Chapter 80 Jasmine I look at him, binuksan niya ang kanyang closet. Kumuha siya ng t-shirt at binigay niya sa akin para makapag palit ako ng damit. Hindi ko naman pwedeng suotin pampatulog ang damit ko galing trabaho. "Uuwi nalang ako at babalik lang ako dito ng maag." Mahinang sabi ko. "Nasabi mo sa mga bata na dito ka matulog. Kung hindi mo sana sinabi sa kanila na dito ka matutulog." Walang ka energy na sagot niya sa akin. "Magpapalit lang ako," sabi ko at pumasok ako sa loob ng cr. Ilang minuto rin ako sa loob ng banyo. Hindi agad ako lumabas dahil hindi ko maintindihan ang nangyari kay Gilbert. Bumuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng banyo. Parang nawawalan ako ng hininga at kailangan ko ng oxygen. Paglabas ko ng banyo ay wala na roon si Gilbert sa kinatatayuan niya

