Chapter 43 JASMINE FLASHBACK Almost 11 in the morning ay hindi pa rin siya dumarating. Nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko maintindihan. Kinuha ko ang tray sa ibabaw ng mesa na may mga prutas at dahan-dahan kung binitbit palabas ng veranda. Nilagay ko sa mesa at umupo ako. Mabuti na lang ay naalala ni April na maghiwa siya para sa akin ng carrots and cucumbers. Ako na ang naglagay ng lemon at asin. Paiba-iba ang gusto ng aking sikmura mahirap din pala ang maglihi. Minsan may gusto akong kainin pero hindi ko naman alam kung anong klase ng pagkain ang hinahanap ng sikmura ko. Ilang sandali ay naubos ko ang kinain ko, tumayo ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa akin. Pagtayo ko ay nakita ko ang sasakyan ni Gilbert na papasok sa mansion ng buksan ni Manong ang gat

