Chapter 13 JASMINE Bumangon ako na masakit ang ulo ko. Hinanap ng mata ko si Gilbert dahil wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako kahit nahihirapan akong tumayo ay pinilit ko ang sarili ko. Masakit pa rin ang pagitan ng aking hita. Pumasok ako sa banyo para maligo at malinis ko ang sarili ko. Pagpasok ko sa banyo ay nakita ko ang bathtub na may tubig na ito at may petals ng mga bulaklak at umaapaw ang bubbles. I sighed and smiled. Si Gilbert ba ang naghanda nito sa akin. Pero na saan siya? Tiningnan ko ang oras sa relo ni Gilbert na nasa counter. Naiwan siguro niya ito ng makita ko, almost 10 am in the morning. Mahaba pala ang tulog ko kagabi. Dahil siguro sa pagod kaya na-late na ang gising ko. Ilang beses din kasi na may nangyari sa amin ni Gilbert kagabi. Magdamag niya akong hindi tin

