Chapter 49 Jasmine Bumangon siya ang mata niya ay sa akin nakapako sa kinatatayuan ko. Ang hinding familiar na babae ay mabilis din bumangon tanging suot niya lang ay bra at panty. Nagmadali niyang pinulot ang damit niyang naka kalat sa sahig. "Get out!" malakas na sigaw niya sa babae. Hindi maangat ng babae ang mukha niya baka sa takot niya kay Gilbert. Natataranta siya sa malakas na sigaw ni Gilbert. How come pagkatapos niyang gamitin ang babae ay parang wala lang sa kanya. Tumakbong natataranta na lumabas ng kwarto ang babae at si Gilbert ay hinanap ng mata niya ang iba niyang damit. Nang makita niya ang kanyang jeans ay pinulot niya ito. Pagkatapos niyang suotin ang dark blue jeans niya ay binalingan niya ako. Tahimik at malalim ang kanyang mga mata. Nahihirapan siyang suotin ang

