Chapter 58 Jasmine Ilang sandali ay agad akong tumayo at lumayo ako sa pagkayakap kay Gilbert. "Damn," sabi ng isip ko. Hindi ito maaari, umiling-iling ako at tinalikuran ko siya. Umakyat ako sa taas pagdating ko ng kwarto sa taas ay mabilis kung ni-lock ang pintuan. Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. "Jasmine open the door," tawag niya sa pangalan ko sa labas ng pintuan. Ilang beses siyang kumakatok sa labas ng pintuan. Hinayaan ko siya at huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang loob ko. Muli niyang tinawag ang pangalan ko. Lalong lumalakas ang ulan at hangin sa labas. Hindi rin ako maibalik ni Gilbert dahil sa sama ng panahon. Nang kumidlat ay napasigaw ako ng malakas sa gulat ko. Hanggang sa binuksan ko ang pinto. Pagbukas ko ay mabilis akong niyakap ni Gilb

