Chapter 29 Jasmine Sa bakanteng kwarto ako pumasok humiga ako sa kama na walang lakas. Binuhos ko ang mga luha ko na mainit na pumatak sa aking pisngi. Kung anu-ano ang pumapasok sa kokote ko. Nag-uusap ang isip at diwa ko tungkol sa amin ni Gilbert. Hindi ko namalayan kagabi na nakatulugan ko ang pag-iisip. Nakaramdam ako na mabigat na bagay sa ibabaw ng tiyan ko, dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko. Nagulat ako ang malaking braso ni Gilbert ang nasa ibabaw ng tiyan ko. Tiningnan ko siya mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mukhang magdamag siyang uminom ng alak kagabi. Inalis ko ang kamay niya nakapatong sa tiyan ko. Bago ako bumangon ay tiningnan ko muna ang mukha niya. He parted his lips. Tinaas ko ang kamay ko para haplusin ang makinis niyang mukha pero agad ko binawi ang kam

