Chapter 55 Gilbert FLASHBACK CONTINUE "What the heck!" galit na sigaw ko. Kahit ako naman ang nakabasag ng hawak ko na kopita na may alak. "Gilbert, calm down." Sabi sa akin ni Jasper. "Wala na si Jasmine, iniwan na niya ako," naiiyak na sabi ko. Kay Jasmine lang akong umiyak ng ganito. Siya lang ang babaeng nag-pabaliw sa akin ng ganito. Alam ko sa sarili ko na marami akong hindi magandang nagawa sa kanya. Pinaiyak ko siya mula ng bata pa siya. Dahil iyon lang ang solution na makita ko ang maamo niyang mukha. Pero ano ginawa ko, mas lalo ko siyang pinaiyak. Masakit, masakit, masakit akong magmahal. Hindi ko siya iningatan, I hurt her. Nasaktan ko siya ng husto. Hindi ko alam kung paano ko pa mabubuo ang nawasak kung puso ng babaeng mahal ko. "Sir, nandito po ang abogado ni Ma'a

