo siya sa tabi ng dalaga. Sinabihan siya ni Gilbert na maging okay ang lahat at gagaling ang kanyang ina. Tanging tango lang ginawa ni Jasmine sa binata dahil parang kay bilis ng pangyayari para kay Jasmine. Hanggang sa dumating sila private hospital sa Makati. Mabilis naman sila sinalubong ng nurse at doctor sila. Pinasok nila sa operating room si Mrs. Sweden. Pagkalipas ng limang oras ay hindi mapakali si Jasmine kasama niya ang kanyang ama. Habang si Gilbert ay kinikilatis niya si Jasmine paikot-ikot at natataranta. Upo, tayo ang ginagawa ng dalaga. Kung anu-anong pumasok sa isip ng binata habang lihim niyang tinitigan ang dalaga. Kakaiba si Jasmine sa lahat ng kanyang nakilala kaya hindi niya ito titigilan si Jasmine na hangga't hindi niya maging asawa. He will do anything to her. Alam niya na malakas ang loob ng dalaga pero pagdating sa kanyang magulang ay ito ang kahinaan ni Jasmine. Tinawagan din ni Gilbert ang hotel, VIP suites ang pina-reservation ni Gilbert sa pamilyang Sweden. Nang lumabas ang isang doctor ay halos mauutal na si Jasmine sa kakatanong niya sa doctor. "Successful," nakangiting sagot ng doctor. Hindi napigilan ni Jasmine nayakapin niya ang doctor. Sinabihan din sila ng doctor na huwag nilang e-stress ang ginang. Walang tigil sa pagpasalamat ang pamilyang Sweden. Lahat sila ay nakahinga ng maluwag. Nginitian ni Jasmine si Gilbert, ang ngiti na'yun ng dalaga ay parang gustong halikan ni Gilbert ang mapang-akit na labi ng dalaga. He can't wait na mapasakanya na ang babaeng dati ay pinapaiyak niya. He shook his head at ngumiti ng palihim tumango siya sa dalaga ng magpasalamat si Jasmine sa kan'ya. Umalis ng walang paalam si Gilbert hinayaan niya muna si Jasmine kasama ang kanyang Kuya at ama. Nang muling lumingon si Jasmine ay wala na roon si Gilbert sa kinatatayuan niya. Hinanap ng mata ni Jasmine ang binata pero hindi na niya nakita kung saan pumunta ang binata. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakapag-usap ng pormal ng binata sa kasal nilang dalawa. Ilang beses nagdadasal ng lihim si Jasmine na magbago ang isip ni Gilbert. Baka makaya niyang pakiusapan si Gilbert 'wag ituloy ng binata ang plano na pakasalan siya. Kahit gawin siyang katulong ng binata ay gagawin niya. Hindi namalayan ni Jasmine nakatulogan niya ang pag-iisip at sa pagbabantay niya sa kanyang ina. Nang imulat niya ang kanyang mata ay isang malaking braso ang yakap-yakap niya. Sa kanyang gulat ay muntik na siyang mapasigaw na braso pala ni Gilbert ang kanyang ginawang unan at kayakap. Kaya naman pala na kakaibang amoy ang naamoy ng kanyang ilong. Akala kasi niya ay nanaginip siya na isang napakabango na unan ang kayakap niya. "Come on, Jasmine, kung itulak mo ako parang hindi ka nasasarapan na yakap-yakapin mo ang braso ko. May pangiti-ngiti at pahalik-halik ka pa sa braso ko. Anyway is okay for me, dahil maging asawa naman kita," kumunot ang noo ni Jasmine ng sabihin ni Gilbert ang katagang asawa ay saka pa bumalik ang kanyang ulirat. Tumayo si Jasmine inikot niya ang kanyang mga mata inunat din niya pataas ang dalawa niyang kamay at hinilot niya ang kanyang leeg. Nang hindi niya makita ang kanyang ama at kuya ay muli niyang tinitigan si Gilbert na nakaupo ang mata ng binata ay sa kan'ya nakapako. Sa lakas ng kabog ng dibdib ni Jasmine sa titig sa kan'ya ng binata ay pakiramdam niya ay hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Bakit ba kasi hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kapag si Gilbert ay kasama niya? Umiling-iling si Jasmine kahit walang tulog at parang tinamaan ng hangin ng malakas na bagyong Yolanda ang buhok ng binata ay ang sexy niyang tingnan kahit may kasamang pang iinis kung tumitig sa kan'ya ang binata. "Self, kung ano naman ang nasaisip mo ayusin mo ang sarili mo. Huwag na huwag kang magpapadala sa malanding mata ng timang na'yan." Kausap niya ang kanyang sarili. Isang tipid na ngiti ang tinapon sa kan'ya ni Gilbert. "Jasmine," baritono na boses ni Gilbert na kinagulat naman ni Jasmine na bigla siyang tawagin ni Gilbert. Bumuntong hininga lang