Chapter 30 Jasmine Boses ng babae ang narinig ko na dumating sa baba. Narinig ko rin ang boses ng ina ni Gilbert na masayang sinalubong niya ang babae. Nagtatawanan silang dalawa ni ma'am Gina. Pumasok ako sa kwarto ko, inayos ko ang mga damit ko sa loob ng cabinet. Hindi ko kasi inaasa kay Aya o sa ibang kasambahay ang personal na gamit ko. Nang tumunog ang cellphone ko ay hinahanap ng mga mata ko kung saan kk nailagay. Nang makita ko ay si Eula na kaibigan ko ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag sa akin ni Eula. "Hello, babae ka kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot?" tanong sa akin ni Eula. "Eula," malumay na boses ko. "Girl, may problema ka ba, dahil ang tamlay ng boses mo?" hindi agad ako makasagot sa kaibigan ko na sa kabilang linya. "Free ka ba ngayon?" tanong k

