Chapter 56 Jasmine Tanaw na tanaw ko ang mga magandang view sa labas ng veranda ng hotel. El Nido resort ito ang pinakagusto ko dito sa Palawan, actually halos magaganda ang mga hotels and resorts dito. Ang kulay asul na dagat kay gandang pagmasdan. Kaya isa ito sa pinupuntahan ng mga turista ang Palawan dahil sa likas ng yaman at mga tao ay napaka-friendly nila. Muli ang pumasok sa loob ng kwarto ko. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ang anak ko. Napagod kasi siya mahabang biyahe namin. Nilapitan ko siya at hinaplos ko ang maamo niyang mukha na natutulog. "Hmmm, Mommy." sabi niya na natutulog, I kissed his forehead. Napa-buntong hininga ako. Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Neymar. Hindi ko rin namalayan na tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Pinahid ko ito ang luha ko at pinagal