si Jasmine, umupo siya ulit at hindi na niya mapigilan ang sarili na kausapin niya ang binata. Bahala na si batman o si Captain America sa kan'ya. Kaya na dapat niyang panindigan ang pagsang-ayon niya kay Gilbert. "Gilbert, pwede bang palitan mo ang condition mo? Gawin muna akong katulong mo sa bahay mo huwag mo lang ituloy ang pagpapakasal na'ti," nanginginig na boses na pakiusap niya kay Gilbert. Biglang nag salubong ang kilay ng binata. "Jasmine, hindi na magbago ang isip ko. What I say iyun ang nangyayari," mas lalong kinabahan si Jasmine ma-awtoridad na pagkasabi ni Gilbert. "Isang ganti ba ito Gilbert? Give me a reason why you want me to marry you?" mahinang tanong ni Jasmine sa binata na seryoso na nakatingin sa kan'ya. "Because this is what I want. Kung ano man ang naglalaro sa isip mo ay hindi iyan ang plano ko sa'yo?" na tahimik si Jasmine sa sinabi at tanong ni Gilbert. "Kailan ang kasal?" malumay na tanong ni Jasmine. "Before your family leaves?" he answered. Tumahimik lang si Jasmine dahil mukhang hindi niya kayang pakiusapan ang binata. Limang araw ang lumipas, unti-unti ng bumabalik sa sigla ang ina ni Jasmine. Hanggang ngayon ay nasa hotel pa rin sila ng Mauritius suites hotel. Nakikita ni Jasmine na masaya ang kanyang pamilya ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Sinabihan na rin ni Jasmine ang kanyang Papa at Mama na wala silang utang sa banko. Lalong nagtataka ang kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin na sabi ni Jasmine ang kasal nila ni Gilbert. Tumunog ang cellphone ni Jasmine. Tiningnan niya ito ng makita niya Gilbert is calling ay nagpaalam siya sa kanyang magulang para sagutin ang nasa linya. Sinagot niya ang tawag ng binata. Sinabihan siya ni Gilbert na nasa kabilang suites siya inutusan niya ang dalaga na puntahan siya roon dahil ito ang araw ng kanilang kasal. Ito rin ang gusto ni Jasmine na bago niya sasabihin sa kanyang magulang ay kinasal na sila ni Gilbert. Kasi kung malaman ng kanyang magulang ay baka hindi siya payagan dahil alam niya ang kanyang Mama ay hindi papayag lalo na malayo ang estado ng buhay nila kay Gilbert. Isa rin ito sa payo ng kanyang ina na mahirap mag-asawa ng mayaman sa isang ordinary lang na tao. Lumabas si Jasmine at tinungo niya ang suites ni Gilbert. Kinatok niya ang pintuan ng room ni Gilbert binuksan naman kaagad ni Gilbert ang pintuan. May isang babaeng make-up artist yata ito may nakita rin siyang puting dress sa ibabaw ng kama. Medyong nanginginig ang kamay ni Jasmine na kunin niya ang white dress. Sinuot niya ito pagkatapos niyang isuot ay inayusan din siya ng makeup artist. Simple makeup ang nilagay ng bakla na make-up artist sa kanyang mukha. Pagkatapos siyang ayusan ng dalawang bakla ay isang magandang puri ang natanggap niya sa dalawa. Kahit siya ay hindi niya nakilala ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Super duper professional ang mag-makeup sa kan'ya akala mo naman ay isang galante na kasal ang nangyayari ngayon sa Paglingon niya ay si Gilbert ang nakita niya na nakasuot ito ng white tuxedo. Mas lumakas ang s*x appeal ng binata, tila isa itong sikat ng modelo na pang international. Hindi na makurap ni Gilbert ng makita si Jasmine na parang isang princess ang dalaga mas lalo itong gumanda sa ayos nito. Napakagat ng ibabang labi ang binata. Habang si Jasmine naman ay tahimik lang ito sa kanyang kinatatayuan. Lumapit si Gilbert sa kan'ya. Hindi mapakali si Jasmine ng nasa harapan na niya si Gilbert. Ang lakas ng tambol ng puso ni Jasmine ay tila lumabas na sa lakas nito. Ang isang kamay ni Gilbert ay sa maliit na baywang ni Jasmine. Pareho silang dalawa na hindi nila maikurap ang kanilang mga mata sa titigan nila. "Sigurado ka ba na ayaw mong ipaalam sa mga magulang mo?" panigurado na tanong niya sa dalaga, sunod-sunod na tango ang ginawa ni Jasmine sa kan'ya. Nagulat si Jasmine na hapitin ni Gilbert ang kanyang maliit na baywang. Pakiramdam ni Jasmine ay buong katawan niya ay nag-iinit, tila kinukuryente siya sa kamay ng binata. Gusto niya man alisin ni Jasmine ang kamay ng