Chapter 68 Jasmine Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit pagkaharap ko siya ang nawawala ang galit ko sa kanya? "I can't live without you, hindi ko na kaya na mawala ka pa sa akin. Mamatay ako kung mawala ka pa sa akin, mahal na mahal kita Jasmine." Hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod siya sa harapan ko. Hinalikan niya ang palad mo ng ilang beses. Pinatayo siya dahil ayokong lumuhod siya sa harapan ko. "Tumayo ka Gilbert ayokong mag-alala naman ang anak ko." He looked at me. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng emotion nakatingin sa akin. Parang may bumulong sa akin na itaas ko ang kamay ko para haplusin ang kanyang pisngi. Pero pinigilan ko ang sarili ko na huwag haplusin ang kanyang pisngi. Siya pa rin ang pintig ng puso ko. Pero ang isip ko ay sinusuway ako

