Chapter 82 Jasmine Naawa ako kay Amanda ng sabihin niya ang kanyang nakaraan. Hindi ko akalain na may ibang tao pa siya na sinaktan maliban sa akin. Paano niya nakayang kunin ang sanggol sa tunay niyang ina? "Nahihirapan akong maka-move on sa mga oras na nawala sa akin ang anak ko. Masakit para sa akin na hahawakan ko sa aking kandungan na wala ng buhay ang batang sinilang ko." Naiiyak na sabi ni Amanda sa amin. "May alam ba si Tito Greg tungkol dito?" tanong ko. "Oo, siya ang unang nakakaalam na buhay ang bata na isinilang ko at ang bata na yun ay si Gilbert. Noong una na galit siya sa akin kung bakit hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Pero ng paliwanag ko sa kanya ang totoong nangyari ay naiintindihan naman niya ako." Hindi ko kinaya ay tumayo ako dahil nahihirapan akong huminga

