Chapter 48 JASMINE Niyakap ko si Mama na wala nang buhay. Hinaplos ko ang maamong mukha ni Mama. Parang hindi nauubos ang mga luha ko sa aking mga mata na pumapatak sa aking pisngi. Hanggang sa niyakap ako ni Kuya na umiiyak din kasama si Papa. "Wala na si Mama Pa, kuya. Kasalanan ko ang lahat hindi ko siya naalagaan tulad ng sinabi ko sa inyo. Iniwan na niya tayo," Naiiyak kong sabi sa kanila. Ang lalamunan ko ay pakiramdam ko ay naninigas at naninikip. "Hindi mo kasalanan anak, huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo." Mahinang sabi ni Papa sa akin. Hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Mama at hinalikan ko ito. Ang hirap na makita mo sa harapan mo na mawalan ng malay ang mahal mo sa buhay. Sana ako nalang ang kinuha ng panginoon. Kung hindi ako pumayag sa gusto