binata ay hindi niya magawa dahil mas hinigpitan ng binata ang paghapit sa kanyang baywang. Muntik ng magdikit ang kanilang labi. Napalingon sila sa pintuan na may biglang kumatok. Dahan-dahan inalis ni Gilbert ang niyang kamay sa baywang ni Jasmine. Tiningnan ng dalaga kung sino ang dumating ng makita niya ay kaagad niya nakilala si Jasper at may isang matandang lalaki na kasama ito at may isa pang lalaki na pumasok. Hindi maiwasan ni Jasmine na puriin ng kanyang isip ang mga gwapong nilalang sa harapan niya. Nang makipag-shake hands ang dalawang kaibigan ni Gilbert ay umigting ang kanyang panga. Bigla niya itinulak si Jasper palayo kay Jasmine. "Dude relax, possessive mo," sabay tawa ng malakas ng dalawang binata. "By the way beautiful lady, I'm Levon De Vora isa rin pogi ng tropa," pakilala ni Levon kay Jasmine. Kung bomba lang ang titig ng mata ni Gilbert sa dalawa niyang kaibigan siguro ay durog na durog na ang dalawa. "Shall we start?" tanong ng ikakasal sa kanila. Inilabas ng may edad na lalaki ang marriage certificate sa loob ng attache case niya. Civil wedding muna ang kasal nilang dalawa. Nanginginig at nanlalamig na naman ang buong katawan ni Jasmine ng ilapag ng lalaki sa ibabaw ng mesa ang isang puting papel at black pen. Isang simple lang ang kasal nilang dalawa. Ang dalawang kaibigan ni Gilbert ang witness sa kasal nilang dalawa. Nang e-pronounce ng lalaki na mag-asawa na sila ay hindi na hinintay pa ni Gilbert na sabihin ng lalaking kumasal sa kanila na na you may now kiss the bride. Hindi na maibuka ni Jasmine ang kanyang bibig dahil sa mabilis na panyayari. Isang magic ang kanilang kasal kung gaano kabilis dumating ang lalaking kumasal sa kanila ganon din kabilis natapos ang kasal nila. Pinaharap ni Gilbert si Jasmine sa kan'ya. Pakiramdam ni Jasmine ay tumigil ang oras niya ng biglang sakupin ni Gilbert ang labi ni Jasmine na kanina pa itong nasasabik na halikan. Ang mainit na labi ng binata ay hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang dalaga na huminga pa dahil isang mainit na kiss french ang ginawa ni Gilbert sa labi ng dalaga pero hindi pa rin gumaganti ng halik si Jasmine. Si Jasmine naman ay hindi niya alam kung paano niya gantihan ang mapupusok na halik ng kanyang asawa. Hinayaan niya si Gilbert na gawin ang lahat sa kan'ya. Kung hindi pa tumikhim ang dalawang kaibigan ni Gilbert ay hanggang bukas yata na idikit lang ni Gilbert ang kanyang labi sa labi ng dalaga. "Pirmahan muna n'yo ang marriage certificate n'yo bago kayo maglaro ng apoy sa apoy." Biro ni Jasper para inisin nila si Gilbert. Unang pumirma si Gilbert at sumunod naman si Jasmine at hindi na niya binasa ang marriage certificate. Pagkatapos nilang pumirma ay nagpaalam ang lalaki at may isang book sa ibabaw ng mesa ay kinuha ni Gilbert at itinapon niya sa dalawang kaibigan. "You two get out of my room!" matigas na sabi ni Gilbert sa kaibigan. Hindi na alam ni Jasmine kung ano ang next na gagawin ni Gilbert sa kan'ya dahil dalawa nalang sila sa kwarto. Hinawakan ulit ni Gilbert ang kamay ni Jasmine tila kinikilabutan si Jasmine ng haplosin ng binata ang kanyang braso pataas sa kanyang pisngi. Sunod-sunod na napalunok si Jasmine. "You are now mine Jasmine Mauritius," bulong niya sa punong-tenga ni Jasmine. Hahalikan sana siya ni Gilbert ay hinarangan ni Jasmine ang labi ng binata ng kanyang kamay. "Hanggang kailan akong maging asawa mo Gilbert? Alam mo naman na hindi biro ang pag-aasawa…" Hindi natapos ni Jasmine ang kanyang sasabihin ng bigla siyang buhatin ni Gilbert si Jasmine at inilapag niya sa ibabaw ng kama. Hindi sinagot ni Gilbert ang tanong sa kan'ya ni Jasmine. Sa lakas ng kabog ng dibdib ni Jasmine kahit anong pilit niya itong patahimik ay mas lalong kumakabog. Gusto man niyang ilayo ang katawan niya kay Gilbert ay hindi niya magawa. Muntik na siyang mapura ng maramdaman niyang ang mainit na hininga ni Gilbert na tumatama sa kanyang mukha. "Asawa na kita sweet heart, naalala mo sinabi ko sa'yo before na akin ka lang," bulong niya kay Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD