Chapter 72 Jasmine Kinabukasan ay napaisip ako sa sinabi sa akin ni Papa at totoo naman lahat ng payo sa akin ni Papa, and Last night I couldn't sleep sa kakaisip masakit ang ulo ko na bumangon. Sa cr agad ako dumiretso at naghilamos ako ng malamig na tubig. Then lumabas ako para puntahan ang anak ko sa kanyang kwarto. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko hanggang ngayon ay natutulog pa rin ang anak ko. Pumasok ako at pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Neymar na natutulog. Nakita ko rin ang mga laruan na regalo ni Gilbert sa kanya. Nakangiti ng makita ko ang bola na pang fifa world cup ang katabi ni Neymar. Isa ito sa dala ni Gilbert kahapon akala ko ba ay hindi gusto ng anak ko. Pareho talaga sila ni Gilbert ng ugali minsan ay hindi ko maintindihan. Maya-maya ay lumabas ako dahil ma

