Chapter 14 Nahihiya ako sa harapan nilang lahat. Pakiramdam ko parang out of place kasama nila nakaupo sa eleganteng sala. Katabi ako ni Gilbert at sa kanang bahagi ang Lolo ni Gilbert na si Don Gregor Mauritius na tahimik na nakaupo. Hinawakan ni Gilbert ang be kamay ko at nginitian niya ako. Pangiti-ngiti lang ako kung tina-tanong nila sa totoo lang nahihiya ako kung pwede lang ay iniwan ko na sila. Tumikhim si Don Gregor lahat sila ay napalingon sa matanda. Siguro ang edad niya ay nasa mid 80s. "Kumusta ang buhay asawa mo hija kasama ang apo ko. Hopefully na hindi ka niya tinatrato ng hindi maganda?" tanong ng Don Gregor sa akin. Nginitian ko siya. Baka may alam siya sa amin ni Gilbert noong bata pa ako. Kasi hindi siya magtatanong sa akin ng ganun na tanong. Nag-uumpisa naman ang

