Chapter 44 Jasmine "Ate, ate gising!" bigla ako napabangon ng gising ako ni April. "April, I'm dreaming." Sabi ko. "Oo nga ate e, kanina pa kita ginising ng marinig ko sa kusina na sumigaw ka galit. Narinig ko na tinatawag mo ang pangalan ni Sir Gilbert," saad sa akin ni April. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak na tissue box. Akala ko ay totoo na ang panaginip ko, hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa aking sarili. Pawis na pawis ako. "Ano ba ang napanaginipan mo ate?" "Si Rica at ang ina ni Gilbert, pakiramdam ko isa ito sa bangungot na panaginip," saad ko at kunot-noo akong tinitigan ni April na pinupunasan ko ang pawis sa leeg ko. "OMG, ate! Ang dalawang wicked. Ewan ko ba d'yan kay ma'am Gina, bakit gustong-gusto niya iyan si Rica. Hindi ko naman sila masyadong kilala pero ang

