Chapter 57 Jasmine "Kumapit ka ng mahigpit baby ko, baka mabitawan mo ako. May mga shark pa naman dito." Utos niya sa akin. Utusan pa ako e, ang higpit ng pagkatali ng Levon na'yun sakin. Kahit na hindi niya ako uutusan e, sure na kakapit ako ng mahigpit sa kanyang baywan. Parang ililipad na nga kami sa bilis ng pagpapatakbo niya jet ski. Pakiramdam ko naninigas ang mukha ko. "Bakit saan mo ba ako dadalhin? ibalik mo ako sa hotel Gilbert," hindi niya sinagot ang tanong ko. "Ohhh, ohhoo," masaya niyang sigaw. Ako dito sa likuran niya halos mawalan na ako ng hininga. Minsan ay pinipikit ko ang mata ko dahil natatakot na ako. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa malapad at matigas niya na likod. Samantala siya ay ini-enjoy niya ang sarili. Inabot din kami ng ilang minuto bago namin na

