Chapter 69 THIRD PERSON "Jasmine kailangan na natin bumalik ng Maynila, ang Papa mo kailangan ka niya," sabi ni Stefano kay Jasmine. Natataranta si Jasmine sa sinabi sa kanya ni Stefano. Dahil kahapon ay nakausap din niya ang kanyang ama at hindi naman nasabi ng kanyang ama na hindi maganda ang kanyang pakiramdam. "Bakit ano nangyari kay Papa?" tanong ni Jasmine. "Bigla nalang siya kanina nanghina," sagot ni Stefano. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Jasmine ang kamay ni Gilbert para pigilan na huwag muna niyang sasabihin sa anak na niya ang totoo. Inutusan ni Jasmine si Stefano na pumasok na sila ni Neymar sa loob. "Jasmine!" matigas na sabi ni Gilbert sa pangalan ni Jasmine. "Umalis kana Gilbert, hintayin mo ako ang magsabi sa anak ko ang totoo. Kung ikaw ang magsasabi paniwalaa

