Chapter 71 JASMINE Nag-tayuan ang mga balahibo ng makita ko yakap-yakap ni Gilbert si Neymar. Lalo na makita ako ni Gilbert nakatayo na tahimik na nakatingin sa pagtatago nilang mag-ama. Bakit nandito siya? Bakit pinayagan ni Papa at Lolo papasukin siya ng mansion? Maraming tanong sa isip ko dahil dati ay galit si Papa kay Gilbert at siya rin ang tumulong sa akin para hiwalayan ko si Gilbert. Pero ngayon ay ayos lang kay Papa na nandito si Gilbert isa pa ay hindi man lang niya binawalan si Gilbert kay Neymar. Nagkatitigan kaming dalawa habang nakayakap pa rin siya sa anak ko. Kahit gustuhin ko man ipagdamot sa kanya si Neymar ay anak pa rin niya ito. May karapatan siya dahil siya ang ama ng anak ko. Siguro ay oras na sabihin ko ang totoo sa anak ko kaysa malaman niya pa sa iba. Lum

